PUMASOK ako sa isang coffee shop. Tinawagan ako ni Kelly kanina at niyaya niya akomg lumabas. Galing pa ako sa trabaho at dumoretso lamang ako rito. Hinanap ko si Kelly. Agad ko naman siyang nakita. Ang ganda ganda ng bestfriend ko, sexy pa. Samantalang ako, napakasimple lang. Ano bang panama ko sa kaniya pagdating kay Lucio? "Cath!" Bati niya. Umupo ako sa harap niya. "Anong meron?" Tanong ko. "What? Wala. I just want to give you these. Pasalubong! Mga delicacies from Batangas." Kinuha ko ang paperbag na ibinigay niya. "Thank you, Kelly." Nag-angat ako nang tingin nang lumapit sa amin ang waiter. "One iced americano, and how about you, Cath?" Ngumiti ako. "Iced caramel Machiatto." Umalis na ang waiter nang makuha ang orders namin. "So, ang dami kong chika. Omg! Alam mo ba gir

