Harieth Zarie Fedencio Monterealez POV Napahinga ako ng malalim pagkatapos ay humarap sa kanya. Nanginginig ang labi na nagsalita ako. "K-kanina pa kita hinahanap..." Pagpapalusot ko na sana ay bumenta sa kanya. Hanggang ngayon ay wala pa rin siyang emosyon sa mukha ngunit nagtatangis naman ang mga bagang niya. Madilim rin ang awra niya, tipong hindi makapaniwala sa naisagot ko sa kanya. "I repeat! What are you doing here?!" Mariin na tanong niya. Hindi ako nagpatinag sa halip ay tumikhim ako bago daretsong humarap at tumitig sa mga mata niya. "H-hinahanap lang kita para makiupdate kay Zseto." Nanunuyo ang lalamunan ko at hindi na mapakali sa aking kinatatayuan. Ang gusto ko na lamang ay makaalis sa lugar na ito. Bakit ang bilis naman niyang makauwi? "Really? You w

