Hazel Aleriya POV WALA akong nagawa buong maghapon kung hindi ang magkulong sa kwarto ni Zseto. Gusto ko sanang umalis dahil naiinip na ako dito sa bahay nila Ryker pero ang hindi ko maintindihan kung bakit ang daming nagkalat na mga gwardiya or kung ano man ang tawag sa mga lalaking may malalaking katawan. Para talaga silang mga bouncer sa bar. Nakakatakot tuloy lumabas. Pakiramdam ko kasi kapag tumapak ako sa labas ng pintuan kaagad nila akong papalibutan at hindi papayagang lumabas. Naisip ko baka kaladkarin nila ako papasok ng bahay. Haist! Napaka negatibo ko talaga. Bakit naman nila gagawin sa akin iyon? Kung nandito siguro si Zseto hindi ako mabobored. Sumama kasi siya kay Yaya Celia sa grocery store. Ayoko sana pero mapilit si Zsero kaya wala na kaming nagawa. Mabuti na lang

