3

2269 Words
INAYOS ko ang sarili ko. Huminga ako ng malalim saka lumabas ng banyo dito sa loob ng kwarto ni Lucio. Mabuti nalang ay pinahiram ako ng tshirt ni Lucio. Medyo maluwag nga lang sa akin pero ayos na. He has the scent here. Hindi ko alam kung panaginip lang ba ang lahat pero nagtatalo iyong isip ko na sana panaginip lang, pero on the other side, sana hindi. Na-realize ko lang na hindi talaga panaginip 'to nang makita ko si Lucio na nagsusuot ng tshirt. He looks so hot and I hate nyself dahil nahagawa ko pa siyang i-admire samantalang hindi ko man lang naiisip na niloko namin ang bestfriend ko. We did. We had s*x. Oo, habang nasa labas lang ng kwarto ang bestfriend ko na natutulog. How dare myself?! "Hey..." lumapit siya sa akin. Napalunok ako. Nanghihina ako sa mga tingin niya. Iyong mga mata niya na para kang inaakit ka kung makatingin. Iyong labi niya... "Ah, ano..." hindi ko alam kung anong sasabihin ko. What have I done? I was a virgin pero sa isang iglap, nakuha iyon ng lalaking minamahal ko. "I'll drive you home. Yeah, with Kelly." Muli akong napalunok. Nakatingin lang ako sa kaniya nang lampasan niya ako palabas ng kwarto. Halos mapangiwi ako nang makita ang stain ng dugo sa comforter ng kama niya. Anong ginawa ko?! Bakit hinayaan kong mangyari 'to? Kahit mahal ko siya, kahit boyfriend siya ni Kelly, never kong naisip na landiin siya o akitin o kahit agawin. Masaya ako para sa kanila pero bakit? Bakit ko hinayaan ang karupukan ko?! Umiling iling ako. Nangyari na. Wala na akong magagawa do'n. Siya lang naman ang lalaking naka-una sa akin. Ni sa panaginip 'di ko naisip 'yon dahil tanggap ko namang minamahal ko lang siya ng patago. Hindi ko alam kung ilang beses na akong napapailing dahil sa nangyari. Paano kung malaman 'to ni Kelly? Hindi pwede. Ayokong masira ang friendship namin. Tama, hindi 'to malalaman ni Kelly. This will be the first and last time. Dala lang ng alak kaya nangyari 'yon. I'm sure may tama lang din ng alak si Lucio dahil kung nasa normal siyang kaisipan, hindi niya gagawin iyon. Oo, tama. I should forget this. Lumabas na ako ng kwarto. Mukhang hinihintay niya talaga akong lumabas. Binuhat niya si Kelly habang hawak niya ang susi ng sasakyan niya. Kinuha ko agad ang sling bag ko saka sumunod kay Lucio palabas ng condo unit. Tahimik kaming naglalakad hanggang makasakay kaming elevator. Siya ang pumindot sa button. "Ah, Lucio, may sasakyan naman ako. I can drive home. Si Kelly, pakihatid nalang sa bahay nila." Sabi ko. May sarili akong kotse dahil kailangan ko iyon sa araw araw pagpasok ng trabaho. Sa ilang taong pagta-trabaho ko, isa rin iyon sa naipundar ko para sa sarili ko. "Uminom ka kanina, right?" "Ah, oo." "Leave your car here. I'll send you home, too." Aniya saka naunang bumaba ng elevator. Dito kami bumaba sa parking. "Lucio, kaya ko namang mag-drive. Hindi naman ako lasing saka kasi..." "No more buts, here, get in." Nasapo ko amg noo ko. Nakatayo kami dito sa harap ng kotse niya. Seryoso ba talaga siya? Bakit kasi kailangan ko pa silang sabayan? Saka bakit iiwan ko ang kotse ko dito? "Get in." Ulit niya nang maisakay niya sa loob si Kelly. May choice pa ba ako? Hindi na ako nagsalita. Sumakay nalang ako sa likod. "Not there. Here." Nanlaki ang mga mata ko. Itinuro niya ang upuan sa unahan. E narito sa likod si Kelly. Bakit doon ako uupo?! "Dito na, Lucio. Para maalalayan ko din si Kelly." Sabi ko nalang. Marupok ako pero ayokong basta basta mag-assume kung bakit ganyan si Lucio. Gosh, enlighten me! Hindi naman na siya umapela pa. Sumakay na rin siya saka pinaandar ang sasakyan. Napatingin ako kay Kelly habang mahimbing na natutulog. Nalasing talaga siya. Ang bigat bigla ng dibdib ko dahil sa nangyari. Paano ko haharapin ang bestfriend ko kung deep inside alam ko sa sarili ko na naka-s*x ko ang boyfriend niya? Halos mabingi ako sa katahimikan. Tahimik lang din na nagda-drive si Lucio habang ako, gulung gulo ang isip ko. Kung titingnan kasi, parang hindi naman nalasing si Lucio so bakit niya ginawa iyon? Bakit namin ginawa ang bagay na hindi dapat namin ginawa? Sa lalim ng pag-iisip ko ay hindi ko namalayang nakarating na kami sa bahay nina Kelly. Malaki ang bahay nila, parang mansyon lang. Dahil sabi ko nga, siya iyong sosyalin sa amin dahil mayaman ang pamilya niya. Kaya nga silang dalawa ni Lucio ang bagay sa isa't isa. Bumaba ako. Binuhat naman ni Lucio si Kelly. Nauna ako sa may gate saka nag-doorbell. Mabilis naman iyong binuksan ng katulong. "Naku, ano pong nangyari kay Miss Kelly?" "Nalasing siya, Manang. Ihahatid nalang siya ng boyfriend niya sa kwarto niya." "Sige po, pasok po." Pumasok si Lucio. Hindi na ako sumama. Ewan ko ba, nakakaramdam ako ng guilt sa puso ko. Hindi ko alam kung anong mangyayari bukas paggising ko dahil alam kong kapag naitulog ko 'to, mas magiging malinaw ang isip ko. Sumandal ako sa kotse ni Lucio habang hinhintay siya. Sa condo unit nga pala ni Sam ako magpapahatid dahil alam kong nagkakasiyahan pa sila do'n. Pero... kaya ko bang makisaya pagkatapos ng nagawa ko? I don't think I can be with them. Uuwi na nga lang siguro ako. Magdadahilan nalang ako sa kanila. Mahirap din namang magsaya kung malalim ang iniisip ko. Ni hindi ko alam sa sarili ko kung makaka-move-on ba ako sa nangyari. Nag-angat ako ng tingin nang marinig ko ang yabag ni Lucio. He's walking towards me. Akalain mo nga namang kasama ko siya ngayon na para bang close kami. "Get in. Sit in front." Aniya. Hindi na ako nagsalita. Sinunod ko nalang siya. Ang awkward din naman siguro na nasa hulihan ako dahil magmumukha siyang driver ko. Nang pareho kaming makasakay ay pinaandar na niya ang kotse niya. Nanatili akong tahimik dahil wala naman akong sasabihin. Ayoko ring magtanong tungkol sa nangyari sa amin. It's just a one night stand. Iyon lang iyon. "Can you type your address on the gps." Sabi niya. Agad naman akong kumilos. I typed my address nang hindi tumitingin sa kaniya. Ang awkward talaga kasi hindi ko naman 'to napaghandaan. Ilang taon ko na siyang minamahal pero never naman akong nag-imagine nang dapat kong gawin kapag nagkasama kami kasi never ko namang in-assume na mangyayari ang ganito. Ito yata ang tinatawag nilang expect the unexpected. "What we did..." Napalunok ako. Para akong nanigas sa kinau-upuan ko nang magsalita siya. "...is something that I can't really explain but..." Muli akong napalunok. Anong ibig niyang sabihin? Nanatiling diretso ang tingin ko sa daan sa harap. Ayoko siyang tingnan. "Can you be my s*x buddy?" Nanlaki ang mga mata ko at sa wakas ay napatingin