Chapter 82 "Bakit ka umiiyak? May nasabi ba akong masama?" Nag-aalalang sabi ni Estella. Pinigilan naman ni Tipang na lalong maiyak kaya tumalikod ito ay nagpunas luha sa mukha. "Tipang, Ano ang problema?" Tanong ulit ng dalaga. Humarap naman na si Tipang at tumingin sa mga mata ni Estella. "P-Paano kung malaman mo na hindi pala ako tao gugustuhin mo pa rin ba ako? K-Kung malaman mo ba na isa talaga akong pating sa dati kong buhay ay kaya mo pa rin akong ibigin?" Naguluhan naman si Estella sa sinabi nito. Napkagat siya ng labi at napailing. "Hindi kita maintindihan. Ano ba ang sinasabi mo na dati kang pating pwede ba mangyari ang ganun?" Napayuko naman si Tipang. Alam niyang mahirap paniwalaan ang totoong katauhan niya. Napahinga siya ng malalim at napatingin sa ilog. Ano nga ba ang ma

