Nakatingin lang sa kawalan si Julie Anne habang siya ay nakaupo sa couch ng kanilang bahay. Naririnig niyang gumagalaw sa may kusina si Elmo kahit na meron naman na silang taga-luto. Sa totoo lang ay nagtatampo pa rin siya sa lalaki. Ayaw na ba nito magkaanak sa kanya? Akala ba niya mahal siya nito? She huffed and wiped the stray tears that were running down her face. Hala. Wala sa plano niyang maluha. Nagulat na lang siya at naluha talaga siya. "Hala Ate Julie! Okay lang po kayo?" Gulat na sabi ni Penny na ngayon ay nakatayo na sa harap niya. She quickly wiped the tears and made sure no tracks were evident. "Ah okay lang ako Penny wag mo ako alalahanin." "May masakit po ba? Tawagin ko po si Kuya Elmo..." "Wag, wag." Mabilis na pigil ni Julie. "Please Penny, may...naalala lang."

