Krisha POV
"PAKILABAS na lang po lahat ng gamit ni Gio "utos ko sa mga yaya dito sa bahay
"Mom , bakit nyo po pinapalabas yung mga damit ni Daddy ?"bungad na tanong ni Jace
"Papalayasin ko na ang daddy mo "sabi ko kay Jace
Sinasagad mo talaga yung pasensya ko Gio ang lakas ng loob mong hindi umuwi ka gabi tignan na lang natin
"Anong meron dito at nilalabas nyo yung gamit ko ?"bungad na tanong ni Gio
"Pakibilisan nyo yaya na ilabas lahat ng gamit ng lalaking yan "
"Hon, ano bang problema ?"Tanong ni Gio
"Hindi mo alam Gio ? Sa tingin mo ano kaya yung dahilan huh ?"
"Okay , I'm sorry kung hindi ako pumunta sa foundation day ni Jace busy lang ako sa company Hon sana naman maintindihan mo yun "sabi ni Gio
Napatawa na lang ako sa sinabi nya "Busy ? Maaga ka daw umalis doon sa kumpanya mo Gio "sabi ko sa kanya
Tumingin ako kay Gio at halata kong may tinatago sa akin toh "May pinuntahan ako kahapon "sabi nya habang hindi nakatingin sa akin
"Pinuntahan? Mas mahalaga ba yang pinuntahan mo kesa sa foundation day ng anak mo ?"tanong ko
"Mom , huwag nyo na pong paalisin si Daddy dito "sabi ni Jace
"Jas , paki akyat muna si Jace sa itaas "utos ko
"Sige po ate "sabi ni Jasmine
Bumaling ako kay Gio na ngayon ay hindi makasagot sa tanong ko
"Tell me Gio did you hide something to me ?"
"Nothing "
"So , Bakit hindi mo nagawang pumunta sa foundation day ng sarili mong anak at talagang ginagalit mo ako Gio hindi ka umuwi kagabi ... Ano na lang kaya ang iisipin ko ? Na may babae ka Gio ? "
"I'm sorry Hon, but wala akong babae may mahalaga lang talaga akong ginawa "sabi ni Gio
"Kahit na gaano yan kahalaga Gio dapat mas uunahin mo ang anak mo ! "Sigaw ko
"I'm sorry Hon , babawi na lang ako please "pagmamakaawa ni Gio sa akin
"Umalis kana muna dito Gio , isipin mo muna kung sino mas mahalaga kami o yang trabaho mo "sinarado ko na yung pinto at umupo ako sa sofa
"Tita Krisha , okay ka lang po ba ?"tanong ni Leila sa akin
Tumingin ako kay Leila at ngumiti "I'm okay Leila "sagot ko
"Bakit nyo po pinalayas si Tito Gio ?"
"Kasi Leila may mga bagay na hindi nyo pa maiintindihan ni Jace kasi bata pa kayo , someday malalaman nyo rin "nakangiti kong sabi
"Tara po tita krisha puntahan na lang po natin si baby Ella "sabi ni Leila at hinila ako papunta sa kwarto ni Ella
Gio POV
"Why are you here son at dala mo pa ang mga gamit mo ?"tanong ni Mommy
"Nag-away po kami ni Krisha Mom "sagot ko
"May ginawa ka na naman siguro kuya kaya kayo nag-away ni Ate Krisha "sabi ni Gail
Hindi ko na lang pinansin si Gail at pinaakyat ko yung mga gamit ko sa kwarto ko
"Bakit kayo nag-away anak ? "Tanong ni Mommy
"Hindi po ako nakaattend sa Foundation day ni Jace Mom "
"Magagalit talaga sayo si Ate Krisha kuya "singit pa ni Gail
Tinignan ko ng masama si Gail "Can you please shut up ?! "Inis na sabi ko
Ang dami ko ng problema dumagdag pa ang pag-aaway namin ni Krisha
Fuck s**t ! Kasalanan ito ni Bea kung bakit hindi ako nakapunta sa foundation day ng anak ko mas pinili kong samahan sya kesa pumunta sa school ni Jace
"Pag-usapan nyo na lang ni Krisha yang problema nyo son , wag mong papatagalin yang away nyo "sabi ni Mommy
"Yes , Mom "
"Magpahinga ka na muna anak alam kong pagod kana "sabi ni Mommy
Tumango na lamang ako at umakyat sa taas para makapagpahinga na muna .....