Chapter 131 This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. Warning: Mature / Explicit content ------------------------------------------------------- "H-Hindi." "Anong hindi?" kunot noo na tanong ni Amira sa asawa. "Ano ba ang sabi ng Bathala? Teka nagpakita ba siya sa'yo? Nakausap mo ba siya?" sunod sunod na tanong nito. "Oo, nagpakita naman siya sa akin kaya lang ay hindi daw tayo pwede umalis dito sa kaharian," tugon nito. "Pero bakit daw mahal? Sinabi mo ba ang ating mga agam agam? Ipinaliwanag mo sana kung bakit nais natin na malayo para hindi na malagay sa kapahamakan muli ang ating mga anak," wika ni Amira. "M

