After 3 years...
Julie could barely open her eyes as she listened to her lolo go on with the meeting. Katabi niya ang pinsan na si Andre na tawang tawa na sa kanya.
"Walwal pa." Bulong nito sa tabi niya kaya sinimangutan niya ang matangkad na lalaki bago muling ibaling ang tingin sa kanyang lolo na kanina pa nagsasalita sa harap.
Birthday party kasi ni Iñigo kaya naman todo party sila nung nakaraang gabi. Oo kahit na may meeting sila ng alas syete ng umaga. She liked to live dangerously.
Mag-iisang taon na din siyang nagt-trabaho sa San Jose Holdings. She started from the bottom of course. Para malaman niya ang lahat ng dapat gawin kapag siya na ang nakaupo sa pwesto ng CEO. But she truly didn't even want a life like that.
Sighing she fixed the glasses on top of her inclined nose before blinking her eyes awake.
"Well, I hope to hear your reports by the end of the month." Sabi na ng kanyang lolo.
And she wanted to thank the gods because of that. Ibig sabihin kasi ay tapos na ang meeting.
Kinalap na ng mga miyembro ng board ang kanilang mga papeles at isa isang nagsilabas ng board room.
Naiwan sa loob si Julie, Andre at Lolo Jim na inaayos din ang gamit.
"Sir ano po gusto niyo na lunch?" Tanong ni Valeen na siyang sekretarya ni Lolo Jim.
"Lalabas kami ng apo ko for lunch Valeen, but thank you for asking." Sabi pa ni Lolo Jim at nginitian ang babae.
Ngumiti din naman pabalik si Valeen bago lumabas na sa loob ng kwarto para maiwan ang magmamagnak.
Pasimpleng pinagmasdan ni Julie ang kanyang lolo. Tumatanda na din talaga ito. He was pushing 70 and she really wanted him to take a back seat from all the stress of work.
"Yung gamot mo ba ininom mo?" Parang bata na tinanong ni Julie ang kanyang lolo.
Pasimpleng sumimangot sa kanya ang matanda. "I didn't forget apo." Sabi pa nito.
Natawa si Andre. "Binebaby ba kayo ng Baby mo lo?"
"Di na yan baby eh." Natatawa pa na sabi ni Lolo Jim.
Umikot ang mata ni Julie pinagkaisahan nanaman siya ng mga ito. "Lolo." saway pa niya.
"Ininom ko nga." Natatawa na sabi ni Lolo bago siya inakbayan at hinalikan ang tuktok ng kanyang ulo. "Can my apo stop being a worry wart? Okay nga lang ako. Yung reports niyo ah." Biglang paalala naman nito.
"Yes po."
"O siya tara na nagugutom na ang lolo niyo." Natatawa pa na sabi ni Lolo Jim.
Sabay sabay silang pumunta sa isang malapit na restaurant na walking distance lang naman sa pinakabuilding ng San Jose Holdings.
They took their seats and Julie quickly grabbed the menu. Pucha ramdam na ramdam pa rin kasi niya ang kanyang hang over.
"Si Julie o gutom na gutom." Pang aasar pa ulit ni Andre.
Muli ay sinimangutan ni Julie ang pinsan. Kung bully siya, mas bully ang mga kapamilya niya. Natawa lang pareho si Lolo at si Andre na nag order na din ng pagkain.
"I'll have the Angus Beef Burger please." Order ni Julie at binalik na ang menu sa waiter.
"Would you like some fries with that ma'am?"
Natigilan si Julie. "Uhm, no, yung mashed potatoes na lang." Sagot niya pa.
Umalis na ang waiter at kaagad naman na napabaling ng tingin sa kanya si Andre. "Favorite mo dati yung fries ah?"
Hindi umimik si Julie at nagkibit balikat na lamang habang si Lolo ay maalam na tumingin sa kanya.
"Bet ko lang mag mashed potatoes, bawal mag iba?"
Andre raised his hands in defense. "Sorry." Tawa pa nito.
