KABANATA 3

2270 Words
I remember being deeply upset and stressed out because of mounting different bills during my college days. Gamit na kailangan bilhin, libro na dapat ay mayroon ka. Nararanasan ko na naman ata ngayon ang ma-stressed, and it's not a good start for this morning. Napakaaga kong dumating dito sa clinic, expecting na may patient na magpapakunsulta pero wala. Nagdududa na ako sa fengshui na inupahan namin ni Piyang. Na-scam ata kami. Uso pa naman iyon ngayon. Sa internet lang kasi namin nakita iyon, sa isang page ng social media sites. "Doc, good morning..." mahinang katok ang nagpalingon sa akin, naroon si Piyang nakasilip. Walang bakas ng pagkalango. "Napakaaga mo naman ata. Akala ko ba malalate ka." Sulyap ko sa kanya. Buo pa naman ang itsura niya at hindi paika-ikang naglakad pagpasok. Perhaps, her precious hymen was still intact to her v****a. "Hmp! Wala akong napala. Akala ko pa naman uuwi akong devirginized na, pero olats." "I see. May patient na ba?" Agap kong tanong sa kanya. Lumulukob ang anticipation sa boses ko. Dissapointment suddenly accross my face nang umiling siya. "Wala Doc, pero nandito ang Mayor ng lugar at gusto kang makausap." Dagli ang pagkunot ng noo ko. "Bakit raw?" Kibit balikat ang tanging sagot niya. Bakit naman biglang pupunta rito ang alkalde? Hindi kaya ay may alaga itong hayop at gustong mag inquire sa mga package na mayroon kami. Napangiti ako nang maisip iyon. Mabilis kong inayos ang sarili bago nilabas ang hindi inaasahang bisita. The Mayor and his bodyguard are settled in the recieving area. They are both sipping their tea's. "Magandang umaga, Mayor. Masarap ba ang tea?" I gave them a radiant smile. Namumukadkad ang sigla ng boses ko. Sabay silang tumayo. "Magandang umaga, Doc. Heina Mendez." Balik-bati ng ginoong alkalde. "Pagpasensyahan mo na kami kung napakaaga ay napasadya kami rito." "Ayos lang naman po iyon Mayor. Ano ho ba ang sadya ninyo?" Nagkatinginan sila ng kanyang bodyguard na parang kumukuha ng signal sa isat-isa. "Kung ganoon doktora, dederetsahin ka na namin. Pumunta ako rito upang sabihin sa iyo na ang kinatitirikan ng animal clinic niyo ay binigay ng mga Montevista sa local na probinsya ng Korodanal upang patayuan ng isang bahay ampunan. Sinabi nilang gastos nila ang pagpapatayo kung magigiba agad ang mga establisyemento dito sa kalupaan nila. Sa kasamaang palad, kasama ang clinic niyo sa ipagigiba.” “Nagpapatawa ba kayo, Mayor? Hindi lupa ng mga Montevista ang kinatitirikan ng clinic ko.” Bahagya pa akong natawa. “Ang tinutukoy mo bang may-ari ay si Mr. Toledo?” Tumango ako. “Siya nga po Mayor. Siya ang nakausap ko sa lahat ng proseso. Sa kanya ko inupahan ang lupa nitong clinic. In fact bayad na ako sa kanya ng advance payment para sa ilang taong renta. Nasa akin ang kopya ng kontrata.” Nakita ko ang pagbuntong hininga niya. “I'm sorry, Doktora pero kahapon lang binili ng mga Montevista ang lupa na ito. At tungkol naman kay Mr. Toledo, ipinangbayad niya ang pinagbilhan ng lupa sa mga taong pinagkakautangan niya sa sugal. He's no longer the owner of this land.” Napalis ang ngiti ko. Naguguluhan ko silang tiningnan. “Teka, nagkakalabuan naman tayo dito, Mayor, pakihintay lang ako sandali at i-co-confirm ko muna ito mismo kay Mr. Toledo.” Bagamat nakukumbinsi na ako sa pahayag ng Alkalde gusto ko pa rin makumpirma ang totoo kay Mr. Toledo. Baka naman kasi pina-prank lang