Chapter 2

1016 Words
Everyone is happy. The orchestra started playing their music. Pinangunahan naman ng aking lolo ang pagsasayaw sa gitna. Kahit wala na si lola ay hindi pa rin nawawala ang kahiligan nito sa pagsasayaw. Lahat natuwa sa ipinamalas na sayaw ni lolo. Hindi naman naglaon ay sumunod din ang aking mommy at daddy. Mahilig din sumayaw ang aking ina na siyang namana nito kay lolo. Hanggang sa naging romantic na ang tugtugin. Nakakatuwa silang panoorin. How I wish ganyan din kami ng mapapangasawa ko. Ang kaso taken na ang aking mahal. Halos lahat na ng narito ay nagsasayaw sa gitna. Kaming mga kabataan na lamang ang natira dito. "Hi. May I have a dance with you?" anas ng isang lalaki kay Gina. May hitsura naman ang lalaking ito. Matangkad at may magandang ngiti. Ngunit wala pa ring tatalo sa kaguwapuhan ni George. Mabilis namang kinuha ni Gina ang kamay ng lalaking nakalahad. Ako na lamang ang naiwan sa mesang ito. Isusubo ko na sana ang natirang pasta ng biglang—. "May I have a dance with this beautiful lady?" anas ng lalaking sa tantiya ko ay kaedad lamang ni George. Napakaguwapo nito. Parang anghel na ibinaba sa lupa. His eyes are beautiful and his smile is attractive. No. No. No. Kay George lamang ang puso ko. Ini-ikot ko ang aking paningin, nang hindi sinasadyang magtama ang mga paningin namin ni George. Bakit ba ang lakas ng epekto nito sa akin. Hays. Kung siya sana ang mag-aaya sa aking sumayaw ay mas matutuwa pa ako. Naiilang na ibinaling ko ang aking tingin sa taong nais akong isayaw. Malugod ko namang tinanggap ang kamay nito at nag umpisa ng sumayaw sa napakagandang tugtugin. Hinawakan niya ang aking bewang. Inilapat ko rin ang aking mga kamay sa balikat nito. It looks like we are hugging each other. He looks me in the eye and whispers— "Napakaganda mo. Nakakaakit ang iyong ganda." anito ng may paghanga. Bahagya akong nailang sa mga sinabi nito dahilan kaya umiwas ako ng tingin dito. Sakto namang napabaling ang aking tingin sa dalawang pares na mga mata. Sobrang dilim noon. He's holding a glass of wine while the upper buttons of his shirt are open. Hindi ko alam ngunit nakaramdam ako ng kaba. Mabilis tumibok ang puso ko. Mas lalo namang nag ingay ang nga tao sa paligid ng biglang magsalita ang aking lolo. "everyone! it's time for salsa!" halos lahat ay naupo na marahil ay hindi alam ang sayaw ng salsa. Marunong akong sumayaw ng salsa. Ngunit mukhang hindi marunong ang kasama ko. Kaya inaya ko na itong umupo. Hindi pa man nag iinit ang aking pwet sa upuan ng may bumulong sa aking tenga. Nangilabot ang buo kong katawan. Dahil sobrang lapit ng labi nito sa aking batok. Naramdaman ko pang parang may humalik doon. Paglingon ko sa taong ito ay muntik pa akong mapasigaw dahil kamuntikan na kaming maghalikan nito. "let's dance!" anas nito sa nakakaakit na tono. Inaakit ba ako nito? "p-pero paano yung gf mo?" takang tanong ko dito at binalingan ang girlfriend nitong sobrang dilim ng mukha. Kulang na lamang ay sabunutan ako nito. "She won't bother" he said reassuringly. "Everyone! My granddaughter Cassandra and George will dance tonight!" wala na akong nagawa nang maghiwayan ang mga taong nandito. Todo support naman ang kaibigan ko at may pa cheer cheer pa. Hinawakan na nito ang aking kamay. Batid kong ramdam nito ang panlalamig ng aking kamay. "relax" anito at bahagyang pinisil ang palad ko. Napakainit ng palad nito. Nag-umpisa na nga kaming sumayaw ng salsa. Napakahusay nitong sumayaw. We danced gracefully like a couple naaayon sa tugtog. Ang musika ay parang isang simoy ng hangin na unti-unting naglalapit sa aming mga katawan. Maingat niyang inilagay ang kanyang kamay sa aking likod. Ramdam ko ang init ng palad nito. Ang mga kamay namin ag nagsalikop. Napakagaan sa pakiramdam. Sa unang kumpas, dinala niya ako sa isang marikit na hakbang pasulong, sinundan ko ang bawat galaw nito. Nakatingin lamang siya sa aking mga mata. Pabilis ng pabilis ang aming mga galaw. Hanggang sa hilahin niya ako palapit sa kanya at matamang tinitigan sa aking mga mata pababa sa aking labi. Hindi namin alintana ang matang nanonood sa bawat galaw namin. Dahil sa oras na ito para kaming nasa aming sariling mundo. Inaari ang musika na parang totoong magkasintahan. Natapos ang tugtugin ngunit hindi pa rin nito inaalis ang kamay nitong nakapulupot sa aking beywang. Tsaka lamang ito natauhan ng tumikhim ang girlfriend nito na ngayon ay nasa harapan na namin. Mabilis nitong hinila ang kamay ni George at malakas na sampal ang ibinigay nito sa akin. Sa sobrang lakas ng sampal nito ay kamuntikan na akong matumba mabuti na lamang at may sumalo sa akin. Pag angat ko ng tingin ay ang lalaking una kong nakasayaw kanina. Batid kong naaawa ito sa aking kalagayan. Kaya mabilis kong tinabig ang kamay nito at walang sabi sabing umalis sa lugar na ito. Habang ako ay papaalis ay nagkakagulo na sa loob ng bulwagan. Mabibigat at mabibilis ang mga hakbang ko paakyat sa aking silid. Dahil hindi ko matanggap na mapapahiya ako sa harap ng maraming tao. Naririnig ko pa ang mga hiyaw ng aking ina. Mahahalata sa boses nito ang sobrang galit. Dahil sino ba namang ina ang matutuwa na makitang saktan ng ibang tao ang unica iha niya. Kung nandito lamang si kuya hindi niya ito mapapalampas. Ngunit wala na siya. Maaga siyang kinuha ng panginoon dahil sa sakit nito. Padabog kong isinara ang pinto at walang sabing hinubad ang aking dress. Tanging underwear lamang ang natira. Wala rin akong suot na bra dahil may padding ang aking dress. Padapa akong bumagsak sa aking kama at tinakpan ang aking ulo ng unan. Gusto kong umiyak dahil nasaktan ako sa sampal at sa pagkapahiya sa akin. Ngunit wala namang lumalabas na luha sa aking mga mata. Masama ang loob ko. Dahil hindi man lang ako nagawang ipagtanggol ng lalaking iyon. Manhid ba talaga siya? Ang sakit ng aking pisngi. Parang bumakat pa nga ang palad ng babaeng iyon sa left cheek ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD