HARIETH ZARIE FEDENCIO - N-nauuhaw ako! G-gusto kong u-uminom. G-gusto ko ng- ng- ng- ng- Z-zest-O Nagmulat ako nang makaramdam ng kirot sa ulo. Saka ko pa lamang naalala ang nangyare. 'Nung una'y liwanag ang nakikita ko hanggang sa sumulpot ang mukha ni kuya kenie. "Bunso!" Napabaling ako sa kanya. "K-kuya?" "Honey! Gising na siya!" Napatingin ako kina Celia, Mrs. And Mr. Monterealez isa-isa nang palibutan nila ako sa kama. "We're glad na gising ka na, hija." Ngumiti ako sa kanila pero agad ding napawi nang maalala ang baby ko. Bakas ang takot sa mukha ko nang humawak ako sa tiyan. Hinawakan ni kuya kenie ang kamay kong nakahawak sa tiyan. "Bunso, h'wag kang mag-alala, maayos na ang lagay ni baby." Nakahinga ako ng