ako ng mga taong ito. Mabilis ko silang iniwan at bumalik sa office upang i-dial ang numero ni Mr. Toledo. Sa kasamang palad ay answering machine lang ang naririnig ko sa kabilang linya. Hindi na ito macontact! Baka nga totoo! How about my business? Nagsisimula palang ito ngunit mukhang mawawala na sakin kaagad. Bumalik ako sa receiving area na laylay ang dalawang balikat. “Kung tama ho kayo ng sinasabi, wala na po bang chance manatili ang clinic ko dito? If they want, magbabayad ako ng upa. I'm willing to do it.” “I really don't know how to answer you. Inaanak ko si Dylux, kaya ako, hindi ko rin maintindihan ang gusto niyang mangyari. Hindi ko alam kung ano talaga ang gusto niya. Wala akong magagawa dahil bilang Mayo, ipinarating ko lang ang nais niya. Pagmamay-ari na niya ang lupa na ito. Siguro, kayo nalang ang magusap at baka sakaling magbago ang isip niya.” Suhestisyon niya. “Sinabi niyo ho bang si Dylux ang may kagagawan nito?” “Yes, Doktora.” Naikuyom ko ang kamao dahil parang gusto kong patamain iyon sa pagmumukha ng isang tao. “Saan ko makikita si Dylux?” “Sa Hacienda Montevista.” I didn't think twice at mabilis na tinungo ang exit ng clinic. Narinig ko pa ang pagtawag sa akin ni Piyang pero hindi ako papaawat. Gigil na pinaandar ko ang kotse sa kahabaan ng maalikabok na kalsada. Ito talaga ang gusto ng Dylux na iyon, ang gipitin ako dahil tinanggihan ko ang alok niya. Sino ba naman kasi ang sinto-sinto na papayag sa gusto niyang kabayaran? He's stupid! Bakit hindi nalang siya kumuha sa bahay aliwan ng babaeng pwedeng magbuntis para sa kanya? I'm sure naman marami diyan ang willing gawin iyon. Wala talagang magawang mabuti ang lalaki na iyon sa buhay ko kahit noon pa. Utusan pa rin ba ako sa tingin niya at ganoon nalang niya kung manipulahin. Pati ang pinaghirapan ko'ng negosyo, trip niyang sirain. Peste talaga! Sa takbong eighty kilometer per hour himala nalang talaga na ligtas ko'ng narating ang Hacienda Montevista. Malaki ang pinagbago ng lugar. Ipinarada ko sasakyan sa main gate. Naglakad ako palapit sa gwardiya. Inis ko'ng pinapadyak ang paa sa damong paragis na hindi pa nagagapas. “Nandiyan ba ang amo mo?” Bungad tanong ko sa harapan ng gwardiya. Mukhang pati ang mga tauhan ng Montevista ay napalitan na rin kasabay ng panahon. “Sinong amo?” Balik-tanong nito. Nasapo ko ang noo dahil sa mainit na sikat ng araw. Matutusta ang taong tatagal sa ganito kainit na lugar. “Si Dylux, pakisabi gusto ko siyang makausap.” “Pangalan?” “Heina, 'yan ang pangalan ko.” “Maghintay ka rito at ibabalita ko sa kanya ang pagdating mo.” Pumasok siya sa loob upang balitaan ang amo. Pinaypayan ko ang mukha gamit ang palad. Naniningkit ang mata ko sa alikabok na bitbit ng hangin. Hindi man lang ako pinapasok ng gwardiya para makasilong. Kainis. Maya-maya ay bumalik rin naman agad ang bantay. “Pumasok ka na. Deretsuhin mo lang ito at makikita mo ang shooting area. Naroon si Sir Dylux.” Imuwenestra nito ang daan. Tumanggo nalang ako kahit pamilyar naman talaga ako sa lugar. Kahit nakapikit, kaya ko'ng libutin ang loob no'n. “Sige, salamat.” Nilagpasan ko na siya at binaybay ang loob ng Hacienda. Hindi ko tuloy maiwasan ang manariwa sa nakaraan habang tinitingnan ang kapaligiran. Pinanatiling alaga ang kabuuan ng lugar. Hindi mababakasan ng pagpapabaya. Mula sa nilalakaran ko ay tanaw ang balwarte ng mga Montevista. I still see throwback style built in Neoclassical Architecture. Pantay ang tabas ng bermuda at kahit isang tuyong dahon na nalaglag mula sa matataas na plantasyon ng niyog ay wala kang makikita. Sandaling humupa ang inis na nararamdaman ko para kay Dylux. Ninamnam ko ang hatid ng magandang paligid. Na-miss ko ang lugar na ito noong nasa Maynila pa ako—Maingay at magulo. Sinabayan ko ang huni ng mga ibon na dumadapo sa nilalakaran ko. Nakatingin sila sakin na parang kilala nila ako. Na parang hinintay ng mga ibong ito ang pagbabalik ko rito. Ngunit nabulabog ang mga ibon nang magsimula ang sunod-sunod na putok ng baril. Nagsibalik silang lahat sa kanilang pugad. Kahit ako ay muntik ng mapatalon sa gulat. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa marating ko ang shooting area. Mausok at amoy ng bala ang nalanghap ko kaagad. Dumeretso ako ng tingin, naroon ang lalaking pakay ko. Hawak ni Dylux ang isang long rifle caliber. Nasa gilid niya ako kaya alam ko'ng hindi niya napansin ang pagdating ko. Bukod pa roon ay may suot itong malaking earphone sa tainga at transparent eye-glasses. Ang tingin niya ay seryosong nakatuon sa field target kung saan ay may malaking bilog na pinturang itim sa puno ng niyog. Iyon ang nagsisilbing target ng lalaki. Tatlong pulgada marahil ang layo. Itinimpi ko ang sarili at piniling huwag muna lumapit sa kanya. Hindi naman siguro masama ang manood. Sumandal ako sa punong kahoy at pinanood ang pag-aayos ni Dylux ng bala sa kanyang baril. Paglaon ay ipinwesto ang sarili para sa susunod na pagbaril. Looks like a real sharpshooter. Itinaas ang isang kamay at itinutok sa harapan ng mata. The angle between his arm and his torso can provide a rough biceps. I admit, mas lalo talagang gumwapo ang lalaking ito. His eyes were deep and expressive where you could get lost if you stared long enough. He was not extremely muscular. At iyon naman ang gusto ko sa lalaki. Sapat ng may muscle at laman. Kupas na maong at fitted sando lamang ang suot niya. Madalas ganito ang suot ng mga kargador kapag anihan na ng niyog. Natural na maputing balat ni Dylux tulad ng sa singkamas. Naarawan pero hindi umiitim. Gano'n ka-unfair ang earth. Lumalim ang pagbibigay descriptions ko kay Dylux kaya hindi ko na napaghandaan ang pagkalabit niya sa gatilyo. Napatili ako sa tunog ng baril. Damn! Feeling ko ako ang binaril nang bumaling sakin si Dylux pagkatapos niyang patamaan ang target. Inilapag niya ang baril sa katapat na lamesa at sinimulang hubarin ang nakasalpak sa tainga. Tumikhim ako at lakas loob na lumapit sa kanya. “Mukha atang may naligaw na pusa sa hacienda.” His smirk which reached up to his eyes and wrinkled them. “Kumusta ka na, Doc? Ganyan mo ba kamahal ang trabaho mo at pati dito, suot-suot mo parin ang uniporme mo?” Napatingin ako sa suot ko at lihim na napangiwi. Hindi ko pala nahubad ito bago umalis ng clinic. Panibagong tikhim muli sakin, kunwari 'di affected. “Tingin mo ba okay ako pagkatapos mo'ng papuntahin ang Alkalde sa clinic ko?” “So, nakarating na pala sayo ang balita. What can you say about that?” Umawang ng konte ang bibig ko. I just can't believe it, may gana pa siyang itanong iyon sakin. “Wala na ba talagang laman 'yang maliit mo'ng utak kundi ang manggipit ng tao? Kahit ano pa ang gawin mo, hinding hindi mo ako mapapasunod sa gusto mo.” Iling ko. “Tapang ah,” kinuha niya ang baril at muling nilagyan ng bala. “But I can't accept your answer. Kung