CHAPTER 5

4013 Words
RUSSEL'S POV Wala sa sariling napapahakbang ang paa ko para lumabas sa pagkakatakip ng dahon na yun. Hindi ako nakukuntentong sumilip lang at gusto ko ay lantaran. Sobrang Ganda. Walang katumbas! Sobrang Magical ang dating. Taliwas sa sinasabi nilang madilim at namamatay. Nakakailang hakbang na ako at hindi ko namamalayang nakakarami na ako ng hakbang kaya biglang dumulas ang paa ko. Namalayan ko nalang na nahuhulog na ako at parang bumabagal ang pagbagsak ng katawan ko. Sa sobrang lakas ng sigaw ko ay hindi ko marinig kung tinatawag ba ako ng mga kasama ko. Nakita ko lang na pababa na silang tatlo at sinundan ako. Sakay na sila ulit ng Carpet. I stretched my arms at humihingi ng tulong. Alam kong mamamatay ako kapag bumagsak ako sa tubig na to! Napalingon ako sa ibaba at palapit ng palapit ako sa kamatayan ko kaya napapikit nalang ako! Habang sinisigaw ng bibig at puso ko ang Pangalan ni Shiori! "F*ck!" usal ko ng biglang bumagsak ang katawan ko sa isang malambot na Bagay. Mediyo kumirot ang Likod ko kaya napaliyad ako at maka-ilang ulit na napamura. Mamamatay ako dito! Bwisit! "Hahahaha! Muntik ka na dun Mr. Russel ahh." sabi ng pamilyar na boses kaya napabalikwas ako ng bangon. "East?" turo ko dun sa Blue ang buhok. Tumango siya at tumatawa padin. "West?" turo ko dun sa Green ang buhok. Simpleng tango lang ang ginawa niya. Hindi man lang ngumiti at hindi din tumatawa. "Kayo ang nagligtas sakin?" "Uhm." sabay tango ni West. "Thanks." sabi ko. Lumilipad na naman pala kami. Ang galing talaga ng mga tagadito. Ano? Tamad maglakad? Aba! Sarap ng buhay dito ahh. "Uso talaga Magic Caret dito ano?" sabi ko pa. "Yup. Pero wala ka sa Magic Carpet ngayon." tinignan ko si East ng "what" look. Saka ko tinignan ang kinauupuan ko. malamig. Mediyo madulas at ang smooth. Kulay asul. "At hindi ka lumilipad. Sadyang malaki lang Talaga siya at napakataas natin. Hahahaha! Parang yung amo niya, Napakalaki ng ulo at napakataas ng tingin sa sarili. Joke lang!" masayang sabi ni East. "Shut up." sagot ni west. Pero hindi ko na sila pinansin pa. Nang-marealize ko kung nasaan ako. Nakatayo ako sa ulo ng Isang malaking Water Snake. Sa Itsura niya ay hindi ko malaman kung Water Snake ba o Water Dragon. Basta. Yun ang nakikita ko sa pelikula ni Jet Li at sa Holywood. Nakikita ko pa yung mala 'S' nitong porma ng katawan at nakalubong sa tubig habang umaabante. Sa magkabilang gilid ko ay ang napakalalaki nitong tenga. Nataranta ako at napa-atras ng napa-atras. Malay ko ba kung lalapain ako nito. "Oh dahan-dahan sa pag-atras! Baka--" hindi ko na narinig ang sumunod na sinasabi ni East at nahulog ako pababa. Mataas nga kaya hindi agad ako nahulog ng tuluyan sa tubig. May sumalo ulit sa akin at doon ko narinig ang napaka-lakas na huni ng isang agila! Pagdilat ko ay nasa himpapawid na kami at sobrang taas na ng lipad. Naghanap ako ng makakapitan kaya napahawak ako sa mga balahibo ng napakalaking agilang to. Umikot ikot ito sa ere kaya napahigpit ang hawak ko sa balahibo nito. "Weeeeeeee!!!!! Ang galing mo na talaga!" napatingin ako sa nagsalita. Si North habang hinihimas ang ulo ng agila. Nakasampa siya sa leeg nito malapit mismo sa may ulo. Ako naman ay mediyo malayo sa kanya. Tinignan ko ang pwesto ko. Nasa likod ako ng agila. Sa magkabila ko ay ang malakas na pagaspas ng pak-pak nito. Nilingon ang likuran ko. Bahagyang nagulat ako ng makita ko Doon yung Babaeng mukhang masungit. Yung South ang pangalan. Naka indian seat at naka-cross arms. Tahimik na nakapikit. "Hey Sir!" naibalik ko ang tingin kay North. Nag-thumbs up siya at parang nagtatanong kung okay lang ako. Alanganing napatango lang ako at napahiga. This is amazingly unbelievable! "Bilisan niyo!" sigaw ni alexis mula sa likuran. Dumapa ako at sumilip sa