[Lucy's POV]
Hindi ko maiwasang mapanganga dahil sa pagkamangha habang pinagmamasdan ang view sa labas ng sasakyan. Tumigil kami sa harapan ng isang kulay itim na establishment at kung titingnan mula sa labas ay mahahalatang mga mayayaman lamang ang nakakapasok sa loob dahil sa minimalist na hitsura sa labas at napaka-sleek pang tingnan.
High end na high end ito sa paningin.
Mayroon lamang itong maliwanag na neon signage sa harapan ng building at may mga maskuladong bouncer na nakabantay sa entrance. Kaya naman kahit nasa labas pa lang kami ay dinig ko na ang malakas na tugtugan mula sa loob.
Anong ginagawa namin sa isang night club? Akala ko ba meeting with a client ang pupuntahan naming dalawa?
Kabado tuloy akong bumaba ng sasakyan at muntik pa akong matapilo. Mabuti na lang at napahawak ako sa manggas ni Raizel.
Tahimik naman ako nitong sinulyapan pero naaninag ko pa rin ang pilyo niyang ngiti.
"Why are you staring? Is this your first time na pumasok ng isang Night Club?" pilyo nitong tanong.
Napahugot naman ako ng malalim na hininga bago nahihiyang tumango.
Sino bang breadwinner ang magagawa pang pumunta sa ganitong lugar? Subsob na nga ako sa trabaho at nagsisikap para makaahon ang pamilya ko sa kahirapan. Hindi ko magagawang magkaroon pa ng oras para lang sa mga ganitong bagay.
Company christmas party nga lang ang tanging nasalihan ko simula noong magtrabaho ako sa dati kong kompanya three years ago. Hindi ko rin magawang sumama sa mga katrabaho ko noon na panay ang pagpunta sa bar at pagkain sa mga mamahaling restaurant. Mas mahalaga sa akin na umuwi na lamang ng mas maaga upang samahan ang aking ina na nanghihina dahil nagkaka-edad na at naiiwan ko pang mag-isa sa bahay tuwing may pasok ako kasama ang dalawa kong nag-aaral na mga kapatid.
"Hindi ba delikado sa loob?" tanong ko kay Raizel.
Sa labas pa lang kasi ay medyo crowded na, paano pa kaya sa loob?
He smirked at me saka bigla n'yang hinawakan ang kamay ko. "May mas delikado pa ba kaysa sa akin?"
Natigilan ako dahil sa sinabi niyang 'yon. He's right. Dahil sa napaka-gentleman ng ayos niya ngayon ay muntik ko ng makalimutan na mas delikado pa ito kung ikukumpara sa Night Club na papasukin namin. He's a notorious and a nasty Mafia Lord after all.
Pagkapasok pa lang namin ng Club ay ramdam ko na ang pressure na bumalot sa amin nang mapansin ng lahat ang presence ni Raizel. Mula sa maingay na music ay bigla itong napalitan ng jazz. Natigilan din ang mga nagsasayawan sa dance floor, maging ang mga naghahalikan sa isang sulok.
Hindi ko alam kung nagha-hallucinate lang ba ako dahil naririnig ko ang mga babae na nagtatanungan kung sinong modelo raw ang kasama ni Raizel at bakit ito may kasamang babae.
I don't want to assume, but he looks proud and satisfied sa naging reaction ng madla.
"Lord Raizel, what brings you here? Hindi ka naman nagsabi sa akin para nakapaghanda sana ako."
Saglit kaming huminto dahil may lumapit sa aming isang matangkad na lalaki. Nakasuot siya ng white tuxedo, mayroong kulay pulang panyo sa bulsa at name tag na naka-pin sa damit sa may kaliwang dibdib n'ya. Kung hindi ako nagkakamali, mukha siya ang manager nitong club.
Akala ko naman sasagutin siya ni Raizel ngunit tinitigan niya lang ang lalaki. Hanggang sa magulat na lamang ako nang bigla niya itong pinagbuhatan ng kamay.
Nakita ko kung paano nangalit ang ngipin ng lalaki bago napayukom. Pulang-pula ang parte ng mukha n'yang sinapak ni Raizel.
"Ano bang problema n'ya? Wala namang ginagawang masama ang lalaki para makatikim ng sapak mula sa kanya, 'di ba?" bulong ko sa sarili.
Hanggang pagbulong na lang ang kaya kong gawin ngayon. Naaawa man ako sa sinapit nito ngunit gugustuhin ko pa ring protektahan muna ang sarili ko mula sa galit nito. Hindi na ako magtataka kung isang araw ay isipin ng ibang tao na nababaliw na ako sa tabi niya.
Hays! Maloloka yata ako sa lalaking ito! Sala sa lamig at sala sa init ang ugali!
Hindi naman siya pinansin ng kasama ko, sa halip ay nagpatuloy lang kami sa paglalakad kasama ang mga bodyguards niya hanggang sa narating namin ang dulo ng ground floor.
Sumakay kami ng elevator papunta sa sinasabi nilang VIP Room kung saan magaganap ang meeting n'ya with his client. Lahat kami ay tahimik, walang naglalakas ng loob na basagin ang katahimikan.
Naiisip ko pa lang tuloy ay kinikilabutan na ako kung anong klaseng tao ang makakaharap namin. Member ba s'ya ng Yakuza, leader ng isang gang o baka naman isa itong traydor na secret agent?
Tumigil ang elevator sa fourth floor. Lumabas na kaming lahat. Ang floor ay may dalawa lamang na kwarto. Pang-VIP nga talaga ito dahil may private room ka sa loob ng isang night club at pwede kang magparty doon na para bang nasa isa ka ring hotel.
Rich people and their money problems, nga naman.
Saglit kaming tumayo sa harapan ng unang kwarto na may nakabantay na dalawa pang bodyguards bago nagbukas ang pinto nito. Naiwan ang iba pang mga alalay ni Raizel sa labas at kaming dalawa lang ang pumasok sa loob ng silid.
Namilog naman ang mga mata ko dahil puting-puti ang kulay ng kwarto, may matitingkad na ginintuang mga furnitures at mamahalin ang mga nakakabit na chandelier. Ayos pa lang ng kwarto ay halatang pangmayaman na.
"Who is she? Your new secretary?" Bungad ng isang babaeng agad na sumalubong kay Raizel.
Mabilis n'yang ipinulupot ang mga kamay sa braso nito sabay hila kay Raizel dahilan para mapaupo siya sa isang couch na nasa gitna ng silid.
Nakasuot lamang ang babaeng iyon ng kulay pink na plunging dress na may kasamang white fur. Sa unang tingin ay aakalain mong artista ang babae dahil sa ganda at balingkinitan niyang katawan. At napansin kong hindi nagkakalayo ang height naming dalawa.
Iyon lang, mas lamang siya ng ilang paligo sa akin dahil maputi ang kutis nito at makapal ang suot na make up.
"Sinabi ko naman sa 'yong gusto kong mag-isa ka lang sa tuwing pupunta ka rito, 'di ba?"
Nabigla ako nang umupo ang babae sa kandungan ni Raizel.
Parang wala lang naman dito ang ginawa ng babae sa kanya. Emotionless pa rin ang mga mata niyang nakatingin dito.
"Bakit? Are you threatened by her presence? Gusto mo bang palabasin ko na lang s'ya?"
Bigla siyang tumingin sa direksyon ko at nakangiting tumitig sa akin. Anong kalokohan na naman kaya ang pinagasasabi nito? Masakit ba ang ngipin n'ya?
Kumunot naman ang noo ng babae. She pouted her lips and stare at me.
"No way! Alam ko namang mas maganda ako sa kanya. Just let her watch us do OUR THING," malanding sambit nito.
Mukha naman itong sinunod ni Raizel kaya nanatili akong nakatayo sa harapan nila. Tila wala man lang siyang balak na alukin akong maupo. Mas nakafocus pa ito sa ginagawang paghimas sa mga braso at dibdib ni Raizel.
"Tss. Okay."
Hinarap siya ni Raizel at binalewala nito ang presensya ko. Asar! Hindi ko maintindihan kung bakit niya ako isinama rito. Hindi ba nito alam na nakakangalay ang pagtayong ginagawa ko ngayon habang nakasuot pa ng high heels?
I cleared my throat para mapansin nila ang presence ko pero mas binalewala lang nila akong dalawa. Para silang may sariling mundo, ang sama!
"By the way, how's the proposal? Nagustuhan mo ba ang ginawang plano ni Seth?" seryosong tanong n'ya kay Raizel.
Nakahinga ako ng maluwag, mabuti naman at usapang negosyo na ang topic nilang dalawa.
