Chapter 110 Nakarating na sa hospital sila Temyo at dumiretso sa kwarto ng kapatid ni Althea. Nagulat pa ang dalaga ng muling makita ang lalake bumilis ang t***k ng puso niya pero medyo nakaramdam ng lungkot ng makitang kasama si Yesha. "Althea, Kamusta ka na? Pasensya na at hindi kami nakadalaw noong mga nakaraang araw marami rin kasi ang nangyari." Saad ni Temyo. "A-Ayos lang." Tugon naman ni Althea. "Kamusta ka ang kapatid mo?" Tanong naman ni Suting. Bigla nalungkot si Althea at umiling uling. "Ganoon pa rin walang pinagbago parang lumalala pa nga siya habang tumatagal hindi naman masabi ng mga doktor kung magagmot pa ba siya dahil puro iba ibang gamot ang sinusubukan kung magkakaroon ng epekto sa katawan niya." Napahinga ng malalim ang dalawa. "Oo nga pala kasama namin ang mag-i

