Julie glanced at her phone when it started vibrating on top of her desk. Nakita niya ang nakangiting muhka ng pinaka matalik na kaibigan na nakabungad sa caller ID.
Kaagad niyang sinagot ang tawag. She was busy typing away on her MacBook so she opted for the speaker phone.
"Maq?"
"BESSSSSS!!!!!"
Partida speaker phone na iyon pero sumakit pa rin ang tainga ni Julie sa best friend niya.
"Hi bes." Simpleng sagot naman niya.
There was a pause before Maqui spoke again. "Bes, nakabalik na pala siya?"
Julie stilled. She sighed. So alam na pala ng mga ito. It's been 2 days since that incident at the Magalona house hold. Gabing gabi ay umuwi siya pabalik sa apartment niya sa siyudad. Nagpaalam lang siya sa lolo niya through text tapos ay bumyahe na siya pauwi.
At pagkadating sa inuuwian ay halos binaha ang sariling unan sa iniyak.
"Bes..."
Ay. Kausap nga pala niya si Maqui.
"Oo bes, nung isang araw pa."
"Nagkita na kayo?" Maqui asked through the other line.
Again, Julie paused before answering. "Oo...nagkausap na din kami."
Narinig niyang tumili sa kabilang linya si Maqui. "OMG ANO, NAG MAKE UP s*x NA BA KAYO?! SHUCKS! NINANG AKO AH--"
"Maq." Kaagad na putol niya sa litanya ng kaibigan. "Maq...he already loves someone else. May girlfriend na siya."
Katahimikan ang bumalot sa usapan nilang dalawa bago niya narinig na nagsalita muli si Maqui. "Pupunta ako dyan sa opisina mo."
"Wait Maq--"
Click.
Too late. Maqui had already ended the call. Napabuntong hininga si Julie at ibinaba ang tawag. Totoo naman e. May girl friend na si Elmo. May iba na itong mahal. Paulit ulit niya sinasabi sa sarili iyon para mapukpok na sa ulo niya na wala na talaga siya pag-asa sa lalaki.
Kahit papaano masaya naman siya dahil nakasama niya ito. Kahit na sa una ay pagkukunwari lamang ang lahat ng iyon. Maybe it really just wasn't meant to be.
Hindi pa nakakalipas ang ilang minuto nang derederetsong pumasok sa loob ng opisina niya si Maqui.
"Bago ba secretary mo?" Bungad ni Maqui habang nakapamaywang pa sa kanya. "Irita iya si acqoh ang tagal ako papasukin."
"Ay oo." Julie gave a soft smile. "Well at least kilala ka na niya ngayon."
"Huh." Maqui scoffed. "Dapat lang." Nag iba na ang ekspresyon nito sa muhka nang tingnan siya. "Anong nangyari? Yung babae ba...yung babae pa rin na nakita mo nung pinuntahan mo siya dati?"
Julie shrugged her shoulders. "Does it matter."
Windang na napaupo si Maqui sa upuan sa harap niya. "Grabe. I mean, oo naasar ako sa kanya noon pero akala ko ngayon na uuwi na siya."
"I don't blame him Maq..."
Kaagad na napatingin sa kanya si Maqui na nakakunot pa ang noo. "Anong you don't blame him? Bes may iba na siyang babae!"
"The babae is not...iba...so to speak." Sabi ni Juli habang tinitngnan ang pinakamatalik na kaibigan. "I didn't tie him down to me. I never told him that. And he tried. He tried pero diba ako yung lumayo? Ako yung duwag? So I have no one to blame but me."
"Hindi yun bes eh." Sabi ni Maqui. "I mean I get it, you hurt him...pero isa lang naman kasi nasa isip ko...akala ko ba mahal ka niya? E bakit ganun?"
Again, Julie could only shrug her shoulders. "I just...I want to be happy. At least masaya siya diba? So, siguro naman sasaya din ako? Diba?" She asked hopefully.
Nakita niyang naluluha siyang tinitingnan ni Maqui kaya pati siya ay tumulo na ang mga talipandas na luha.
"Sana maging masaya din ako." She whispered. More to herself than to anyone else.
Nagulat siya nang hampasin ni Maqui ang desk niya.
Gulat siyang napatingin dito.
"Tara bes! Tumayo ka dyan!"
Litong nakatingin si Julie sa kaibigan. "Ha? Saan tayo pupunta?"