Bumuntong hininga si Julie. There really were some things taht reminded you of someone and all you could do was just let it go.
They went on with their day after eating. Umuwi na si Julie sa sarili niyang apartment na binili niya pagkagraduate. Every weekend ganun pa din naman. Umuuwi pa rin siya sa bahay nila sa village. Sometimes she'd also go there during the middle of the week. Siyempre gusto din niya makasama lagi ang kanyang lolo.
She sighed as she placed her bag on top of her bed and headed straight for the bathroom to wash her face.
Bangag pa rin talaga siya mula sa party kinagabihan but it was for her friends. Mabuti na lamang at Sabado kinabukasan kaya naman wala siya pasok.
Nawala na din naman ang antok niya. Nakailang kape din kasi siya habang nagttrabaho. Ibabawi na lang niya ang tulog buong araw kinabukasan.
Napaupo siya sa harap ng kanyang piano at pinasayaw ang mga daliri sa teklada. Nakakailang kanta na din ata siyang naisusulat. Nahihiya lang siya ibahagi sa mundo dahil pakiramdam naman niya ay walang papansin.
Wala sa sarili na may tinipa siyang kanta na siya mismo ang nagsulat.
Pano ang iyong pangako
Kung ikaw ay malayo
Sana'y dika magbago
Eto na naman kailangan mong lumisan
Ang hirap mong bitawan
She started writing this, after finding out. After finding out that Elmo would be leaving for New York. They were young and didn't have control over things.
Magkahawak ang kamay sa panaginip
Sumisilip ang mga bituin para sayo ay aking iipunin
Ang iyong tinig aking susundan
Bigyang ilaw ang walang hanggan
Kahit suntok sa buwan
It took her a year to have the courage to go and see him in New York, but it was too late.
Tayong dal'wa, tayong dal'wa
Tayong dal'wa, tayong dal'wa
Tingin sa alapaap sa akin ay yumakap at ikay makausap
Ang aking dalangin muli ikay makapiling di kita kayang tiisin
Nung una ay akala niya matitiis niya ang lalaki, na hahayaan niya ito mabuhay at mag-aral sa ibang bansa, pero hindi rin niya napigilan ang sarili na sumunod.
Magkahawak ang kamay sa panaginip sumisilip
Nag mga bituin para sayo ay aking iipunin
Ang yong tinig aking susundan
Bigyang ilaw ang walang hanggan
Kahit suntok sa buwan
Sobrang excited niya na kahit mag-isa lang ay ginawa niya. Pinayagan naman siya ng kanyang lolo.
Tayong dal'wa, tayong dal'wa
Tayong dal'wa, tayong dal'wa
Pusong ito ay hanap ka parang baliw parang tanga
Naghihintay lang ba ko sa wala?
Andyan pa ba ang yong nadarama? Meron paba? O meron ka ng iba?
Tayong dal'wa, tayong dal'wa
Tayong dal'wa, tayong dal'wa Ooh
Tayong dal'wa, tayong dal'wa
Tayong dal'wa, tayong dal'wa
She finished playing before she decided to get some sleep. Pero sana ay hindi na lang siya natulog. Napanaginipan nanaman kasi niya.
A couple of years ago...
Napabuntong hininga si Julie nang ibaba niya ang kanyang mga maleta sa loob ng hotel room na tutuluyan niya. This was a first for her. First time niya ata na mag-isa lang siya. Pero kasi, gusto na niya ipaglaban ang dapat.
Alam niyang nasaktan niya si Elmo. Sinubukan din siya i-contact nito pero siya ang umaayaw. Oo na maarte kasi siya pero pakiramdam kasi niya hindi niya kaya. Alam niyang masasaktan lang silang dalawa. Oo takot siya. Aminado siya.
Gaano ba kataas ang percentage ng LDR? Partida ang mga LDR na iyon ay ilang taon na magkarelasyon.
