The party continued on but Julie was already feeling really tired. Kanina pa siya nakatayo at nakikipagusap sa kung sino sino. Pero kakaunti na rin naman ang tao. Ang iba ay nagsisiuwian na dahil mga gusto na din magpahinga. Naupo siya sa isang tabi at minasahe saglit ang nangangalay na paa. "Tired?" She looked up at the voice and saw Elmo pulling a chair so he could sit down beside her. Nasa gilid na lamesa sila banda kung saan kita nila sa harap ang buong hall. "My feet are sore." Tanging nasagot ni Julie Anne habang napapagod na nakangiti kay Elmo. Walang sabi sabi na kinuha ng lalaki ang paa niya mula sa ilalim ng lamesa. Gulat na pinanuod ni Julie itong maingat na hinila ang kanyang paa at linagay sa sariling hita. "What are you doing?" She asked him. Elmo shrugged as his lip

