“Brielle, please wake up.” Marahan kong binuksan ang mga mata ko nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Gustuhin ko mang pumikit habang buhay ay hindi ko magawa. Kahit anong gawin ko, siya pa rin ang Daddy ko. Hindi ko lang talaga lubos maisip kung bakit sobrang layo ng loob namin sa isa’t isa. “Bunso! Dad, gising na ‘yung spoiled brat mong anak,” natatawang sabi ni Kuya. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Masaya ba, dahil nakaalis kami sa Apartment na ‘yon or maiinis dahil balik mansyon na naman ako. Nandito ako ngayon sa loob ng kuwarto ko. Si Dad at Kuya ang kasama ko. Inilibot ko ang paningin ko para hanapin si Tessa pero hindi ko siya makita. “Si Tessa ba?” tanong ni Daddy. Tinitigan ko lang siya bago tumango. Ayokong makipag usap. “Tignan mo ‘to, pagkamul

