“PANIRA naman ng porma itong suot na maskara sa mukha natin. Nag-make up nga ako ng bongga para kapag nakita ako ng crush since freshman ko ay magandahan siya sakin. Pero ngayon, sawing sawi ang beauty ko. Di mapigil na markulyo ni Piyang sa theme ng party. Late na naming nalaman na, mascarade party pala ang tema ng event. Kaya ganito na lang ang ngitngit ni Piyang sa tabi ko. Plus, hindi lang simpleng event kundi may pa-auction pang magaganap. Hanggang do'n lang ang detalye na nasagap ko at walang nakalagay kung ano ang ipapang-auction ng organizer ng event. Disappointed talaga ako sa pagpunta. Ginagawang bread and butter pati ang simpleng event kung saan kasiyahan lang naman dapat sana in the first place. “For me, okay na rin sakin ang nakatakip ang mukha natin. Para na rin hindi ak

