"Bagay ba?" sabi niya at tumango naman ako. Kahit ano naman ang suotin niya babagay sa kanya dahil maganda siya, ganda pa ng shape ng katawan. Nandito kami sa mall at nag shopping siya, pumayag na lang ako na sumama dahil wala naman akong gagawin sa bahay ni Joseph, baka mag senti lang ako don. Nakaupo lang ako sa malapit sa fetting room at hinihintay siyang makabalik dahil umalis na naman para pumili ng damit. Pag balik ko nakita ko siyang may maraming dalang whole dress. "Tayo ka.." "Ako?" sabi ko at tinuro ko pa ang sarili ko at na e-excite siya na tumango. "Sukat mo dali!" at bigla niya akong tinulak papasok sa fetting room at siya na mismo ang nag sara mula sa labas. Tinignan ko naman ang damit na pinasukat niya. Para saan naman to? Nag shrug na lang ako at sinimulan ng hubarin a

