Chapter 9 ---1950 Flash back--- Samantala, Sa Isla Sudonia kung saan nakuha ni Miguel ang itlog na si Matteo ay malungkot na nakaupo si Haring Sudon at Reyna Amira habang umiiyak. Ang namumuno sa lugar na iyon. “Sudon, Paano na ngayon kinuha ng mga tao ang anak nating si Adon. Nagsisisi ako kung bakit ko siya iniwan dapat ay palagi ko siyang kasama saan man ako magpunta.” Ang umiiyak na sabi ng Reyna. Tumayo naman ang hari at Hindi pinahalata ang pagpunas ng luha sa mga mata. Nagkataon kasing araw ng pagpapalit ng kaliskis ng mag-asawa kaya iniwan muna ang itlog kasama ng natanggal nilang balat at lumublob sa tubig upang mas maginhawa ang pakiramdam. Nagulat nalang sila ang biglang dumating ang isang Bangka sakay ang mga tao. Gustuhin man nilang kunin ang itlog para kasamang magtago a