Julie got her answer as as she and Maqui looked at the salon in front of them.
"Anong ginagawa ng girls kapag nagmomove on? Nagpapaganda!" Maqui declared as she gestured at the establishment in front of them. Saka naman ito napatingin ulit sa kanya. "Kaso, ikaw kasi...dyosa ka na eh. Kaya wala na ata tayo magagawa kundi magpapamper!"
Julie followed suit as Maqui pulled her inside the salon.
"Good morning!" Bati pa ng mga staff.
Mahinang bumulong si Julie sa kaibigan. "Maq, balik na lang tayo. Ang dami ko pa trabaho."
"Ikaw apo ng may-ari wag ka na maraming kyeme." Saka naman humarap si Maqui sa staff. "Ola! Ito kasi, yung best friend ko, well, pinalitan ng pseudo jowa niya kaya kailangan namin ng pampering."
Tiningnan si Julie ng binabaeng staff ng kaharap nila ngayon. "Ikaw? Pinalitan? Ikaw?"
"Yes beks I know." Maqui said as she nodded her head in a knowing manner. "Like what the hell diba? Ganda ganda ng best friend ko eh!"
"Maq, kasalanan ko nga ka--"
"Hep hep! Hindi hooray!" Ani Maqui sa kanya. "Tama na yan, basta, we need to get you glowing! Yung sa sobrang glowing mo e hindi ka na makikita dahil sa liwanag! Magmomove on ka bes!"
"Ayaw ko magpagupit Maq." Ani pa Julie. Gasgas na yung magpapagupit dahil nagmomove on!
"Hindi ka magpapagupit baliw."
"What? So what are we here for?"
After an hour or so, Julie got a look of herself in front of the mirror that the salon had. Mahina siyang napangiti habang tinitingnan ang sarili. Hindi siya nagpagupit. Pero nagpakulay siya ng buhok. Blonde.
"DYOWSA MEHN AS IN DYOWSA." Sabi ni Maqui na excited na nakatayo sa harap niya.
"Girl you're so gorgeous like OMG talaga!" Sabi ng binabaeng parlorista na nalaman nila ay nag ngangalang Ram. "Ewan ko na lang don sa nangiwan sayo, maglaway siya lalo ngayon!"
Julie merely smiled as she shook her head. Sa tingin niya wala naman na talaga pake si Elmo kung magpakulay man siya o hindi o kung ano man gawin niya sa sarili. Because he was already with someone else right? So she should just go on with her life.
In fair at least na enjoy naman niya ang pagpamper.
"Maq, kailangan ko na talaga bumalik sa opisina." She told her best friend as they exited the salon.
Maqui rolled her eyes. "Fine fine, tumakas lang din ako sa work eh." Saka pa ito tumawa.
Napailing na lang si Julie bago sumakay na sa kotse ng kaibigan dahil ito ang nagmaneho para sa kanilang dalawa. Maqui dropped her off at SJH and so she made her way to the lobby up to the elevators.
Papasara na sana ang elevator nang may makita siyang pamilyar na pigura na pumapasok sa loob ng lobby ng building. Was that...? Hindi na niya nalaman kung tama ba ang nakita niya dahil sumara na ang elevator doors.
She breathed in as she rested her back on the elevator walls. She needed to snap out of reality. Paano ba naman kung saan saan niya nakikita si Elmo. Masyado na malawak ang imahinasyon niya.
Lumabas na siya sa floor ng kanilang office bago muling dumeretso sa sariling opisina.
"Bianca, sorry ngayon lang ako nakabalik, may messages ba ako?" She asked her secretary.
Tumango naman si Bianca at mahinang ngumiti sa kanya. "Uhm, hinahanap po kayo ni Mr. San Jose kanina, bale may meeting daw po kayo kasama yung bagong consultant para sa marketing plan ng Giorno."
Julie nodded her head. "Anong oras?"
"Uhm..."
"Lieanne!" Napatalikod si Julie at saktong nakita ang kanyang lolo na papalapit. And to her horror...he wasn't alone.
"Ang ganda mo apo! Bagay yang blonde mo na buhok." Sabi ni Lolo Jim nang makalapit ito sa kanila. He smiled but Julie wasn't.
Paano siya ngingiti gayong ang lalaking bumasag sa puso niya ay katabi ngayon ng kaniyang lolo.
She turned to Elmo who was staring at her but immediately looked away to the sides when he realized that she had noticed.
"Lo, ano pong--"
"Ah si Elmo ang bago nating makakasama bilang consultant." Nakangiti na sabi sa kanya ng kanyang lolo. "At dahil wala pa ako opisina, doon ko siya istastasyon muna sayo."
"Ay bongga." Narinig ni Julie na sabi ni Bianca. Pero wala pa siya sa wisyo sa pinagsasabi ng kanyang lolo.
"Ano po?"
Lolo kept smiling at her. "Well he has a degree in Columbia at alam mo naman na kailangan humabol pa ng kompanya natin diba? I asked him at pumayag naman siya."
Sabay baling nito ng tingin kay Elmo na nakapasok ang mga kamay sa bulsa. He had this blank expression on his face. Uminit ang ulo ni Julie. Parang naiinis siya na hindi malaman sa lalaki eh.
"Okay lang ba talaga sayo?" Hindi niya natiis na itanong dito.
Elmo looked back at her. "Oo naman, bakit naman hindi magiging okay? Besides, the company needs me."
Julie rolled her eyes while Bianca and Lolo Jim looked on.
Si Bianca ay muhkang kinakabahan habang si Lolo naman ay nakangisi.
"Okay lang yan apo." Sabi nito kay Julie. "I'm not playing matchmaker with you and Elmo, diba nga...may girlfriend siya?" Sabay tingin kay Elmo habang ngumingisi. "Anyways nagpaakyat na ako ng desk para kay Elmo. Pwede mo siya i-brief Lieanne tungkol doon sa project." He smiled at them but then suddenly straightened up before coughing then smiling again. "Ah sige una na muna ako sa office ko okay?"
Julie looked at Lolo Jim. "Okay lang po ba kayo?"
"Of course." Mabilis na sabi nito bago naglakad palayo.
Julie shook her head as she watched her lolo walking away. Saka napabaling ang tingin niya kay Elmo. Tumaas ang kilay niya. The nerve! Was he looking at her ass?!
"Hoy." Tawag niya dito.
Elmo lifted his head up, smirking.
Nag-init bigla ang dugo niya. "Eyes up buddy."
Umangat nga ang tingin nito pero sa dibdib naman niya.
"Up further!" Inis na sabi niya.
And he did look into her eyes.
Shet. Wag ka mahuhulog sa patibong Julie, kailangan mo mag move on remember?
And she thought to herself, mas madali atang mag momove on kung balik inis siya sa lalaki. Gaya ng pagkainis niya nung bata pa sila. Back to square one? Or rather, she'd be staying on square one.
"Bianca, could you please lead Mr. Magalona to my office. May gagawin lang ako."
"Opo mam." Kinakabahan na sabi ni Bianca.
"Bakit, saan ka pupunta?" Elmo asked her.
Inis na binalingan ng tingin ni Julie ang lalaki. "Will you just go inside?" At hindi na niya hinintay pa ang sagot nito at mabilis na naglakad sa comfort room ng office floor.
Siya lang naman ang tao doon. Hanep talaga ito si Elmo. Bakit ba laging gulong gulo ang damdamin niya tuwing nakikita ito? Nung isang araw, hinagpis siya sa pagmamahal dito ngayon naiinis siya sa muhka nito.
She looked at herself in the office mirror. Pucha kakapakulay pa lang niya ng buhok may drama na kaagad! She'll think positively though and just turn this energy into her work.
So she fixed herself and prepared to see Elmo again.
Pumasok na siya sa loob ng kanyang opisina at saktong nakita si Elmo na sumisilip na nakatayo sa harap ng floor to ceiling walls.
Lumingon ito sa kanya nang marinig ang pagbukas ng pintuan.
She breathed in before stepping inside. Muhkang di naman na apektado sa kanya si Elmo so dapat siya din. If she needed to move on then she should act normal.
"Nasa akin ang project details sa Giorno, I can give the files to you and you can go over them for the mean time. Sa susunod na araw pa ang meeting about it para kasama ang board." She said as she approached her desk.
Hindi niya narinig na sumagot si Elmo habang hinahanap niya ang folder sa kanyang file cabinet.
Lumingon siya at saktong nakita na hinihintay ni Elmo na ibigay ang file habang nakaupo na sa likod ng sariling desk. Ang bilis din naman napaakyat ng lolo niya. Planadong planado talaga. Nakakainis.
She gave the folder to him which he accepted before sitting back down behind her own desk. Nagsimula na siya sa sarili niyang trabaho, linalagay ang antipara para makabasa ng maigi. Magkaharap kasi ang mga lamesa nila so wala siang choice at nakikita niya talaga ito kahit na kunwari ay may binabasa siya.
Kung natutunaw lang ang tingin talaga, kanina pa siya pwede gawing ice cream.
"Is there something wrong?" She asked as she looked up.
Nakita niyang nakatingin pa rin sa kanya si Elmo. Oh god he was wearing his glasses too. Ang hot tingnan.
Stop it Julie. You need to get over him remember?
"Nagpakulay ka ng buhok." Elmo stated as he looked at her while leaning on his computer chair.
She raised an eyebrow at him. "Yeah I know, what about it?" Mataray niyang sabi.
Nakita niyang ngumisi si Elmo bago muling binaling ang tingin sa kanya. "It looks good on you." Saka ito bumalik sa pagbabasa ng binigay niya ng file.
Parang gusto ni Julie batuhin ng laptop niya ang lalaki. Yeah, she loved him but that didn't mean she didn't have a right to hate him.
Mas okay na na manaig ang pagkainis niya dito. Mas madali makakalimot.
Knock knock
Sabay silang napaangat ng tingin sa kumatok at nakitang sumilip si Bianca. "Uhm, Mr. Magalona may bisita po kayo."
Halatang di naman handa si Elmo sa bisita dahil nagugulumihan ang ekspresyon sa muhka nito.
Julie looked on, also curious as to what was happening.
Saka naman may pumasok na isang magandang babae.
Alam kaagad ni Julie kung sino ito. Di niya makakalimutan ang muhka nito magmula nang una niyang makita ito noong nasa New York siya, ilang taon na ang nakakalipas.
"Hi Baby!" Bati pa nito at dumeretso sa desk ni Julie.
Saktong nag-iwas siya ng tingin at narinig niyang pinatakan nito ng halik ang lalaki.
"Hey Freya what are you doing here?" Tanong pa ni Elmo na parang takang taka.
"I brought you lunch on your first day!" Freya said. "Oh!"
Julie looked on and saw that Freya, as she was called, was looking at her.
"I'm sorry akala ko solo ka dito sa opisina." Natatawa na sabi ni Freya kay Elmo. Saka nito muling binaling ang tingin kay Julie. "Hi, Freya Ocampo." At nakipagkamay pa kay Julie.
And Julie smiled back. "Hi Julie Anne San Jose."
"Oh wow you mean...." Tila gulat na sabi nito. "This company..."
"Nako wala yun." Maagap na sabi ni Julie. Alam na kasi niya kung ano ang pinupunto nito. "Simpleng mamamayan lang din ako."
"You're so humble." Tawa pa ni Freya. "Well uhm, dinala ko lang talaga dito ang lunch ni Moe." She turned to Elmo and smiled. "I'll see you later? Dinner tayo?"
Hindi kaagad nakasagot si Elmo pero mahinang ngumiti at tumango. "Yeah sure."
"Yay! It was nice meeting you Julie!" Saka ito kumaway.
Julie smiled back as she watched the girl exit the room. Tiningnan niya si Elmo matapos. "Maganda siya ah." Tanging nasabi niya. Totoo naman eh. Matangkad ito, kasing tangkad niya siguro, may kahabaan ang buhok at maputi ang kompleksyon.
"Julie..." Elmo said na para bang nahihirapan.
"Okay lang ako." Mabilis na sabi niya kahit na parang ang bigat ng dibdib niya. Nararamdaman niyang naluluha siya pero napipigilan naman niya at kunwari na lamang ay humihikab siya para masabi lang na doon siya naluluha. "Diba sabi ko naman sayo mag momove on ako? Kaya ko ito, big girl na ako."
Grabe, ang galing na niya talaga. Kasi napigilan niya ang luha niya. No way na ipapakita niya kay Elmo na naiiyak siya no. She breathed in and looked at Elmo.
He had this forlorn expression on his face.
Mahinang natawa si Julie habang tinitingnan ito. "Muhka kang tanga dyan." She said as she breathed in. Bwisit na dapat di na lang niya ito tiningnan ulit eh. Sakit. Nawala na pagpipigil niya. Mabilis siyang tumayo mula sa kanyang upuan.
"Kuha lang ako kape, gusto mo ba?"
Hindi sumagot si Elmo at patuloy lang na tinitingnan siya. She shrugged her shoulders and made her way out of the office room and to the pantry.
Mabuti na lang walang tao doon. Linapat niya ang kamay sa taas ng counter top at malalim na huminga. Okay, nakayanan naman niyang i-meet ang girlfriend ni Elmo. She seemed like a nice enough girl. At least sa mabait naman napunta si Elmo. Sigurado siyang may magaalaga dito. Dinalhan pa nga ng lunch eh.
"Kaya mo 'to Julie." She whispered to herself. "Big girl ka na, big girl ka na. Walang big girl na mahilig umiyak." She gave herself the best pep talk she could before smiling to herself. Isang luha lang ang pinatulo niya ngayon. Kailangan na tipirin. Sayang ang luha.
She guessed she'll be okay. Mula ngayon, katrabaho na lamang niya si Elmo. Itatatak niya sa utak niya yon. He and Freya looked so happy together. At wala siya balak manira ng relasyon.
"You can do this Julie." She told herself yet again. At may malaking ngiti sa muhka na naglakad siya pabalik ng kanyang opisina.
"Asan yung kape mo?" Bungad ni Elmo.
Shet huli. "Ininom ko na." Sabi niya.
Nagulat siya nang lumapit si Elmo at tumayo sa harap ng kanyang lamesa.
"Julie...I never wanted to hurt you." He said.
Pucha. Tama na nga ang luha diba? Pinigilan ni Julie ang sarili. Init tuloy ng muhka niya.
"Wala na nangyari na Elmo." She said as she looked to him. "Pero di mo naman kasalanan yon. Di mo naman kasalanan na may iba ka nang mahal okay? So hayaan mo na lang ako. Wag mo ako isipin. Kaya ko ito. Can you please just go? Just...work. Kalimutan na natin ang nakaraan. Basta ngayon, ka-trabaho mo ako, that's it. Kung hindi ka komportable na kasama ako dito sa opisina sabihin ko kay lolo na ipalipat ka."
Elmo looked at her yet again. "Alam ni Freya kung sino ka..."
She stilled at that. "Sino nga ba ako? Kababata mo lang ako Elmo. Leave it at that. Siya matagal ko na rin kilala dibale."
"Ano?" Gulat na sabi ni Elmo. "Paanong..."
Nalintikan na. Julie stopped. Malalaman nitong sumunod siya sa New York! "Wala...wala." Nag-iwas siya ng tingin pero nagulat siya ng hilain siya patayo ni Elmo at hawakan siya sa braso.
"Julie, paanong kilala mo na si Freya?"
"Elmo nasasaktan ako." Napakahigpit kasi ng hawak nito sa kanya.
"Sagutin mo ako." Elmo said.
She could just get it over with right? Para tapos na.
"Julie!" Asik ulit ni Elmo.
"I followed you okay?!" She answered as tears started falling down. Kita niyang nanlaki mata ni Elmo sa gulat. Saka niya tinuloy ang sasabihin. "Nang nagkaroon na ulit ako ng lakas loob, pumunta ako sa New York mag-isa, pumunta ako sa Columbia, pinuntahan kita doon sa isang cafe na linalagi mo daw, kaso nakita ko kayo ni Freya." She sobbed.
Tiningnan niya ang muhka ni Elmo na sa gulat niya ay nakita niyang umiiyak. Tinuloy lang niya ang sinasabi.
"I knew I was too late so after I saw you two together, I headed back home." Julie looked at Elmo. "Kasalanan ko ang lahat alam ko, and I have to live with that. Masaya ka na kay Freya alam ko, at paulit ulit na lang pero magmomove on ako okay?! Magmomove on ako!" She yelled before pulling away from him and quickly exiting the office room.
Tumakbo siya papuntang elevators at doon binuhos ang iyak.
=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=
AN: Napahaba ang chapter wahahaha! Anyways! Ganiter, kapag bukas pa lang ng maaga ay marami na ang boto promise may update ulit. Kung satisfied na ako haha! Depende na lang lalalalalalala. Ayan nalaman ni Elmo (ano ngayon?) ay HAHAHA
Thanks for reading!
Mwahugz!
-BundokPuno<3