Chapter 86 "Maraming nga ang nagsasabi na sobrang magkamukha nga raw kami. Sayang at hindi mo na siya naabutan sigurado ako hahanga rin sa'yo 'yun kapag nalaman na matalino ka." Saad ni Martin. Napangiti naman ang dalagita. "Naku kung hindi ko naman po sisipagan mag-aral mabuti ay lalo kaming maghihirap. Kawawa naman po ang tatay ko na nagtatrabaho para sa amin." Sagot naman ni Nida. "Ano ba ang gusto mo kuning kurso?" "Dati po ay maging doktor pero ngayon kahit ano basta po ay makapgtrabaho ng maayos at kumita para po ako na ang magbabayad ng mga bills at mga iba pang pangangailan namin. Gusto ko na rin po kasi na kapag nagtrabaho na ako ay nasa bahay na lang si tatay. Maaga rin po kasi kami naulila sa ina kaya ayoko naman po sagarin ang lakas ni tatay sa pagpapakahirap para sa amin."