Mabilis lang siya nagbihis at nagayos ng kaunti. Siyempre kung magkikita sila ulit ni Elmo ay dapat maganda siya diba? Kahit maganda naman na talaga siya.
Malapit lang ang hotel na tinutuluyan niya sa mismong Columbia kung saan nag-aaral si Elmo.
Hindi niya alam kung saan siya magsisimula sa sobrang laki ba naman ng university na iyon diba? Muhka siyang nawawalang tupa at pinagtitingnan pa siya ng tao dahil palinga linga siya sa paligid.
Hanggang sa nagtapang na siya magtanong sa isang babaeng estudyante kung kilala ba nito si Elmo.
"Oh? The muppet?" Tawa pa ng babae sa kanya. "No I'm just joshing, yeah I know him, he's quite popular around here. I don't really know his schedule but he goes to this cafe, you could probably go there and see if he's around."
"Oh thanks! Big help!" Sabi pa niya. Parehong excitement at kaba ang naramdaman niya. Makikita na niya ulit si Elmo!
Sinunod niya ang direksyon na binigay sa kanya ng babae sa kung nasaan man ang cafe na iyon.
Medyo marami din naman ang tao na nandoon pero sa malayo at sa labas pa lamang ay nakita na niya ito.
He looked the same but somehow different. Mag-isa itong nakaupo sa isang lamesa at nakatingin sa telepono. Paano ba siya lalapit? Basta ba maglalakad na lang siya? Kinabahan nanaman siya.
Bahala na...
Binilisan niya ang lakad dahil baka madapa pa siya. Malaki ang ngiti sa kanyang muhka na babatiin sana ang lalaki nang mapatigil siya. Dahil may isang babae na lumapit dito at sa mabilisang galawa ay pinatakan ng halik sa labi ang lalaki.
Pakiramdma ni Julie naubusan siya ng dugo sa nakita. Nanlamig din ang buong katawan niya. Pinanuod niyang nginitian ni Elmo ang babae at hinila pa nito ang upuan para dito.
Muhkang Pilipino din ito.
She just stood there, outside the cafe, looking at them. Sakit diba? Para siyang tanga na nanunuod lang kahit ang sakit sakit na.
Kita niya sa mga mata ni Elmo ang saya habang kausap ang babae. Did he ever look at her that way?
Parang umiikot ang mundo niya at naramdaman niyang lalabas nanaman ang kanyang luha.
She shook her head before finally being able to pull herself away from that scene. Gusto niya tumakbo pero baka akalain ng mga tao na may ninakaw siya. Kaya naman binilisan na lang niya ang lakad niya.
Nakita pa niya ulit ang babaeng kausap niya kanina.
"Oh hey! Did you find him?" Tanong pa nito.
She gave a polite smile and nodded her head. "Yeah, I saw him." Totoo naman eh. Nakita niya ito. "Thanks again!" She said and quickened her steps. Hindi na niya ito pinagsalita pa. She was able to hold herself until she was back inside her hotel room.
Pagkasara na pagkasara ng pinto ay sumandal siya dito at lumabas lahat ng kanyang luha. She cried. Cried because it hurt seeing him with someone else. Cried because he looked so happy and she wasn't the one who caused his smiles. Cried because she loved him so much and she knew that she had to let go. Cried because this was her fault.
Elmo wanted to try. Siya ang umayaw.
Hindi niya alam kung gaano siya katagal na umiiyak lang. She needed to get out of there fast. So she immediately booked a flight back to the Philippines and went back home bringing back with her her broken heart.
Tanghali na kinabukasan nang magising si Julie Anne. Wala naman siya balak gawin nang araw na iyon eh. She was in the middle of drinking her coffee when she heard her phone ping.
She smiled as she saw the name.
From Kiko:
Coffee? Alam ko kagigising mo lang.
She laughed as she texted an answer.
To Kiko:
At bakit mo alam? Hala stalker kita?
Wala pa ilang segundo at kaagad naman na sumagot sa kanya ang lalaki.
