HINDI ako makatayo. All I can do is cry. Ang sakit sakit sa dibdib ng lahat ng salitang ibinato nila sa akin. Hindi ko alam kung saang banda ba ako naging masamang kaibigan sa kanila. Noong nagkaroon sila ng boyfriend, wala silang narinig sa akin kundi ang word na congrats. All I did is to be happy for them. Wala nga akong pakialam kahit ako lang ang single sa aming tatlo dahil para sa akin, basta masaya sila, masaya na rin ako. Pero bakit ngayon... Bakit kung kailan ako na 'yung dapat na masaya, bakit parang bawal? Required ba talaga na kapag broken sila, wala na akong karapatang sumaya? Ang unfair naman kasi e. May puso rin ako. Deserve ko naman sigurong sumaya. Hindi ko sinasabi na dapat suportahan din nila ako sa desisyon ko, I just want them to be happy for me. Dahil 'yun naman ta

