“ARAY! Dahan-dahan naman, ano ba!” angil ko, hinampas ko nang marahan ang aking kama habang napapakagat sa labi. Nasasaktan na kasi ako sa ginagawa sakin ngayon ni Dylux. Nagaganap lang naman ang kakaibang sesyon namin dito sa apartment ko. Obviously, he's the one who is in control right now.
“What I'm gonna do? You're a doctor, right? Alam mo dapat na hindi mawawala agad ang sakit. Don't worry, I'll take it slow until the pain subside.” Dylux reason out while smoothly massaging my back. Nakatalikod ako sa kanya habang siya naman ay nasa likuran ko. Nasasaktan man pero nakakadama naman ako ng kiliti sa masahe niya. He really knows how to handle the pain. “Didiinan ko pa ba?” aniya.
“O-Oo, diinan mo. Kakayanin ko naman siguro ang sakit,” sabi ko pa. Umungol ako nang pwersahin niya ang diin. Sakop na sakop ng magaspang niyang dalawang kamay ang balakang ko. Ramdam na ramdam ko ang laki at katigasan niyon sa sariling balat. “Oh, yes! Right there! Damn, it feels good,” nakagat ko ang ibabang labi nang marinig ang pag-lagatik ng buto sa aking balakang.
Abot ko na sana ang rurok ngunit parang nabitin na batang napalabi ako nang biglang lumayo si Dylux sa likuran ko at padabog na sinipa ang upuan sa may tabi. “Holy Gracious, Heina! Can you please stop f*****g moaning? You are ruining my concentration!” he hissed abruptly.
Anong problema nito at nagagalit na lang bigla? Ibinaba ko ang damit ko na sadyang tinupi ko hangang ilalim ng dibdib. “At bakit mo ako pipigilan? Eh, sa masarap ang ginagawa mo. Dapat nga matuwa ka,” kompliment ko pa sa kanya. Mapipigilan ko ba 'yon? First time ko lang maranasan ang gawin sakin iyon kaya sino siya para magreklamo? It's not even written in the bible that moaning is not allowed.
“Keep this golden rule in your mind, bawal umungol, hangga't hindi ko sinasabi. Sa kama ka lang may karapatang umungol. Sa kama ka lang may karapatang masarapan. Sa kama ko lang... at higit sa lahat, sa akin ka lang dapat masarapan.”
Napalatak ako. “May sarili akong kama, hindi ko kailangan ng kama ng iba. At bakit naman ako masasarapan sayo? Ulam ka ba?” pilosopo ko.
“Higit pa ako sa panggabing putahe,” bwelta naman niya na nakuha pang tapikin ang dibdib. Mala-tarzan ang dating. Kulang na lang ay ang signature nitong hiyaw.
Gusto kong matawa. Dalhin ko kaya 'to sa albularyo, hindi ata ito nakatikim ng patawas kaya ganito ka-hangin. "Kung magiging putahe ka man din, ikaw ang putaheng never ko'ng titikman. You know why? Cause, you might have a poison that will kill me in the end,” sagot ko sa kanya at inabala ang paghilot sa aking likuran.
Hindi ko maikakailang, dumating ako sa ganitong edad na naitanim sa isipan na ang mga lalaki ay may dalang lason sa kababaihan. Kakaibang lason na may bitbit na kasiyahan sa umpisa ngunit sa huli kamatayan ang hihinging kapalit. Ilang taon ako sa kolehiyong kinaiilagan ng mga kalalakihan. Nagkaroon naman ako mg crush at alam kong ganoon din naman ito. Muntikan ng maging mutual ang pareho naming pagkakaintindihan subalit dumating ang araw na bigla na lamang akong iniwasan ng lalaking iyon. I did not received any explanation from him but confusion. Kaya naman itinatak ko na sa isipan ang paniniwalang, ganoon ang mga lalaki.
Umiling ito na parang nahihirapan sa sitwasyon niya. “Inalalagay mo ang sarili mo sa mapanganib na lason,” metapormiyang wika niya, taimtim ang panonood niya sakin.
“Ikaw talaga ang panganib! Sukat ba namang ilaglag mo ako sa sahig habang buhat buhat mo! Sinong hindi mapipilayan ng balakang sa ginawa mo?” reklamo ko ulit. Hanggang ngayon nga, damang dama ko parin ang sakit ng puwitan ko at katawan. Hindi ko naman kasi maintindihan sa taong ito, kalalaking tao takot pala sa ipis. Resulta, hinihilot niya tuloy ngayon ang napilay na parte sa likuran ko pagkat hindi ako makatuwid nang tayo sa sobrang sakit nito.
Aburido ako'ng nagtungo sa ref at kinuha ang ice pack roon. Baka sakaling mawala ang pamamaga. Dedma naman ako kay Dylux na problemadong lumapit sa kinaroroonan ko. Mukhang nabitin ang siste ng loko. Inirapan ko siya bago pumirmi sa malambot kong sofa. Pinasadahan ko ang aking baywang nang malamig na compress. Bahagyang nakaangat ang shirt ko upang hindi ito mabasa. Nakailang pahid ako nang mapansin na nakatayo lang si Dylux sa harapan ko at matamang nakatingin sa ginagawa ko. He even bit his luscious lips. Tila isa akong napakalaking temptasyon sa kanya na pilit pinaglalabanan.