Pero mabilis din akong napatikim nang makitang lalong isiniksik ng babae ang katawan nito kay Raizel. Bahagya ng nakaangat ang suot n'yang dress dahil sa position ng pagkakaupo nito. At para bang sinasadya n'ya talagang ilapit ang kanyang dibdib dito.
I simply rolled my eyes at the sight.
Excited masyado, ate? Nangangati 'yan?
"Let's not talk about business. Wala ka bang balak lambingin muna ako?"
Pag-iwas ng babae sa topic while she seductively caressed Raizel's face as if she was waiting for him to kiss her.
Susko! Napakalandi talaga ng taong ito!
"Have you forgotten whom you are talking to, Zara?"
Parang nabuhay ang dugo ko nang marinig ang madiing boses ni Raizel. Medyo iritable na ang mukha n'ya habang nakatingin kay Zara. Sayang naman, tunog mayaman sana ang pangalan pero akala mo higad na at ubod ng landi.
Saglit namang natahimik si Zara bago muling nagsalita. "Sorry, binibiro lang naman kita. Ang totoo, nabasa ko na ang proposal about the Hierarchy Hotel and I'm about to prepare the MOA tomorrow. Fund na lang ang kailangan kong isecure."
Umayos siya ng upo at inabot ang champagne glass mula sa mesang nasa harapan nilang dalawa.
"Isa pa, alam ko naman na ang lahat ng projects mo ay approved by the BOD kaya hindi mahirap na maisakatuparan ang mga ito," dagdag pa n'ya.
"Thanks," matipid na sagot ni Raizel.
Parang wala lang sa kanya ang ginagawang panlalandi ng babae, inabot rin nito ang glass ng whisky na nasa mesa at nilagok ang laman ng baso.
Ilang sandali pa, nilaro ko na ang mga paa ko sa sahig dahil naramdaman ko na ang daan-daang karayom na tumutusok sa talampakan ko. Salamat naman at sumenyas na ito kaya't dali-dali na akong naupo sa couch na nasa kanan.
Tatanggi pa ba ako, eh, nangangalay na talaga ako? Gusto ko na ngang itapon ang high heels sa mukha ng malanding kasama n'ya.
"Now, can you warm me up?"
I heard Zara told him.
Teka, tainga ko yata ang uminit sa narinig kong sinabi ni Zara.
Sumama naman bigla ang timpla ng mukha ni Raizel dahil sa sinabi nito. Lihim tuloy akong napangiti ng itulak siya nito dahilan para mahulog ang babae sa couch.
"Do I look like a bedwarmer to you?"
Tumayo si Raizel mula sa kinauupuan nito. Magwa-walk out ba siya? Aalis na ba kami?
Akmang tatayo na sana ako pero laking gulat ko na lang nang maupo ito sa tabi ko. Seryoso n'ya pa akong tinitigan.
"Anong masasabi mo Lucy?" aniya saka mabilis akong inakbayan.
"Ano?" gulat kong tanong habang namumula.
Yumuko na rin ako dahil hindi ako komportable sa mga narinig ko. Ako pa yata ang nahiya para sa babaeng 'yon.
"Nakikinig lang ako sa inyong dalawa, I don't want to butt in because I don't even find this meeting formal."
Ayokong maging mataray sa harapan nila pero hindi naman siguro masamang sabihin ko ang totoo.
Kung na-offend ko man sila, hindi ko na sinasadya dahil hindi ko din inaasahang makakapagsalita ako ng English.
Napakagat-labi na lamang tuloy ako nang bigla ako lapitan ng babae.
"Ano mo ba talaga ang babaeng ito, Rai? She sounds intelligent, she looks gorgeous, too. I know she's something."
Raizel smirked at me as he answered. "She's my honey. What would you expect for an S class?"
Nasamid ako ng laway ko sa biglaang sagot ni Raizel. Dalawang beses n'ya ng ginawa ang kalokohang ito.
Ang una ay sa harapan ng pamilya n'ya at pangalawa naman ay sa harapan ng babaeng may gusto sa kanya.
Pagiging escape route ba ang magiging trabaho ko sa buhay nito?
Natahimik naman si Zara bago ito napahalakhak.
"You're crazy as usual. Honey? Kailan pa natutong maging sweet ang isang Raizel Blaire Sebastian? Wala ka namang ibang alam kung hindi manakit ng mga babae."
Walang katapusan ang tuwang nararamdaman nito nang matigilan siya dahil sa malalim na titig ni Raizel.
"Believe it if you don't want me to cut your throat where you stand."