sa kaniya. "A-Ano?!?" Itinigil niya ang kotse niya. Ipinarada niya iyon sa gilid ng daan saka ako hinarap. He licked his lips before speaking. Bakit kahit sa ganoong gesture niya, para akong nanghihina?! "Look, it's not that I'm being an asshole but hell yes, maybe I'm an asshole... but you know..." Ano bang sinasabi niya?! Ibig ba niyang sabihin, hindi basta one night stand lang kundi ilang beses naming gagawin iyon? Pero bakit?! "Lucio kasi, parang mali 'yang gusto mong mangyari. Nakagawa na tayo ng isang mali at nagsisisi ako dahil nagpada ako sa 'yo." Sabi ko. Totoong nagsisisi ako dahil nako-konsensya ako. Hindi siya basta may girlfriend lang, pero bestfriend ko ang girlfriend niya. "Tapos ngayon, you're asking me to be your s*x buddy. Lucio naman, nagi-guilty na ako. You're my bestfriend's boyfriend." "I know." He said. "You know, f**k, how should I say this?" "Dala lang siguro ng alak na nainom mo kanina 'yan, Lucio. Ako rin, dala lang din ng alak kaya nangyari iyon kanina. Hindi na mauulit 'yon. Magta-taxi nalang ako." Sabi ko. Pababa na sana ako ng kotse niya pero hinila niya ako sa kamay ko. "Lucio..." Huwag, please. Sa pagkakataong ito, ayokong magpadala sa karupukan ko. "Sorry for what happened. I didn't mean to do that but f**k, you're the only woman... the only woman that..." "Na ano?" Tanong ko. Hindi naman kasi porke mahal ko ang lalaking 'to ay papayag na ako basta basta sa gusto niya. Hindi ko pinangarap maging kabet. "Three years ago, I had a fight with my ex girlfriend and she f*****g kicked my dck." Nanlaki ang mga mata ko. "Ha?" "And after that, I needed to stay at the hospital. She almost killed me." "Oh my gosh..." natutop ko ang bibig ko. Grabe naman 'yong ex niya! Nanatili akong nakatingin sa kaniya. "Everything was fine after until... hell yes, I found out to myself that I can't have s*x again." "Teka, anong ibig mong sabihin?" "I don't know. It's really hard to explain. Sa madaling salita, hindi na ako tinitigasan." Napanganga ako sa sinabi niya. Seriously?! Hindi na tumitigas 'yong alaga niya?! "Hanggang ngayon?!" Hindi ako makapaniwala. "Until we had sex." Sagot niya. Naguguluhan pa ako. Hindi siya tinitigasan pero ang tigas tigas nung alaga niya kanina no'ng ano... ayoko na isipin, basta! "Kelly and I, we're just making out. We never had sex." Mas nanlaki ang mga mata ko. Wala pang nangyari sa kanila ni Kelly so ang ibig sabihin, mas nauna ko pa siyang matikman?! Hindi ko kinakaya 'to. "I'm trying every f*****g time. Pero walang nangyayari until I saw you at the bathroom, getting wet by the shower... f**k, I can't understand myself for having a boner just like that." Ibig sabihin... "Sa akin lang? After three years?" "Damn, yes." Hindi ako makapaniwala sa nalalaman ko. Nawala iyong tama ng alak sa akin dahil sa sinasabi niya. Naloloka ako. Wala naman akong suoer powers pero bakit ako amg nakapagpatigas ulit sa ano niya?! Wala naman akong ginawa?! "And that's why I can't help myself from yeah, from doing that to you. I want to apologize." "Hindi mo kailangang mag-apologized. Pwede naman akong tumanggi pero nagpadala ako." Sabi ko. Parang ayaw mag-sink-in sa utak ko iyong mga nalaman ko. El "That's why, I was asking you to be my s*x buddy. Sa 'yo lang ako, right, tinitigasan and maybe you can help me back to normal." Iyon pala iyon. Akala ko sadyang malibog siya kaya niya ako inaalok ng gano'n. Halos magulantang ako dahil iniisip ko kung bakit kailangan niya akong gawing s*x buddy niya kung may girlfriend naman siya. "Sorry but maybe I am being desperate to make myself, you know, back to normal." Mabait naman si Lucio e. Nakikita ko iyon. Maybe he's just a playboy kaya siguro nagawa iyon ng ex niya sa kaniya pero ngayon, paano ko siya tatanggihan kung iyong itsura niya na parang nagmamakaawa tapos iisipin ko pa na sa akin lang siya tinitigasan. Ang ganda ko ba sa part na 'to? Is this the prize of loving him for twelve years? Or a punishment? "I'm really desperate, f**k, be my s*x buddy. I'll promise I won't do it everyday. It's just... there will be times that I want to do that." Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong napalunok. Ngayon ko tuloy hinihiling na sana panaginip nalang ito. "Si Kelly, girlfriend mo siya. Paano ko sasabihin?" "Let's keep it a secret. I don't want to hurt her. I like her and we're still getting to know each other." Ang sakit naman pero kasi, sa madaling salita, we're cheating behind my bestfriend's back. Gusto naman pala niya si Kelly. "Okay." Punyeta, ano 'yon?! Ang dami kong iniisip tapos okay agad?! Anong nangyayari sa akin?! Nababaliw na ako. Hindi ko pinangarap na maging kabet but what did I just do?! "f**k, really?! Thank you. I promise, you can ask me anything in return." Isa lang naman ang gusto ko e. Pero imposibleng maibigay mo sa akin 'yon. "Maybe we can talk again tomorrow. Oo, pag kinuha ko iyong kotse ko sa condo mo. Sa ngayon, gusto ko nang magpahinga. I'm really tired." Sabi ko nalang. Ayoko na munang mag-isip dahil hindi ko na kinakaya ang karupukan ko. Ang tanga ko na pumayag para maging s*x buddy niya. Deserve ko ba 'to?! "Sure. I'll take you home." Aniya saka pinaandar na ang kotse niya. Sumandal ako sa upuan. Nakatulala ako sa kawalan. Kung totoo talagang nangyayari 'to, isa lang ang masasabi ko. Ang tanga tanga ko. Saglit akong pumikit. Gusto kong maliwanagan. Gusto kong ayusin ang magulo kong isip. Pero kahit bali-baliktarin ko ang mga sinabi niya, mali pa rin. Pero kailangan ko lang naman siyang tulungan, 'di ba? "We're here." Nagmulat ako ng mga mata ko. Narito na ako. Para akong lutang dahil sa mga sinabi niya. Kanina lang sinabi ko sa sarili ko na kakalimutan ko iyon dahil hindi na iyon mauulit. I never thought na magtutuloy-tuloy pala ang bagay na iyon. This is crazy. "Your name." We had s*x but he never know my name. Sabagay, ano pa bang i-eexpect ko? He never knew me. I gave him a bored look. "Catherine." "Catherine." He said. Binuksan ko na ang kotse. Bumaba na ako. Wala na akong lakas pa para i-digest iyong mga sinabi niya at mga nangyari. Gusto ko lang ay matulog. "Catherine!" Sigaw niya. Bumaba siya sa kotse saka lumapit sa akin. Hindi ko napaghandaan nang bigla niya akong hapitin sa bewang. He claimed my lips. He's kissing me. At akong bobo, tumugon. "See you tomorrow." Tulala akong nakatingin sa kaniya hanggang makaalis siya. Wala na ang kotse niya pero nanatili ako sa kinatatayuan ko. Ang araw na ito... ang araw na sana panaginip nalang ang lahat ng nangyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD