[Lucy's POV] Tikom ang bibig na naupo ako sa couch dahil masama pa rin ang loob ko sa nangyari. Hindi naman ako chismosa para usisain ang mga lakad ni Raizel pero nakapagtataka lang talaga dahil ito ang unang beses na hindi niya ako isinama. Para tuloy ako nitong binigyan ng isang araw para magmukmok at gawin ang inutos niya sa aking video call kasama ang pamilya ko. Ilang sandali pa, napatayo ako bigla sa kinauupuan ko nang marinig ang sunod-sunod na katok sa may pintuan. Grabe, hindi man lang inabot ng isang oras ang inutusan nitong bumili ng cellphone, huwag lamang akong makalayo ng mansyon. Daig ko pa ang ibinahay ng isang ruthless at possessive na asawa sa lagay kong ito. "May dumi ba sa mukha ko?" tanong ko dahil hindi man lang nagsalita si Trace sa harapan ko. Walang ni 'good m

