I decided to get back to school the next day. Ang boring kasi sa apartment and wala naman akong magawa. I just decided to wear a jacket so it will be easier to hide just in case may makakita sa akin.
Maaga akong nagising dahil ayokong malate sa klase. Absent na nga ako nang ilang araw, late pa ako. Tinatamad akong bumangon pero nakita kong tulog pa si Jacob kaya hindi ko na ginising. Hindi ko alam kung anong oras na siya nakauwi dahil nauna na akong natulog.
Pagkalabas ko sa kuwarto ay agad kong nakita na nakahanda na ang pagkain sa mesa. Nakatakip naman 'to aT may sticky notes sa mesa kaya't agad kong kinuha ito ata binasa.
Sorry, I had to work late. Hindi na kita ginising dahil tulog ka naman. I already cook your breakfast. Kumain ka na lang okay? I received your message pero late ko na nabasa. Papasok ka na? Text me after school susunduin na lang kita okay? Ingat ka, I love you.
Agad naman akong napangiti at agad na kumilos dahil ma lalate na ako sa school. Bago ako tuluyang umalis ay sinilip ko muna siya sa kuwarto at mukhang pagod na pagod at wala pang tulog. Hinalikan ko siya sa pisngi at agad naman akong napangiti.
I was so blessed to have him in my life.
Marahan kong isinara ang pinto saka napagpasyahang umalis na dahil baka ma-late pa ako sa school.
"Tessa!" sigaw ko nang makita ko siyang naglalakad sa hallway.
Agad naman siyang lumingon sa kaliwa at kanan at agad na hinila ako papunta sa likod ng pinto.
"Ano ka ba? Paano kung makita ka ni Tito?" nag-aalalang tanong niya na bumubulong pa.
Pinigilan ko ang sarili kong hindi matawa dahil nakakatawa ang mukha niya ngayon. Hindi siya mapakali at halatang may pinagtataguan.
"Naka jacket naman eh. At saka hindi naman nila malalaman. Nag-iingat naman ako 'no!" Nginitian ko pa siya at proud pa ako habang sinasabi ko iyon.
Napakamot na lang siya sa ulo niya dahil mukhang hindi na niya alam ang gagawin sa akin.
Agad kong hinila palabas ng room si Tessa at maingat na naglalakad sa Campus. Mabuti na lang ay hindi na siya sinundan ng mga bantay ni Daddy. Hindi ko alam kung ako ba talaga ang binabantayan o si Tessa eh.
Paano ba naman kasi, ‘yung mga guard nakabantay kay Tessa hindi sa akin. Bigla na lang akong natawa sa isip ko nang biglang sumagi sa isip ko ang bagay na iyon.
"Alam mo? Galit na galit 'yung Daddy mo!" Paninindak naman nito habang kumakain kami sa pinaka konting tao na fast food chain dito sa school malapit.
"Sus parang hindi mo naman kilala 'yun si Daddy. Ganoon lang 'yun," natatawang sabi ko at umiling pa ako bago nagpatuloy sa pagkain.
"Alam mo, tigilan mo ako dyan sa kakatawa mo sa akin ha!" paninita nito sa akin at tinitigan ako ng masama.
"Eh paano, hindi ko alam kung ikaw ba 'yung anak or ako eh. Nasa iyo ang bantay wala sa akin!" Sabay kaming nagtawanan.
"Gaga ka talaga!" Umiling na lang siya.
"May vacant pala ako after lunch, gusto mo bang mag mall?" Paanyaya ko sa kaniya.
"Ay nako, Brylle ha. Tigil tigilan mo ako diyan sa gimik mo. Mamaya ay mahuli pa tayo diyan sa ginagawa mo eh!" Pinitik naman niya ang noo ko kaya't ngumiwi ako at napasingamot.
"Sige na, Please?" Nagpacute pa ako para lang pumayag 'tong kaibigan kong 'to.
"Oo na! Sige na! Humanda ka talaga sa akin kapag nahuli tayo!" Hindi na siya nakatanggi.
Alam kong labag sa loob niya pero pumayag siya. Halata kasing kinakabahan siya pero nagpapasalamat pa rin ako na pumayag siyang samahan ako.
"Thank you! Kaya mahal na mahal kita eh! The best ka talaga!" Inangat ko pa sa ere ang kamay kong naka Korean heart sign.
"Baliw ka na nga! Pero mahal din kita!" pagtataray niya pero napangiti din naman at umiling.
Matapos naming kumain ay agad na kaming bumalik sa school at pumasok na kami sa susunod na subject namin. Mabilis natapos ang klase at hindi ko namalayan ang oras dahil nakikinig ako kay ma'am. Wala naman akong magagawa kung hindi ay magsipag. Kawawa naman 'yung mahal ko. Nagttrabaho para sa amin tapos sasayangin ko lang?
Sakto rin pala ang pagpunta namin sa mall dahil kailangan kong bumili ng bagong laptop dahil naiwan ko 'yung laptop sa mansion. Kailangan ko rin bumili ng flash drive dahil naka assign ako sa reporting at kailangan kong magawa mamaya ang presentation ko para bukas.
Nang matapos ang klase ay agad kong nakita si Tessa na nakatayo sa labas ng room at parang hindi mapakali kung saan saan nakatingin.
"Hoy!" Ginulat ko siya at halos hindi maipinta ang mukha niya sa sobrang gulat.
"Ay palakang hilaw!" napatalon siya sa gulat at napahawak pa siya sa dibdib niya sa sobrang lakas ng kabog ng puso niya. Halata naman dahil sa itsura niya.
Patawarin mo ako Tessa. Ang importante mahalaga.
"Alam mo, namumuro ka na talaga sa akin ha!"
Kitang kita ko ang gulat sa mukha niya kaya't tinawanan ko na lang siya at agad na inakbayan at niyakap.
"Joke lang naman eto naman!" nakangiting sabi ko at wala naman siyang nagawa kun'di sumunod na lang sa akin papunta sa labas ng school.
Sa kabilang gate kami dumaan dahil makikita siya ng driver nila kung sa kabilang gate kami dadaan. Mabilis naman kaming nakarating sa Sm Fairview at agad na pumunta sa national book store. Binili na namin lahat ng kailangan sa school dahil ayokong pabalik balik at hindi kumpleto ang bibilhin.
Bukod kasi sa sayang ang oras ay nakakatamad lumabas.
Agad ko namang ginamit ang credit card na dala ko at buti naman ay gumagana pa. Naparaming supplies yata itong nabili namin pero hayaan mo na.
Sumunod naming pinuntahan ay ang department store dahil gusto kong ibili ng bagong damit si Jacob. Tsaka kailangan ko rin ng mga bagong damit dahil kaunti lang ang nadala ko. Hindi ko rin naman puwedeng utusan si Tessa na pumunta sa bahay para kumuha ng damit dahil paniguradong malilintikan kaming parehas.
"Ang dami na nating pinamili, saan na naman ba tayo?" tanong niya na mukhang pagod na sa kakaikot naming dalawa sa mall.
"Bibili ako ng bagong laptop, kailangan kong gumawa ng presentation para bukas. May reporting ako. Tsaka madalas gamitin ni Jacob 'yung kanya. Ayoko namang istorbohin siya."
Napakamot na lang sa ulo si Tessa dahil wala naman siyang magawa kun'di samahan ako.
"Oo na sige na bilisan na lang natin dahil baka hanapin ako sa bahay," nagmamadaling sabi niya at mukhang natataranta pa.
Nang makabili kami ng laptop ay agad na kaming kumain ni Tessa saka nagpag desisyonan na maghiwalay na nang landas dahil kanina pa siya hindi mapakali sa ginagawa naming paikot ikot sa mall.
At dahil wala pa si Jacob, at nauna na si Tesa, pumunta muna ako sa Watson at bumili ng skin care at gamot para sa ubo ni Jacob. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa nawawala ang ubo niya. Nag aalala na ako para sa kaniya.
Habang nakapila ako para magbayad ay agad namang may sumingit na lalaki.
"Uhhm, excuse me? Nakapila po ako, can you fall in line?" I politely told him that I even smiled at him.
Hindi niya ako pinansin kaya't kinalabit ko na siya.
"Excuse me?" ulit ko pero agad naman siyang lumingon.
Naka mask at naka hood. He seemed familiar.
"Nagmamadali ako," sabi nito at agad na tinalikuran ako.
Aba! Ang kapal ng mukha!
"Excuse me? Nagmamadali rin ako, pero hindi ako sumingit sa pila. Now would you mind fall in line? Mas may nauna pa kasi sa 'yo," I was trying my best to tell it in a nice way.
"You know what? I'll just go to another store," he coldly said and he was about to put back all the stuff he was holding.
"Ah, kuya, you can fall in line here,"
Napalingon naman ako nang magsalita ang babae sa likuran ko at itinuro niya ang espasyong nasa likuran ko.
"Really ate? Do you really wanted to make him insert the line?"