CHAPTER EIGHT

1047 Words
Tinawag ni Madam Lolita sina Ninay at Trino kaya bumaba ang dalawa dahil may sasabihin sa kanila si Madam Lolita. " Mom bakit wala yata akong napapansin na kasambahay natin?" Pagtatakang tanong ni Trino sa kanyang Ina. " Hindi mo talaga sila makikita dahil pinag day off ko Silang lahat" Sagot ni Madam Lolita " Bakit lahat sila? Sino mag aasikaso dito?" Tanong ulit ni Trino at tila nababahala ito. " Kayo na bahala ni Ninay dito dahil magbabakasyon kami ng Dad mo si Lola mo naman binisita ang kuya mo" Seryosong pagkakasabi ni Madam Lolita at tila napaisip si Ninay. Dalawa lang Sila ni Trino maiiwan baka kung ano ang gawin sa kanya ni Trino. " Ano? Kami lang maiiwan dito? Paano naman mga pagluto ng mga pagkain?" Tila naiinis na reaksyon ni Trino. " Kayo na nga bahala okay? Mag enjoy kayong dalawa, mauuna na ako" Nakangiting sabi ni Madam Lolita at umalis na ito. " Ikaw marunong kaba mag luto?" Seryosong tanong ni Trino Kay Ninay. " Ahhm- Oo Naman" Mahinang sagot ni Ninay. " Ano pa hinihintay mo? Magluto kana wala Tayo aasahan ngayon." Naiinis na sabi ni Trino at umupo ito sabay bukas ng tv. Si Ninay naman nag tungo ng kusina at binuksan niya ang ref para tignan kung ano pwede nilang lutuin. " Ano ba gagawin ko? bakit kasi sinabi ko na marunong ako mag luto, Ang tanga mo talaga Ninay" Naiinis na sabi ni Ninay sa kanyang sarili. Kinuha niya ang mga itlog sa ref at may nakita din siyang isda kaya kinuha niya narin. Pagkatapos ni Ninay hugasan ang isda nagpa init na siya ng mantika dahil naisipan niyang iprito Ang mga kinuha niya dahil Yun lang Naman Ang madaling lutuin. Nang uminit na ang mantika dahan-dahan niyang nilagay yung mga isda at napasigaw siya ng magsitalsikan ang mantika. Nagulat si Trino sa pag sigaw niya kaya naman tinungo siya nito. " Ano ba nangyayari dito?" Tanong ni Trino at nakita niya na umu- usok na pan at sa subrang taranta ni Ninay hinawakan niya ito dahil tatanggalin niya sana kaya napaso ang kamay niya. Napakamot na lang ng ulo si Trino at pinatay niya ang gas stove. " Arayyyy" Hinaing ni Ninay habang hinihipan ang kamay niyang napaso. " Hayy naku naman, bakit mo Kasi hinawakan alam mo naman mainit? Ang ingot mo talaga, akina nga Yan." Naiinis na sabi ni Trino at kinuha niya ang kamay ni Ninay at tinapat ito sa gripo. Habang ginagawa ni Trino yun hindi maiwasan ni Ninay na mapatingin dito. Ilan sandali pa tumingin din sa kanya si Trino at agad niyang iniwas ang tingin niya dito. " Hindi talaga ako makapaniwala na Ikaw ang napangasawa ko." Saad ni Trino at nainsulto na naman si Ninay. " Ganoon din naman ako no, Hindi Ikaw ang gusto ko mapangasawa tsaka ayuko sa" Hindi matuloy ni Ninay ang sasabihin niya dahil naiilang na siya Kasi nakatingin sa kanya si Trino. " Tsaka ano? Sabihin mo?" Seryosong tanong ni Trino. " Ahhm- Basta ako Sayo" Saad ni Ninay at napansin at lumapit sa kanya si Trino gusto niya umatras ngunit nasa likuran niya ang kitchen counter at napalunok na lang siya ng ilapit ni Trino ang mukha nito sa mukha niya. " Tamang-tama walang walang ibang tao dito kundi tayo lang. Naiisip mo ba kung ano ang pwede ko gawin sayo?" Nakangising tanong ni Trino at napatingin siya sa mga labi ni Ninay. " Pwede ba lumayo ka?" Naiilang na Sabi ni Ninay. " Kapag umabot ng 10 seconds at hindi mo ako pinigilan sa gagawin ko sayo asahan mong may higit na mangyayari" Nakangiting saad ni Trino at hindi maunawaan ni Ninay ang sinasabi niya. " Ano ba ang sinasa-" Hindi na natuloy ni Ninay ang sasabihin niya dahil bigla siyang hinalikan ni Trino at talagang nang laki ang mga mata niya dahil yun ang unang halik niya. Paglipas ng sampong segondo binuhat siya ni Trino at nilagay siya sa ibabaw ng kitchen counter. Naramdaman niya ang kamay ni Trino na nasa bandang hita niya na kaya nakagat niya ang nito. " Arayyy, bakit mo kinagat labi ko? Hindi kaba marunong humalik?" Naiinis na tanong ni Trino at napahawak siya sa labi niya. " K-kasi Yun ang unang.. Ikaw palang kasi nakak halik sa akin" Namula ang mga pisngi ni Ninay habang sinasabi niya Yun at sumilay ang isang magandang ngiti sa mga labi ni Trino. " Ano? Ako palang nakaka halik sayo? Wala ba nagkaka gusto sayo?" Pang aasar na tanong ni Trino. " Paki mo ba kung wala tsaka naka fucos ako sa pag aaral" Naiinis na reaksyon ni Ninay sa tanong ni Trino. " Ako pala ang first kiss mo? Napaka swerte mo Kasi natikman mo ang mga labi ko sayang lang hindi talaga ko type ang mga maliliit na dibdib" Pang aasar pa ni Trino Kay Ninay. " Ang yabang mo talaga, bahala ka mag luto ng pagkain mo" Nabubusit na saad ni Ninay at umakyat na ito sa taas. Naiinis na umakyat si Ninay sa kwarto kaya naman naisipan niyang maligo muna baka sakali lumamig ang ulo niya. Pagkatapos niya maligo ay nagtapis lang ito ng towel sa katawan niya at paglabas niya umupo siya at humarap sa salamin. Napansin niya ang singsing sa daliri niya naisipan niyang tanggalin ang widding ring nila ni Trino dahil hindi na siya komportable dito. Pinilit niyang tanggalin ang singsing sa daliri niya ngunit nahirapan siya dahil medyo may pagka sikip ito sa kanya. Pinilit ni Ninay na tanggalin ang sing sing kaya naman natanggal niya iyon ngunit tumilapon ang singsing sa ilalim ng kama kaya agad niyang sinilip iyon sa ilalim ng kama ni Trino. Pag bukas naman ni Trino ng pintuan ng kwarto niya bumungad sa kanya si Ninay na naka tuwad at napansin niyang may hinahanap ito sa ilalim ng kama niya. Nakita niya ang mapuputing hita ni Ninay at tila nakaramdam siya ng init at parang hindi niya kaya kontrolin kaya naman agad niyang binuhat si Ninay at inihiga niya ito sa kamay tsaka siya umibabaw dito. " Hoy Ninay lalaki parin ako. Kahit hindi kita type hindi ko mapipigilan ang sarili ko na hindi ka pagnasaan" Seryosong pagkakasabi ni Trino at grabeng kalabog ang nararamdaman ni Ninay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD