Wala ako sa sariling umalis ng mansyon matapos ng mga nangyari. Wala na talagang naiwan sa akin. Lahat na lang iniwan na ako. Hindi ko alam kung saan na ako napadpad dahil nilalamon na ako ng utak ko at mga tanong na hindi ko alam paano masasagot. Naglakad lakad lang ako sa loob ng Village dahil gusto kong mapag-isa. Wala rin naman akong ibang pupuntahan kung hindi ay sa Hospital lang. Wala na rin kasi akong kontak kay Bryan matapos nung gabing iyon. Sobrang sama ng pakiramdam ko ngayon. Ang sakit ng ulo ko at gusto ko na lang humiga sa kalsada. Sasakay na sana ako ng Taxi nang bigla kong naalala na wala na pala akong cash dito. Napapikit na lang ako at napahinto dahil sa mga nangyayari sa akin. Hindi ko alam kung bakit ba ‘to nangyayari, kung ano ba ang puno’t dulo ng lahat ng ito

