“Indirect Kiss”

1398 Words
6 “Indirect Kiss”   CAFETERIA   Kung pwede ko lang picturan ‘tong moment na ‘to ginawa ko na. Pamfacebook kaya ‘to. Kaya lang ayoko namang isipin nya na pandisplay ko lang sya. Isa pa ayoko ding mabash ng mga fans nya.    Umorder na kami ni Cliff. Sandwich at white spaghetti ang inorder namin. Nagkaiba lang kami sa inumin, green tea kasi ang inorder nya at coffee naman sa’kin.   “So mahilig ka pala sa tea?” Pasimple kong tanong pero hindi ako nakatingin sa kanya.   “Yeah. Green tea ang iniinom ko every morning.” Sabay zip sa cup of tea nya. Sobrang gwapo, parang commercial model ng green tea. Lahat kumikinang habang nainom sya. Napapanganga na lang ako.   “Talaga? Hindi ko pa kasi natry maggreen tea kasi hindi daw masarap.” Umiwas ulit ako ng tingin bago nya pa ako mahuling nakatingin sa kanya.   Di ko kasi alam kung may mali ba sa sinabi ko. Hindi ko nga alam kung yun ba dapat ang sinasabi kapag ganitong situation. Ugh!   Magbasa ka kasi ng book about this Torrence.   “No. Masarap ang green tea dito. Try it. For sure magugustuhan mo.” Pag-alok nya sa’kin.   Gosh! Itry ko daw yung green tea? Parang gusto ko yun ah.   “Okay lang bang itry ko?” Sobrang nahihiya kong tanong.   Parang nagulat naman sya. “Of course.”   Kahit nahihiya ako kinuha ko pa din yung cup of tea nya at tinikman ko yung green tea. Grabe, para na din kaming nagkiss ni Cliff. Kakatuwa talaga. Kinikilig ako at parang baliw habang naiisip na nagkiss kami ni Cliff.   Parang nagulat si Cliff sa ginawa ko kaya naman ibinalik ko yung tea sa kanya.   “No no, sa’yo na yan.” Itinulak nya yung cup papalapit sa’kin.   “Huh? Bakit? Ayaw mo na ba? Sabi mo kasi itry ko.” I wiped my lips. Grabe nakakaoffend, ayaw na nya kasi ininuman ko na.   “Yeah itry mo, yung oorder ka ng isang cup of tea para sa’yo. Tss.” Parang disappointed sya. Grabe na naman ‘tong kahihiyan na ginawa ko.   Tsk. Hindi naman nya kasi nilinaw. Grabe naman ang katangahan ko, sumasagad.Syempre mayamanin nga pala ‘tong si Cliff malamang hindi sya nainom sa ininuman na ng iba.   “Sorry. Ioorder na lang kita ng bago.” Tatayo na sana ako para umorder ng bago.   Biglang tumunog ang cellphone nya. May nagtext ata, napangiti kasi sya.   “Wag na. Kailangan ko na din kasing umalis.” Sagot nya sa akin habang nakatingin sa cellphone nya at nagrereply.   “Kasalanan ko ba kaya aalis ka na?” I feel so terrible. Grabe, siguro nandidiri na si Cliff sa’kin ngayon. Asal kalye ko kasi.   “Hindi. May gagawin pa kasi ako. Okay lang bang iwanan na kita dito?” Tanong nya habang nakatingin sa orasan.   Tumango ako. “Sure, no problem.”   “Okay.” Tumayo na sya.   “Cliff.” Ano bang sasabihin ko. Wala akong maisip. Bahala na nga.   Lumingon sya.            “Yes?”   Magtapat na kaya ako? Pero seryoso ba ako? Sa personal ko ba talaga sasabihin?   Parang hindi ko pala kaya. Makita ko lang yung mata nya na nakatingin sa’kin nauutal na ko. Hindi ko na alam ang sasabihin.   “May sasabihin ka pa ba Torrence?” Nagmamadali na talaga sya.   “Ah─ingat ka. Thanks sa pagtreat.” Yan lang talaga ang nasabi ko. Dahil sobrang dami ng tumatakbo sa utak ko.   “Wala yun. I’ll go ahead.” At naglakad na sya palabas ng cafeteria.   Naiwan na ko mag-isa sa table pero para pa din akong nakalutang. Ang sarap pala ng feeling na kausapin ng inaasam mong tao. Feeling ko ang ganda-ganda ko, totoo. PROMISE!   Wait! Nasan na ba ang bestfriend ko? Matawagan nga muna sya.   Sosyal ang ringback huh. You push me, I don’t have the strength to resist─.   Ayun sinagot din ng loka.   “Hello, Katy. May class ka ba? Puntahan mo ako dito sa cafeteria, bilis!” then I hang up. Hindi ko na talaga sya hinintay makapagsalita no?   Excited na kasi akong magkwento kay Katy ng mga nangyari sa’kin. Kaso may palpak na naman, hindi ko na lang ikukwento yung palpak na nagawa ko. For sure kasi pagtatawanan na naman ako nun.   Lumipat ako sa pwestong inupuuan ni Cliff. Parang naiwan pa dito yung mabango nyang amoy. Hindi ko alam kung ano ‘tong nararamdaman ko. Tinikman ko ulit yung green tea. Mmmmmmmmmm ang sarap. Masarap ba talaga yung tea o dahil ininuman lang yun ni Cliff..   Para akong baliw na tumatawa mag-isa. Naku wala akong pakialam kahit pagtinginan nila ako. Totoo namang nababaliw na ako.   Feeling ko nagpupuso na naman ang mata ko. Ipagkalat ko kayang nagkiss na kami. Kaso baka mas lalo akong mapahiya. Kailan ko kaya mapagtatapat sa kanya na sya lang ang gusto. Hindi ko alam kung kaya ko ba. Sana maging close kami para magawa ko.   “Ano day dreaming lang ang peg?” Biglang sumulpot si Katy at bumalik na ako sa katotohanan.   “Day dreaming ngayon, pero kanina hindi.” Masungit kong sagot then I rolled my eyes.   “What do you mean?” Naguguluhang tanong ni Katy.   “Maupo ka na dito. Ikukwento ko sa’yo.” Excited kong sabi sa kanya.   “Woah. Iniorder mo na pala ako. Thanks.” Umupo sya at tinikman yung food. Ang bait nya dahil may pagkain. Madalas kasi sya ang umoorder para sa amin. Syempre sya ang may pera.   “Sige lang, kain ka na dyan.” Makapang-alok ako as if ako yung nagbayad.   “Bakit hawak-hawak mo yang cup?” tanong ni Katy habang nakain ng spaghetti.   “Basta lang.” Habang titig na titig ako dun sa cup. Ang baliw ko lang.   “Teka, green tea ba yan? Sa’kin na lang, hindi ka naman nainom nyan ah.” Kinukuha sa’kin ni Katy ang cup. Naamoy nya ata na tea ‘to. Pero ako, si Cliff ang naamoy ko.   “Ayoko nga. Alam mo bang si Cliff ang uminom dito.” Pagmamayabang ko sa kanya.   “Ano? Ibig sabihin tira-tira ‘tong pinapakain mo sa’kin. Uy bes naman, nakakahiya. Bakit umupo ka dito? Gipit ka ba masyado?” Iniluwa nya ang nasa bibig na nya sa tissue at nandiri.   “Sira, hindi ako nakiupo lang dito no. Alam mo bang sya ang nagyayang kumain at inilibre nya lang ako. Kaya nandito ako ngayon.” Paliwanag ko sa kanya.   "No way!” Napatawa si Katy, halatang hindi sya naniniwala. “Wag kang magfeeling. Di ka type nun.”   “Hindi ko naman sinabing type nya ako. Pero sana kahit friends lang, maging friends kami masaya na ako dun.” Nag-isip ulit ako ng malalim. Akala ko nga impossible na makapagusap kami pero nangyari. Sana maging posible din na maging magkaibigan kami.   “Naku huh, baka mauna pa syang magtapat sa’yo. Kapag nangyari yun, talo ka na sa pustahan.” Yung pabiro yung pagsasabi ni Katy pero ang sarcastic na parang malabo talagang magkagusto si Cliff sa’kin. Pero nakabawi naman sya dun sa pang-aasar nya kanina.   “Bes, kahit matalo ako kung si Cliff naman ang kapalit eh super okay lang.”  Imagine sya ang magiging first boyfriend ko. Why not di ba? Mayaman na gwapo pa. Pag nagkataon tinalo ko pa sila Katy. Dahil talo ko pa nun ang nanalo ng jackpot sa lotto.   Ang sarap mangarap no Torrence?   “Baliw ka talaga. Batukan kaya kita dyan.” Ang sarap sa feeling na sinusuportahan ka ng kaibigan mo sa mga ganitong pagkakataon kahit sobrang sarcastic lang.   Sana lang talaga maganda ang maging katapusan nitong nangyayari ngayon sa’min ni Cliff. Hindi naman kasi ako nagmamadali. Alam ko namang wala sa’kin ang katangian ng gusto nya. Di man lang nya sinabi sa’kin kung bakit nya ako niyayang kumain. Sana, sana hindi ako masaktan.   OMG may class pa nga pala ako. Kailangan ko nang umalis. Inubos ko na yung green tea. Para na din talaga kaming nagkiss ni Cliff nito. Nagustuhan ko ba talaga yung tea o dahil para lang kaming nagkiss? Kulang na lang iuwi ko yung cup kaso nakakahiya. Baka makarating pa kay Cliff, ayokong maturn off sya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD