Chapter 46 "Kelan pa? Baka mailabas ko na at nabiyak na ang itlog natin ay narito pa rin tayo! Gumawa ka na ng paraan!" Napapailing na sabi ni Sorena. Napakuyom naman ng mga palad si Serpio. ------------------------- Pagkababa mula sa taxi nila Althea, Temyo at Suting ay dumiretso na sila sa subdivion na malapit sa ilog. "Ayun! Ayun ang gusto kong bahay!" Sigaw ni Suting ng muling makita ang bahay nila Martin. "Naku sa kilalang pamilya ng mga Rosario 'yan ah! Hindi mo pwedeng bilhin 'yan Suting!" Ang natatawang sabi ni Althea. Napakunot naman ang noo ng lalake saka nilabas ang atm card. "Sabi mo kapag meron nito ay pwede ng bilhin ang anuman gustuhin namin?" Nagtatakang tanong niya. Lalo naman natawa si Althea. "Alam ninyo nagtataka talaga ako sa inyong dalawa. May pera kayo pero p