ayaw mo, why did you go here? Just so you know, bukas na bukas, ipagigiba ko na ang kinatitirikan ng clinic mo. Gusto mo 'yon? Kasi ako, gusto ko 'yon.” Ngiting demonyo niya sakin. Naalarma ako sa sinabi niya. Aba'y depungal talaga! Seseryosohin niya talaga ang banta. Naasiwa akong ngumiti. “H-hindi ba pwedeng sa ibang paraan nalang ako magbayad? Magaling akong masahista. Kaya ko'ng pawiin ang pagod mo. O 'di naman kaya, personal chef, magaling akong magluto ng pasta. Kahit anong klaseng pasta kaya ko. Ano deal?” Napailing ito ng may nakakalokong ngiti. Parang bigla ay gusto ko iyong lamukusin ng graba. Mukha bang nakakatawa ang offer ko? “I have my own massage therapist and personal cook. Pero pwede naman kitang pagbigyan sa gusto mo. Baka kasi sabihin mo, masama akong tao. Hold this.” Nabigla ako nang ibato niya sa akin ang baril mabuti at maagap ko'ng nasalo. “A-ano 'to?” “Hulaan mo,” “Malamang baril. Ano ba sa palagay mo? Tanga ako at hindi ko alam 'to.” Iputok ko kaya sa bungo niya 'tong baril. “Did I say something like that? Pwede ba, tone down your voice. We're not in the war. Nandito ka dahil may kailangan ka sakin, right?” aniya. “Oo nga pero ano ba ang kinalaman ng baril?” “Nakikita mo 'yon?” turo niya sa field target kung saan, kanina lang ang pinauulanan niya ng bala. “Kapag dumaplis man lang sa kahit saang parte ng puno na 'yan ang bala na nanggaling sa pagbaril mo, mananatili ang clinic mo sa kinatitirikan nito. Pero kung hindi, wala ka ng pagpipilian kundi ang sumang-ayon sa mga gusto ko.” “Nasisiraan ka na talaga,” natatawa ko'ng sambit. “You have ten seconds to start. Nine. . .” nagsimula na siyang nagbilang na ikinataranta ko. “Shoot it, Heina! Eight!” sigaw niya, bahagyang umatras upang bigyan ako ng espasyo. “s**t ka, Dylux! Hindi ko alam kung paano bumaril! You're being unfair!” Histerikal ko. Napakadaya niyang maglaro! Kahit man lang sana turuan niya akong humawak ng tama sa baril. “Seven!” Hindi siya nakikinig sakin. Mukhang nag-e-enjoy siyang panoorin akong tila hindi alam ang gagawin. Bumilis ang bilang niya hanggang sa naging limang segundo nalang. “Can you please stop counting!” Nagsimulang manginig ang tuhod ko. “Four! Come on, you have three seconds left! No more chances, Heina!” Sinamaan ko siya ng tingin ngunit ngisi lamang ang sinukli. Okay, I'm gonna do this for real. Hinahamon talaga ako ng lalaking ito. Huminga ako ng malalim at sinulyapan ang target. Tinitigan ko ang baril sa kamay ko. Ipuputok lang naman 'di ba? Kakalabitin ko lang itong gatilyo tapos ay i-sesentro sa target. Kinopya ko ang porma niya kanina at itinapat ang baril kamay kapantay ng aking mukha. I can do this. “Two!” Pakiramdam ko dumadalawa iyong puno. Nanginginig ang daliri ko na naka-pwesto sa gatilyo. “One!” Kasabay ng huling bilang ni Dylux ay siyang pagkalabit ko sa gatilyo. Napapikit ako. Naglikha iyon ng ingay. Nawalan ata ako ng tainga sa lakas ng impact. Iminulat ko ang mga mata para malaman ang resulta ng ginawa ko'ng pagbaril. “Natamaan ko ba iyong target?” “Congrats, you hit the bullseye.” Komento ni Dylux na ngayo'y napakalapit sa akin. “Really? Natamaan ko! Ang galing ko!” tili ko sa tuwa. “Bullseye sa hangin at hindi sa target,” dugtong niya at saka nagpakawala ng malakas na tawa bago naging seryoso ang malalim niyang mga mata sakin. “Welcome to my life, Doc. Heina Mendez.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD