Chapter 48 Halos lahat na ng mga nasasakupan ay nasa labas ng trono ng hari at nahihintay sa paglabas nito. Kaya nilapitan na ito ni Groco para sabihin na handa na ang lahat para sa iaanunsyo nito. "Mahal na hari. Nasa labas na po ang lahat ng inyong nasasakupan. Maaari na po kayong lumabas." Inis na tumingin dito ang hari. "Groco? Naniniwala ka ba sa sinabi ni Saha? Nagpunta nga kaya ang hayop na si Suting sa lupa? Pero paano? Humingi ba ng tulong sa bathala para maging tao?" Nababanas na tanong ng hari. Hindi naman nakasagot ang buwaya at yumuko. Ayaw na niyang dagdagan ang kasalanan lalo at may nakakita sa kanya na naroon din sa ilong at pinapanood ang dalawang nasasakupan na tumakas. "H-Hindi ko po masasagot mahal na hari. Ang unahin po muna siguro natin ngayon ay ang tungol sa m

