Chapter 27

605 Words
Krisha POV "WALA pa rin bang balita Krisha ? "Tanong ni Mom sa akin "Hanggang ngayon po Mom, wala pa rin po and i'm sorry po kung hindi ko mahanap si Gio "naluluhang sabi ko "It's okay Krisha, wag mong sisihin ang sarili mo makikita rin natin ang asawa mo ang anak ko "nakangiting sabi ni Mom pero halatang mo sa mata na hindi malungkot ito "Hindi po ako titigil hangga't hindi ko po nahahanap si Gio Mom, pangako po "sabi ko "Aasahan ko yan Krisha "sabi ni Mom at kinuha na si Ella sa katulong at umakyat sa taas Mukhang kailangan ko na ng tulong kay Kenzo para maging madali ang paghahanap kay Gio "Mia, kailan uuwi ng bansa si Kenzo ? "Tanong ko "I think tomorrow, baka sa susunod na linggo pa "sagot ni Mia "Kailangan ko syang makausap, may ipapagawa ako sa kanya " "Okay, tatawagan ko na lang sya mamaya para ipaalam na kailangan mo " Kailangan ko na talagang mahanap si Gio dahil bukas na ang birthday ni Ella at gusto ko kumpleto kami sa birthday ni Ella, pero mukhang hindi na manyayari dahil hanggang ngayon wala pa ring balita kay Gio.... "Boss krisha, boss Mia "bungad na sabi ni Nicole at may hawak - hawak itong folder "May nakuha ka na bang information kay Bea at doon sa kristine ? "Tanong ni Mia "Meron na boss at magugulat kayo kung ano ang nakuha kong information doon sa dalawang babaeng yun "sabi ni Nicole at nilapag na sa mesa ni Mia yung folder "Okay thank you, bumalik ka na sa trabaho mo Nicole "sabi ni Mia at umalis na si Nicole "Ito na yung kailangan mo "sabi ni Mia at inabot sa akin Kinuha ko naman yung folder at binuksan ko yun, halos muntik ko ng mahulog yung folder dahil sa nakuhang information ni Nicole kanila Bea at Kristine "No, matagal na syang patay " Gio POV "Ang init po pala dito sa pilipinas daddy "sabi ni Gia Ilang araw na rin kami dito sa pilipinas at sinisimulan ko ng yung project na binigay sa akin ni Mr Lewiston "Mainit talaga dito baby but maganda naman dito " "Oo nga po daddy "sabi ni Gia "Kailan susunod ang Mommy Gia ? "Tanong ko Nauna na kaming dalawa ni Gia dito sa pilipinas at nagpaiwan si Kristine doon sa Japan dahil may gagawin pa daw sya doon at susunod na lamang "Bukas po siguro daddy "sagot ni Gia "Let's go baby, mamasyal muna tayo habang hindi pa busy ang daddy "sabi ko at hinawakan ko yung kamay ng anak ko at pumunta kami sa park Namasyal kami ni Gia sa park at lahat ng tinuturo nya binibili ko dahil magiging busy na ako bukas at baka hindi na kami makapagbounding ng anak ko, kaya sinusulit na ko na lang na mamasyal kaming dalawa ng anak ko .. "Daddy "tawag sa akin ni Gia "Yes baby " "Can i ask you "sabi ni Gia "What is it ? " "Kasi po daddy mahal na mahal po kita at salamat po dahil bumalik po kayo sa amin ni Mommy " "Hindi naman ako umalis baby, naging busy lang talaga ang daddy at isa pa babalik talaga ako sa inyo ng mommy mo dahil pamilya ko kayo "nakangiti kong sabi "Thank you po talaga daddy "sabi ni Gia at niyakap ako Ngumiti na lamang ako at inikot naming dalawa ng anak ko ang park na ito, pakiramdam ko talaga parang nagawa ko na dati toh kaya hindi na ako masyadong naiilang ng malaman ko na may anak kami ni Kristine. Kaya siguro ang bilis kong matuto kung papaano mag-alaga ng anak.. "Dadalasan ko ang pamamasyal natin anak "
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD