Maagang gumising si Ninay dahil kailangan nila mag tungo ni Trino sa Department store upang mamili ng mga susuotin niya mamaya para sa kaarawan ni Trino. Hindi iniimikan ni Trino si Ninay dahil hindi naging maganda ang pag uusap nila kagabi. Magmamaneho na sana si Trino ng batiin siya ni Ninay. " Happy birthday" Tila nahihiya pang sabi ni Ninay at tumingin sa kanya si Trino. " Wala ka parin ba isasagot sa tanong ko kagabi?" Seryosong pagkakasabi ni Trino at napansin niya na tila may tinatago si Ninay sa likuran nito. "Ahhm- Kasi-" Hindi alam ni Ninay kung ano nga ba ang isasagot niya at nanatiling nakatago ang mga kamay nito sa kanyang likuran. " Ano ba tinatago mo diyan?" Interesadong tanong ni Trino at napa atras ni Ninay. " Wala lang ito" Sagot ni Ninay ngunit niyakap siya ni

