“Thank You, Next”

2537 Words
3 “Thank You, Next”   CANTEEN   Ikakain ko na lang tong kahihiyan na nangyari sa’kin kanina. Parang ayoko munang makita si Cliff. Pangarap ko kaya ang mapansin at makausap nya. Dapat masaya ako. Kasi napansin nya ako tsaka sya pa yung unang kumausap sa akin. Dapat happy lang, pero bakit parang magkakasakit ako sa nangyari. Kapag naalala ko ang nangyari nahihiya ako ng sobra!   “AAAHHHHHHHHHHHHHHHH!” Napasigaw ako sabay hampas sa table. Nakalimutan kong nasa canteen nga pala ako.             “Sorry. I passed my exams lang kasi.” Sabay yuko at tuloy sa pagkain. Di pa nga exam week. Ay naku, talaga. Napapailing na lang ako. Alam nyo ba yung feeling na paulit ulit nyong naiisip ang nangyari na tapos sinasabi nyo sa sarili nyo na sana pala ito yung sinabi ko. Kaso too late na, hindi na maibabalik ang nangyari na.   “Hoy, Torrence bakit ka sumisigaw dyan?” sabay batok sa’kin ni Katy. Syempre nanakit na naman sya. Pero feeling ko ito yung araw na kailangan ko talagang mabatukan para magising ako. Baka sakaling nanaginip lang ako kanina.                         “Bes isa pa ngang batok, please?” Yumuko ako. Ready na ako, tsaka na-anticipate ko na yung bigat ng kamay nya sa pagbatok sa’kin.   “Anong problema mo?” Umupo sya sa tabihan ko tsaka ako hinawakan sa noo. Kung kailan inaasahan kong sasaktan nya ako, tsaka naman hindi nya ginawa. “Kamusta naman yung back subject mo? Namiss ka ba ni sir Von?”   “Oo eh, palagi ako ang napapansin nun. Pero alam mo ba bes, may nakakahiyang nangyari sa’kin knina.” Naluluha na talaga ako. Kung wala akong kaibigan na Katy, malamang nabaliw na ako. Kailangan ko talaga ng may mapagsasabihan.   Tinitigan nya ako at wala syang expression. Alam na nya kaya ang nangyari sa akin kanina? “Weh, nagjojoke ka? Sure ka kanina lang?” Pang-aasar nya.   Naku, okay na yung momentum eh, sabay banat ng ganun. Nakakainis lang!! Sinipa ko ang ilalim ng table, syempre nagsisi ako kasi masakit. “Ano ba Katy!! Seryoso ako!! Kung inatake ako sa puso kanina wala ka ng kausap ngayon!”   “Eh seryoso din naman ako.” Sagot nya, pero mukha talaga syang seryoso.   “O sya bahala ka na nga dyan.” Patayo na ko nung pinigilan nya ko. Alam ko namang hindi nya ako matitiis.   Yan ang bestfriend ko. Si Katy Fran, 17 years old. Mahirap lang sila dati pero nanalo sa lotto yung parents nya kaya instant millionaire sila. Oha astig di ba? Kaya mabait yan kasi dumanas din sya ng hirap. Marami na silang business ngayon at nasa ibang bansa na din ang parents nya. Ang totoo nga sa edad nyang yan eh pinag-mamanage na sya ng isa sa mga negosyo nila. Maabilidad kasi ang parents nya kaya napalago nila yung napanalunan nila sa lotto. Napakaswerte no. Kapag may pera ka talaga gumaganda ka. Ganun kasi si Katy. Mean ko bang friend?   “Sige na sige na. Arte eh. Ano ba yun?” She sounded as if she didn’t have a choice. Wala talaga syang choice.   Medyo careful na ako this time. I looked around muna making sure wala si Cliff somewhere near, tsaka ako bumali sa pagkakaupo.   “Classmate ko si Cliff sa class ko kay sir Von.” Bulong ko kay Katy. Medyo hindi ko maitago ang kilig ko.     “Hindi nga? Eh di hindi ka na nakinig kay sir?” Mukhang hindi sya naniniwala. I can’t blame her, ilang beses ko na kasi syang niloko, kaya ngayong nagsasabi na ako ng totoo hindi na sya naniniwala sa’kin.   “Hindi naman talaga ako nakikinig dun. Pero hindi yun yung gusto kong sabihin.” Halos bumilis na naman ang t***k ng puso ko. Ano ba tong nararamdaman ko.   “Hindi pa yun? Eh ano pa? Wait don’t tell me may kapalpakan ka na namang nagawa?” Medyo umagwat sya sa’kin. Yung alam mong para kong may sakit or something. Parang sya yung unang taong ikakahiya ako bukod sa sarili ko.   “Hindi naman kapalpakan.” Medyo nagaalinlangan pa akong sabihin. “Ka – kasi sinusulat ko yung name ni Cliff sa notebook ko.” Mahina kong sabi. “Eh malay ko naman bang magiging seatmates kami noh!” Naiinis kong sabi, at hindi ako masaya. Hindi kasi ako ready. Yung mga unexpected talaga yung mga di mo inaasahan – ay mali, yung mga nangyayari pala.   “Seatmates? Oh my gosh.” Mabilis syang dumikit ulit sa’kin. “Wait, no. Is this another prank? Alam mo kasi ilang beses mo na yang ginawa sa’kin. Sabi ko sa’yo last time di ba sasaktan na talaga kita kapag inulit mo ang panloloko sa’kin!!!” Kahit naman di ko sya niloloko sinasaktan nya pa rin ako. Ayan may pagbabanta pa sa buhay ko.   “Peksman, cross my heart, nagsasabi ako ng totoo!” Itinaas ko ang kanang kamay ko akala mo nagmamanatang makabayan ang peg.   “Totoo ba talaga?” Tanong nya at tumango namana ko. “OMG! Mukhang matatalo ako sa pustahan natin ah.” Napahawak si Katy sa dibdib nya na parang hindi makapaniwala.   “Saglit lang naman hindi pa ko tapos.” This is the hardest part, you know. Nakuha ko naman ang attention nya dahil may pagka chismosa din ‘tong si Katy.   “Okay go. And then?” Parang stars yung mga mata nya na nagiintay ng kung ano. Talagang nakaharap pa sya sa’kin.     Medyo hesitant na ako kasi baka sumigaw ‘to dito mas lalo akong mapapahiya. “Bes – bes wag na lang kaya?” Humina yung boses ko.   “Then what?!!” Ayan sumigaw na nga sya wala pa akong sinasabi. “I’m waiting Torrence Felly!” hindi ko na talaga sya mapigilan.   Here it goes. “Then nanghiram sya ng notes sa’kin.” Parang nauutal ako, feeling ko talaga nastroke ako  kanina.   “Bes you already.” Hinawakan nya ako sa mga balikat tsaka kinalog-kalog. Halos nayanig ata ang utak ko. “Swerte mo te. Ganda ng araw mo ngayon. Naligo ka today no? Aminin!!” Siraulo talaga ‘tong babaeng ‘to. Araw-araw kaya akong naliligo.   Teka, kinikilig ba sya? Hindi pa nga ako tapos magkwento di ba?   “Gaga. Nasira nga eh. Kasi pinahiram ko yung notebook ko sa kanya.” Halos nag-iinit na naman yung mukha ko sa kahihiyan.   “Oh eh anong problema dun?” Hinigit nya ang buhok ko. Kapag maaga akong napanot kasalanan ni Katy.   “Adik ka ba o ano? Di ba nga sinusulat ko yung name nya sa notebook ko.” Si Katy ata ang wala sa sarili. Kanina pa ako nagkukwento, hindi man lang nag-iisip.   “Sus, eh name lang naman pala. Okay lang yun.” Hindi mawala ang ngiti sa mukha nya. Akala mo sya yung may gusto kay Cliff.   “Kaso nga hindi basta name lang.” Tinakpan ko ng mga kamay ko ang mukha ko.   “What do you mean?” Nanlaki ang mga mata ni Katy. “Don’t tell me ibinigay mo ang address and phone number mo sa kanya? Ahhhhhhhhh!!” Mabilis kong tinakpan ang bibig ni Katy. Jusko, nasaan ba ang utak nitong babaeng ‘to.   “Saan mo naman nakuha yang phone number at address!!! Siraulo ka talaga!! Wag ka ngang sumigaw!!!” Inalis ko ang kamay ko sa pagkakatakip sa bibig nya. “Ano kasi – unconsciously, naisulat ko pala ay I LOVE CLIFF!” Bulong ko sa kanya.   