“ANONG tinatanaw mo diyan sa labas. Halika na dito at tapos ko ng lutuin lahat ng handa.” untag sakin ni Piyang mula sa kusina. Siya ang nag-presinta sa pagluluto ng handa kaya kampante akong masarap ang lulutuin niya. Nakatanaw lang ako sa bintana. Nanonood ng ibat-ibang fireworks. Sumapit na kasi ang twelve midnight. It's already new year. Ang bagong taon na malungkot ako. Ang bagong taon na walang kasigla - sigla ang puso ko. Paano naman kasi, isang linggo ng walang paramdam si Dylux. Hindi rin ito umuuwi sa mansiyon. Kaya naman naisip ko'ng dito magcelebrate sa apartment ni Piyang. Kasama namin si Erin dahil wala naman itong pamilya na maaaring makasama. Actually, hindi lang talaga mga pailaw at paputok ang pinagmamasdan ko, inaabangan ko rin kung darating ang kotse ni Dylux. Na

