Chapter 105 "Huwag ka na umiyak Estella hindi naman kita papabayaan. Nandito ako. Nandito sila para suportahan tayo." Malungkot na sabi ni Tipang. Umiling ng sunod sunod si Estella. "Hindi ninyo naiintindihan. Ang mga kakaibang nilalang tulad ng sirena ay parang kwentong bayan o hindi totoo sa mga tao kaya naman kapag nalaman nila na meron totoong sirena na pinanganak at makita nila ay siguradong pagkakaguluhan. Pwede nila itong saktan o kunin. Pwedeng patayin ng ibang tao naniniwalang malas ang ganun. Ako ang nakakaalam dahil ako ang matagal ng nabuhay sa mundong ito." Humahagulgol na sabi ni Estella. Lumapit naman sa kanya si Karina na nagtataka at hinawakan ang kanyang tiyan. Nagulat din siya dahil lumaki bigla ang kanyag tiyan na para bang anumang oras ay manganganak na. "A-Anong