Hinampas nya ako ng malakas. “Nakakahiya ka bes. Hindi ko akalaing ganun ka. Parang sinadya mo naman.”   “Yung totoo? Okay lang na isulat ko yung phone number at address ko pero hindi pwede yung I love Cliff, ganun? Ewan ko sa’yo. And lilke I said, di ko naman alam na darating sya dun.” Medyo napalitan ng pagkainis yung pagkahiya ko dahil dito sa kaibigan kong supportive.   “Anong gusto mong gawin ko? And besides sanay na si Cliff sa ganun. Wala lang yun sa kanya. Baka nga hindi ka nun natandaan.” Aray, medyo nasaktan naman ako sa sagot nya. Mahirap talaga kapag one sided.   “Tingin mo?” Tumango sya at bumalik na naman ako sa pagkalungkot. Hindi naman mali si Katy. Hindi naman palaging nangyayari na crush ka rin ng crush mo. Mas madalas crush ng lahat ang crush mo tapos di ka nya kilala, at di ka nya napapansin.   "Okay lang yan. Masyado kasing mataas yun si Cliff. Wag na lang yun.” Tinapik nya ako sa likod. Buti na lang mahina, baka kasi lumabas na ang baga ko sa mga p*******t nito sa’kin. Pero mas masakit pa din ang heartache. “Teka nga pala, nasaan na yung notebook mo?”   "Yung notebook ko?” Bigla akong napaisip. “No! Na kay Cliff pa.” Nagpanic na ako. Hindi ako ready na makita sya. “Kasi di ko na nagawang kunin. Tumakbo na ako kaagad dahil sa kahihiyan.” Hindi ako mapakali. Di ko alam ang gagawin ko kapag nakita ko sya ngayon.     “Hala ka, baka itinapon na yun ni Cliff kasi di nya alam kung kanino ibabalik. Congrats girl, very lucky.” Yung tono nya parang congrats na parang good luck. Ansakit lang sa puso.   "What?!! Anong lucky dun!!!!! Yung notebook ko!!!!” Inisip ko kung ano bang notes ko sa notebook ko. Di ko na din matandaan.   "Baka naman blank notebook ang pinahiram mo? Naku ipagpray mo na lang na itapon nya yung notebook mo kaysa mapahiya ka na naman!” Supportive ng kaibigan ko, ayaw nyang mapapahiya ako.   “Kanya na yun. Ida-drop ko na yung subject na yun.” Sobrang init today pero nanlalamig ako. Parang panlalamig ni Cliff nung nakausap nya ako.   Isang batok na naman galing kay Katy. “Ay sus, talaga lang huh. For sure mga isang buwan mong uulit uliting ikwento ‘tong nangyari.”   “ARAY! SUMOSOBRA KA NA HA!!!” galit kong sabi sa kanya at sinubukan ko syang gantihan pero pinanlakihan nya ako ng mga mata.   Ida-drop? Naku, hindi pala pwede dahil isang ulit pa a eh mawawalan na ko ng scholarship. Hindi na ako makakapag-aral. Hindi ko itatapon ang pangarap ko para kay papa dahil lang kay Cliff. Parang si Cliff lang eh. So what.   “Hay, naku. Wala na akong pakialam sa kanya.” Wala naman kasi talaga akong idea sa mga gagawin. Saan ba ko nakuha ng lakas ng loob? Kaya puro kapalpakan ang nangyayari sa’kin eh.   “Bes, si Cliff oh papasok ng canteen.” Pasimpleng sabi ni Katy.   Biglang nagbago ang expression ko.   “Bes wag kang magbiro.” Bigla akong kinabahan at di mapakali,   “Akala ko ba wala ka nang pakialam? Pero seryoso ako.” Ngumunguso sya.   “Baka kakain yan. Bayaan mo sya.” Deadma lang ako. Kunyari hindi ko alam. Pero yun nga ang nagpahamak sa akin kanina, yung kunyari deadma lang.   “Parang may hinahanap eh.” Paasa talaga ‘tong si Katy. Umaasa talaga ako.   “Ba – baka yung tropa nya. Wag mong tingnan nakakahiya!” Pahina ng pahina yung boses ko at pinipilit kong takpan ang mukha ko.   “Oh no bes, papunta sya dito.” Habang hinahampas ako. "Umayos ka!”   “Tama na nga Katy. Hindi na ko natutuwa, so what kung nandyan si Cliff. I don’t care!” Oha hantaray ko daw. Pero seryoso naman ako eh. So what nga di ba?   “Yes, I’m here.” Sagot ng isang familiar male voice.   Hala, namutla na naman ako at nanigas. Napatakip ako agad sa bigbig ko. Ang daldal ko kasi mukhang narinig nya yung sinabi ko.   “Bakit hindi mo naman sinabing malapit na sya?” bulong ko kay Katy at kinurot ko pa sya. Kasalanan nya kasi. Malay ko bang totoo na pala ang sinasabi nya.   Humarap ako kay Cliff. “Hi. Look yung about dun sa nabasa mo ah─”   “You have nothing to worry about. Sanay na ko.” Yung feeling yung dating nya pero ang gwapo pa din. Lakas din ng self esteem nitong lalaking ‘to eh. Kung hindi ko lang sya gusto naku naturn off na ako.   “I see.” Nagfake smile na lang ako. Para naman hindi nakakahiya.   Bigla syang may inaabot sa’kin. Sa kanya lang ako nakatingin, ewan ko ba, parang magnet ang mukha nya hindi ko maalis ang mga tingin ko.   “Here.” Tipid nyang sabi.   “Ano yan?” Medyo pakipot pa daw ako at paarte. Di dahil si Cliff sya eh magwawala na ako dito.   “Basta take this.” Inilalayo ko pa yung hawak-hawak nya. Di ko kasi inaasahan yun.   “You don’t have to─” Umiiling ako, baka kasi kung ano ‘to. Mapapahamak ako sa mga fans nya.   Bigla syang lumapit sa may tenga ko. “It’s yours” at kinuha nya ang kamay ko at inilagay yung inaabot nya.   Oh my gosh. I can die now. First time may humawak sa kamay ko. Nagskin contact kami ni Cliff, grabe ang sarap!!!   “Nagabala ka pa. Thank you dito ha.” Kahit hindi ko alam kung ano ba talaga yun binigay nya sa’kin. Pero kahit ano pa yun basta galing sa kanya tatanggapin ko.   “Nakakatawa ka talaga. Thank you Torrence Felly.” Tumawa sya habang nailing. Hinawakan pa nya ako sa ulo.   Sinabi ba nya ang pangalan ko?   Tulala tuloy ako. ****************************************************** Sya si Clifford Airman, 19 years old, irregular third year student. Ang ultimate crush ko. Never akong humanga sa lalaki sa buong buhay ko. Ngayon lang. Sya lang naman ang MVP at captain ng basketball team dito sa school. Dami nya pang ibang sports. Name it at kaya nya yan. Kumakanta din sya. Lahat-lahat na nga eh. Sila ang owner nitong Airman Academy. Sobrang daming babae ang nagkakagusto sa kanya. Lahat ng babae as in! Mapatao man yan o hayop. Sa gwapo nyang mukha. Mapupungay na brown eyes. Super tangos na nose. Rosy cheeks at kissable lips. Maputi at matangkad sya. Isama mo pa ang macho nyang katawan. ******************************************************   “How did you know my name? Kailan pa?” Nagba-blush na ko huh.   “Kanina lang, nung pinahiram mo yang notebook mo.” Nailing sya at natawa habang papaalis. “Lakas din ng trip mo eh.”   Epic fail na naman ako. May thank you thank you pa akong nalalaman huh. Sa harap pa ng maraming tao huh. Notebook ko pala yung inaabot nya. Grabe isa na namang kahihiyan.   “Sino ba yang babaeng yan? Ang feeling ha!” narinig kong sabi ng isa sa mga nasa canteen.   I grabbed my bag tsaka nanakbo palabas. Ngayon mas dadami ang magagalit sa’kin. Pero ang sakit ng nangyari, dahil para lang akong isang joke kay Cliff. Bakit ba kasi nagaassume pa ako.   “Torrence wait!” sigaw ni Katy pero di ko sya pinansin. Hiyang-hiya na kasi ako. Ugh! Torrence you’re so stupid to the highest level!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD