Chapter 69 Tandang tanda pa ni Siha ang lahat bago mangyari ang masalomuot na pangyayari kila Yulo. Hindi niya alam na bantay ang limang kawal sa kulungan at dahil kaibigan niya si Yulo ay hinahanap niya agad sa kasayahan pero hindi matagpuan kaya naman pinuntahan nito ang mga kawal sa kulungan para sana ayain ngunit pagdating doon ay narinig na mahigpit ang bilin ni Tipang na huwag aalis sa pwesto ang mga ito kaya wala siyang nagawa kundi bumalik sa kasiyahan. Ilang minuto pa lang ang nakakalipas ng makita ang mga itong paparating. Tinanong niya kung bakit naroong ang mga iyon. Sinabi naman naman na nag-alok daw si Saha na magbabantay muna sa kulungan habang wala sila. Medyo duda siya sa sinabi ng mga ito dahil kilala niya si Saha bilang traydor at makasarili. Hindi ito gagawa ng anum

