TAMA nga bang isama ko si Arion dito sa condo ni Maleha? Ang kulit kasi niya, e. Para bang kahit tumanggi ako ng ilang beses, hindi siya papatinag. "Alam mo, Arion? Tama ka ng choice. Catherine is a great woman. No boyfriend since birth pa 'yan. Puro M.U lang." Nasapo ko ang noo ko. Imagine Maleha, talking things about me to Arion na parang wala ako rito sa harap niya. "M.U?" "Oo! Malanding usapan. Hanggang gano'n lang siya. Never nagka-label. Paano naman kasi iyong mga lalaki sa paligid niya, hindi man lang nagtanong kung pwedeng manligaw. Landian agad ang gusto!" Napailing na lamang ako saka uminom ng mango shake na ginawa ni Maleha kanina. "Whoa, I must be the first one to court her." Sabi ni Arion saka uminom ng canned beer. Hindi ko alam kung bakit bigla akong na-conscious na u

