BEA POV
"KAHIT, anong gawin mo Bea hindi mo sila mapaghihiwalay kaya magmove - on kana ikaw lang rin ang masasaktan "sabi ni Kyla
Tinignan ko ito ng masama dahil sa sinabi nya "Kung sinusupportahan mo ako diba ? "Tinarayan ko pa ito
"Support naman kasi ako sayo Cous, kaya lang yung mga ginagawa mo wala namang nanyayari "
"Nakakainis ! Bakit ba kasi ang hirap nilang paghiwalayin ?! "Inis na sabi ko
"See ? Ikaw na rin ang nagsabi na ang hirap nilang paghiwalayin, kaya sumuko kana "sabi ni Kyla
"Isa pang sabi mo ng ganyan kyla at hindi ako magdadalawang isip na iputok ko sa ulo mo itong baril "banta na sabi ko sa kanya at tinutukan ko sya ng baril, imbes na nag-iisip rin sya ng paraan kung papaano paghiwalayin yung dalawa. Hindi dinadown nya ako
"Chill ka lang cous, may naisip na nga ako kung papaano mo sila paghihiwalayin "sabi ni Kyla
Binaba ko yung baril at nilagay sa gilid ko "What ? "
"Kung yung pang-aakit mo sa kanya hindi umepekto, siguro naman i-epekto yung gayuma sa kanya "nakangiti nyang sabi sa akin
Bakit hindi ko agad naisip yun, marami na akong narinig na mabisa ang gayuma sa taong mahal mo para mahalin ka rin
"May kakilala ka ba na gumagawa ng gayuma ? "Tanong ko
"Yes, si Aling Susan gumagawa sya ng gayuma, madaming bumibili sa kanya ng gayuma kasi mabisa talaga "sabi ni Kyla
"At saan sya nakatira at ng mapuntahan ko na ngayon "sabi ko
"Sa St. Rosario bario mag-ingat ka lang kasi madaming magnanakaw doon "sabi ni Kyla
"Do i look i care "sabi ko at kinuha ko na yung bag ko at baril ko
Umalis na ako sa bahay at pumunta sa St. Rosario Bario para makita si Aling Susan. Desperada na akong makuha si Gio hindi ko hahayaan na masayang ang paghihirap ko lahat ng tiniis ko para lang makuha ang gusto ko at wala akong paki kung maraming buhay ang madadamay basta makukuha ko lang Gio
"Exuseme, pwede bang magtanong "sabi ko doon sa bata
"Ano po yun ? "Tanong sa akin nong bata
"Alam mo ba kung saan yung bahay ni Aling Susan yung gumagawa ng gayuma ? "Tanong ko
"Doon po sa pang-apat na bahay nandoon po si Aling Susan "sagot ng bata at sabay takbo
Pinaandar ko na yung kotse ko at huminto ako sa pang-apat na bahay, lumabas ako ng kotse
"Tao po ! "Sigaw ko medyo malamok dito kaya nangangati ako nong bumaba ako ng kotse
"Ano ang kailangan mo ineng ? "Bungad na sabi ng isang matanda na mahaba ang buhok
"Are you Aling Susan ? "Tanong ko
"Oo ako nga. Anong kailangan mo sa akin ? "Tanong nya sa akin
"Pwede nyo ba akong papasukin muna, kinakagat na kasi yung makinis kong balat ng mga lamok "sabi ko
"Pumasok ka ineng "sabi ni Aling Susan at binuksan nya yung gate nya na puro kalawang na
"Gusto ko po na bumili ng mabisang gayuma kahit mahal yan, handa kong bilhin "sabi ko
"Alam mo ba na kapag ginayuma mo ang isang tao pwedeng bumalik sayo "sabi ni Aling Susan
"I don't care ! Just give me a gayuma that's it "sabi ko
"Okay, binalaan na kita "sabi nya at may kinuha sya sa cabinet
"Ilagay mo ito sa pagkain o inumin ng taong gagayumahin mo "sabi nya sa akin at binigay sa akin yung bote
"How much ? "Tanong ko
"200 "sagot ni Aling Susan
Kumuha naman ako ng pera at binigyan sya ng isang libo at umalis na ako doon masyado na akong pinapapak ng mga lamok doon
Kinuha ko yung bote na may laman ng gayuma napangisi na lamang ako dahil sa wakas magiging akin na si Gio sa wakas lahat ng paghihirap ko may pupuntahan na
"Hindi na ako makapaghintay na makuha ka Aking mahal "