Chapter 59 "Susubukan ko na tumalon. Sana talaga ay umipekto itong naisip natin para makabalik na ako sa kaharian." Kinakabahang sabi ni Temyo. Hindi naman makakibo si Suting dahil sobrang lakas din ng nerbyos niya. May parte ng isip niya na gusto niya itong makauwi dahil naaawa rin sa mga naiwang kapamilya nito pero meron din takot sa isip niya na mag-iisa nalang siya sa lupa kapag nawala na ito. Pumikit si Temyo at biglang tumalon saka lumublob pailalim pero minuto lang ay bigla itong lumutang ulit at humahabol ng hininga. Hinila ito agad ni Suting at inihiga sa kalsada. Pinalo palo nito ang dibdib ng lalake hanggang magbuga ito ng tubig. "Aaarghh!" Duwal ng duwal si Temyo ng mga nahigop na tubig sa ilog. "Temyo! Ayos ka lang ba?" Nag-aalalang sabi ni Suting. Hinahagod nito ang lik

