Eros POV "Eros ano ba? Sumagot ka! Mahal mo pa ba ako?" Umiiyak na sigaw ni Shane. Iyak lang ng iyak si Shane pagkatapos kong sabihin sa kanya na mahal ko na si Cyril... "Alam ko naman... Hindi ako importante sayo pero... Ano bang wala sakin na meron si Cy?" Umiiyak niyang tanong sakin. "Sorry Shane.... Hindi ko alam eh. Mahal ko si Cy... Naramdaman ko sa kanya yung bagay na hindi ko pa nararamdaman kahit kanino." Seryoso kong sagot sa kanya. "Ginawa mo lang akong tanga... Pero ayos lang kasi ginusto ko naman." Umiiyak niyang sabi. Naaawa ako kay Shane dahil may pinagsamahan din kami pero ito ang totoo... Mahal ko si Cyril at hindi ko kayang lokohin ang sarili ko... "Patawarin mo ako Shane..." Sabi ko sa kanya. Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin ng mahigpit at... "Si Cyril an