Maya-maya ay inagaw niya ang cold compress sa kamay ko at siya ang trumabaho sa pagpasada nito. Napag-igtad ako sa ginawa niya. “Tomorrow, my men will come to your clinic,” panimula nito. “Magsisimula na silang gibain ang mga establishment sa lupaing iyon,” bigay imporma niya. Detalyeng may langib na babala. “Nasa iyo ang kapalaran ng negosyo mo at ng iba pang negosyante sa lupaing iyon. What's your decision, now?”
Hindi ako umimik at pinakiramdaman lamang ang kamay nitong nag-uumpisang maglakbay malapit sa aking dibdib. Any moment ay baka bumiglang liko iyon. Bago pa umiinit ang aking kaibuturan ay tinampal ko ang kamay nito at sinamaan nang tingin, senyales ng isang warning. Nakuha naman ito sa tingin at nagkusang tanggalin ang kamay.
“May karapatan ba akong umayaw?” sarcastic kong sabi.
“Actually, you don't have a choice but to say yes. Then your clinic is safe,” namutawi sa bibig niya ang isang kundisyon. “Yes or yes?”
Sa halip na sumagot ay umirap lamang ako. He really like this, ang bigyan ako nang pagpipilian kahit wala namang kapili-pili roon. Siya pa rin naman ang mananalo sa lahat ng ginagawa niya.
“Answer me, lady,” itinaas niya ang ilalim ng baba ko kaya nagtagpo ang mga tingin namin.
Tumikhim ako at iwinaksi ang daliri niya sa baba ko. “Hindi ko gustong pag-usapan 'yan ngayon. Magulo ang isip ko at masakit naman ang katawan ko. Pwede ba, spare me with your questions.”
Tinatantiya nang tingin niya ang pag-iwas ko sa usapan. “Alam mo, para ka'ng teenager na nagpapakipot,” iling niya.
Nanlaki ang mata ko. “Ako? Pakipot? Duh! Hindi ka naman nanliligaw para magpakipot ako. Namemeste ka kamo ng buhay.” Bratenelang bara ko sa kanya.
“You're such a lovesick girl. Iyon lamang ba?” palatak nito. “I can be your suitor if you want. Kung 'yan ang paraan para pumayag ka sa alok ko, araw-araw akong pupunta rito,” he said. Hindi ko alam kung nakangisi ba siya dahil ang mata niya ay puno ng amusement habang nakatuon sa akin.
“B-bakit ka naman pupunta dito araw-araw?” kunwa'y maang ko'ng tanong.
“Para mairampa sayo ang gwapo kong mukha.” Hindi matigil na pagtatapon ng banat nito. “Alam mo kasi, endangered species na ang mga ganitong tipo ng mukha. Kahit sa Maynila, wala kang makikitang ganito ka-natural at walang halong surgical.”
Umakto akong nilalamig. Kasing kapal ng ngisi nito maginaw na hamog sa umaga. “Ayos na sana, kaso biglang lumamig yata ang paligid. Naka-off ba ang aircon? Teka nga at papatayin ko, ” patay malisya ko sa kahanginan niya at akmang aahon na sa kinauupuan ngunit maagap niyang hinila ang braso ko dahilan upang ako'y mapaupo sa kanyang kanlungan.
Natilihan naman ako nang maramdaman ang matigas na bagay sa aking pwetan. Akala ko ba ay impotent ang taong ito? Bakit ang bilis naman mag-react ng sandata nito? Di ata at uminit ang aking pakiramdam at naging pagal ang bawat paghinga ko. Salungat sa lamig ng pawis nito ang mainit na temperaturang dumadaloy sa kalamanan ko.
I tried to release myself from him pero kontra ang matitigas nitong braso. Bumabalik lamang ako sa aking kasalukuyang pwesto. Katamtamang liwanag lang ang nagmumula sa bombilya pero kitang-kita ko ang ningning at pagnanasa sa mga mata niya. Pilit pinupuksa ang apoy na nagbabadyang tumupok sa pising pinanghahawakan.
Napaatras ang mukha ko nang unti-unti ay bumababa ang mukha niya sa akin. Tanging hangin na lang ang nakapagitan. Natangay ang espirito ng aking kalandian at kusang napapikit , hinihintay ang paglapat ng labi nito sa naghihintay kong nguso.
But to my dismayed, tumayo ito sanhi upang sa pangalawang pagkakataon ay ikahulog ko kay Mareng Flor. Napahiyaw na lang talaga ako sa sakit. Binato ko siya nang unang bagay na nakita ko sa kanyang paanan.
“Bakit mo na naman ako nilaglag?”
“Para patayin ang libido na nabubuhay sa p*********i ko,” prangka niyang saad. Napamaang ako.
“Bastos!” tanging nasabi ko na lang.
“Pasalamat ka at maginoo akong tunay. Hindi ako namimilit ng babae kapag ayaw. But I also have my limitation, Heina. Hindi mo gugustuhing marating ang linyang iyon. Ang kagwapuhan ko, napakarami pa. Pero ang pagtitiis ko, malapit nang masagad,” he said, holding his breath. Tila hinahabol rin ang hininga nito. “Tomorrow, tingnan natin kung mapaninindigan mo ang pagiging matigas,”
Pinanlamigan ako sa lamig nang tingin niya sa akin. At napakurap nang tuluyan itong tumalikod palabas ng pinto. Mga yabag nitong papalayo ang nakapagpakalma sa puso kong umaatikabo sa pagtibok.