----1970's Flashback---- "Sorena, ito na ang araw para lusubin natin ang mga tiga Laringan" Tumango naman ang natatawang reyna at tinawag ang anak na si Soren na naroon din. "Matagal na panahon na rin ang pinalipas ninyo. Tama ka ito na nga ang oras mahal ko" Sagot ng reyna. "Anak, dumito ka lang kasama ko dahil hindi ka pwedeng mapahamak ikaw susunod na taga pagmana ng trono" Sumimangot naman ang mayabang na anak. "Ano? Hindi ako duwag! Bakit ako magtatago rito na parang matatakuting isda? Kayo na ang nagsabi na ako ang papalit sa trono bakit ninyo ako pagtataguin? Lalaban ako sa kanila at ipapakita ko ang lakas ng susunod nilang hari" Nagkatinginan naman ang hari't reyna. Alam nilang malakas at sanay sa laban ang mga taga Laringan kaya ang ang papaunahin na palusubin ay ang mga norm

