NAKASANAYAN ko na tuwing umaga ang tumakbo sa kabuuan ng hacienda at abangan ang paggising ng araw. Nakakalma ako sa tuwing ginagawa ko ito. The best theraphy for me is to wake up early and feel the fresh air of nature. Sumandal ako sa puno ng niyog at nagpahinga saglit. Tanaw tanaw ko ang unti-unting pagsikat ng araw. Nakarinig naman ako ng pangangabayo at papalapit iyon sakin. Malayo pa lang ay kilala ko na ang sakay niyon. Si Osman iyon na kaagad pinahinto ang kabayo nang marating ang pwesto ko. “Magandang umaga sayo, Heina.” Pagbati niya. “Magandang umaga rin, Osman,” kaway ko sa kanya. Kumpleto ang outfit nito sa pangangabayo. Hindi nalalayo ang built ng pangangatawan ng tatlong magpipinsan. Osman is a type of boy next door na may bahid pagkapilyo. Ito ang nababasa ko sa pagkatao

