Cyril POV Nang idilat ko ang mga mata ko ay napatitig kaagad ako sa singsing na nakasuot sa daliri ko. Engaged na pala ako hahahah. Napangiti na lang ako dahil sa tuwa. Bumangon na ako sa kama at naligo na ako kaagad. Napatingin ako sa may study table at may note pala na iniwan si Eros sa akin. ........... Good morning babydoll! May pupuntahan lang ako saglit. Baka mamiss mo ako kaagad :) ........... Bumaba ako sa mansion at nakita ko naman si papa. "Good morning papa! Nasaan po si Eros?" "Good morning din anak. Napansin ko na umalis siya kanina, ang aga nga eh." Sabi ni papa. Saan naman kaya pupunta 'yun? Tinignan ko ang phone ko at wala ring text si Eros. Bakit kaya hindi niya sinabi sa akin kung saan siya pupunta? Kumain na lang ako at nag-iisip ako habang tinutusok ng tinido