To Kiko:
Wag ka mag feeling alam ko lang di ka nanaman natulog ng maayos.
She laughed. Kiko became a very good friend of hers throughout the years. They never pursued anything together though.
It would be unfair to Kiko since she still had feelings for Elmo. Pero naniniwala naman kasi siya na kapag lumipas ang panahon makaka move on na din naman siya eh.
She typed a quick reply and responded that she'd go and see him.
Habang nagbibihis ay inayos niya ang gamit sa kanyang apartment. Napadako nanaman ang tingin niya sa kanyang piano.
She sighed. She should stop thinking about him. Paano siya magmomove on diba?
Lumabas na siya sa kanyang apartment at dumaas likurang bahagi ng building dahil may short cut papunta sa coffee shop na iyon.
She kept checking her bag and fixing her things as she walked when...
Boogsh!
Windang na napaurong si Julie sa pwersa hanggang sa mapagtanto na wala na ang bag niya!
"HOY!" She didn't know what spurted her. Pero hinabol niya ang snatcher na derederetsong tumatakbo palayo sa kanya.
"Magnanakaw!" Sigaw niya pa at binilisan ang takbo. Mabuti na lamang at naka sneakers siya.
"Hayop ka!!!!" She yelled and ran faster. Maaabutan na niya ito eh. She saw that he was approaching a curb and took that oppurtunity to grab her shoe as she threw it at him. Sa madilim na bahagi pa man din iyon dahil sa naglalakihang building sa paligid.
May nakita siyang lalaki na papalapit kaya kaagad niya sinigawan ito bago pa makatayo ang snatcher.
"Stop him!"
Gumalaw naman ang lalaki at pinigilan ang snatcher, tinutulak ito sa kalsada.
Inis na linapitan ni Julie ang snatcher at pinagsusuntok ang balikat nito.
"HAYOP KA HAYOP KA! DI KA NA LANG MAGHANAP NG TRABAHO! BWISIT NA TO PINAG WORK OUT MO PA AKO HAYOP!"
"Ok na miss bugbog na yan, babae ka ba talaga?" Biglang sabi ng lalaki na tinulungan siya habang natatawa.
Julie stopped at the voice though. Bakit parang pamilyar? She turned to look at the man who was busy holding the snatcher's hands behind his back.
Saka lang din naman ito napaangat ng tingin sa kanya.
To say they were both shocked was an understatement.
Baka nananaginip pa rin siya? Di kaya? Pero ramdam ni Julie masakit kamao niya sa kakasuntok so hindi siya nananaginip diba?
At muhkang nagulat din ang lalaki sa harap niya ngayon dahil nabitawan nito ang snatcher na kaagad tumakas palayo.
Julie's bag was still on the ground as the man who helped her gave it back to her. Wala na nakatakas na yung snatcher. But there were more inportant things on Julie's mind.
Like the fact that Elmo was that man who helped her and was now standing right in front of her while he gave her bag back.
"Elmo..." Tanging nasabi na lang niya.
Elmo looked back at her longingly. "Hey..." Sabi din nito.
Magsasalita pa sana si Julie nang tumunog ang telepono ni Elmo.
He looked at her first before answering the call.
"Hello? Andyan ka na? O sige sige papunta na din ako...alright....love you."
Pakiramdam ni Julie nabasag sa maliliit na pira-piraso ang puso niya. Hindi pa nga buo ulit eh!
She looked back at Elmo who had just ended the call.
Pareho silang hindi nagsasalita.
Hanggang sa si Julie na ang nauna. "S-salamat." She said did what she always did best. "Uhm, sige ah. Una na ako." And she quickly ran away, hugging her bag close trying her best not to let the tears fall.
=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•
AN: Alam ko guys bitin ibang comment naman ibigay niyo HAHAHAHAHA anywaysssssssss ayaaan pakinggan niyo ung tayong dalawa ni dyowsa para masaya HAHAHA
Mwahugz!
-BundokPuno<3