ibaba. Mabilis din ang andar nung sinasakyan ni East at West. Pero nasa baba sila. Nakasunod sa amin sina Alexis, Norin at Drew. Maya-maya pa ay dumapo ang agila sa harap ng isang patag na lugar. May isang gusali doon na hindi kalakihan. Bumaba ako ng bumaba na si South at North. Sunod ay ang paglapag ng Carpet at bumaba mula dun yung tatlo. Tapos biglang nawala yung Carpet. Huling dumating si East at West. "Good girl." sabi ni West dun sa Dragon ba o ahas!? Ah ewan! Basta hinaplos haplos niya ang ulo nito at saka umungol. "Go now. I'll see you again." pagkasabi niya nun ay nagbow ito at saka umikot patalikod. Sinundan ko ito ng tingin ng mabilis itong tumalong sa tubig na parang nagpapakitang gilas. Tumalon ulit ng sobrang taas kaya lumantad ang napakahabang at malaki nitong katawan na kumikinag na parang diyamante. Pagkatapos ay lumubog sa tubig ang ulo nito kasunod ang katawan at di ko na nakita pang muli. "North, tara na." napalingon ako ng magsalita si South. "Sandali." sabi ni North at saka may dinukot sa bulsa niya. Isang kulay dilaw na bagay. "Here baby. For doing good." kinuha nung eagle ang dilaw na bagay sa kamay niya. Pagkain yata. Tapos hinawakan niya ang ulo nito ng yumuko ito. "See you next time. Behave ka hmm?" lumipad na ito pataas pagkatapos niyang sabihin iyon. Umikot pa ng isang ikot sa ere bago tuluyang inabot ang mga ulap. "Let's Go." "How's the Experience." tanong ni South habang nauuna sa paglalakad palapit sa gusaling nasa harap namin. Batid kong kami ni Drew ang tinatanong niya. "Ayos lang. Kahanga-hanga." sagot ni Drew. "Yeah. It was fun and exciting." dugtong ko. "Himala. You agreed to what he said." singit ni Norin. "Exciting naman talaga. At bago samin to." singit ka ng singit! Ngumisi lang si Norin ng sabihin ko yun. "Bago sa inyo.really?" tanong ni West? .akahulugan siyang tumingin sa amin. Weird! Weird ng mga taga dito! Nanahimik nalang ako at ganun din si Drew. Hanggang sa makarating kami sa harap ng isang Two door mini Castle. Mukhang castle kasi ang design nito. Puting puti ang kulay at may mga lining na gold ang mga naka-ukit. Sa magkabilang gilid ay may dalawang gold na estatwa ng Agila. Tumayo sa magkabilang gilid namin ni Drew si alexis at Norin. Sa liko ay Si East at North. Sa unahan naman ay si West at South. Gumalaw ang estatwa at bumuka ang pakpak nito. Na-usog ako papunta kay Drew at ganun din siya, halatang nagulat. "Don't worry. It won't bite. Diyan lang din sila sa Pwesto nila." nakangiting sabi ni North. I cleared my throat at saka umayos ng tayo. Bumukas ang pinto at bumungad sa amin ang napadilim na loob nito. Naglakas si South at West papunta sa gilid. Sumunod lang kami at pumunta sa Gilid. May maliit na bintana doon at kumatok doon si West. Bumukas yun at may sumilip na isang nilalang. Mediyo matanda ang itsura. Patulis ang kanyang mga tainga. Makapal ang puting puting buhok at balbas. Mini Version ni Santa claus! "Pfft!! HAHAHAHAHA" napalingon ako kay Norin ng tumawa siya. Sige lang! Basahin mo ang mga iniisip ko. Bwisit na to. "Ba't tumatawa ka?" tanong ni alexis sa kanya. "Mini Santa Claus!? Pft! Hahahaha! Sino yun?" "Tumatawa ka hindi mo naman pala alam." pambabara sa kanya ni Drew. Natahimik siya. Hahahaha buti nga sayo! Tsismosang to! "The two of you. Come here." tawag samin ni South. Lumapit din naman kami agad ni drew. Lumapit kami dun sa maliit na bintana. Nasilip ko ng maayos ang itsura nung munting nilalang. Maliit lang siya. Parang isang ruler lng ang taas. Puting puti ang suot niya at may belt na brown sa waist. May binoculars na suot at napakabagal kumilos. San Pedro ang dating? "Who's San pedro?"-- Norin "Tsismosa tong isang to." bulong ni Drew. "Sinabi mo pa." sabi ko. Natawa kami pareho. "Sign here Gentlemen." sabi nung nilalang na nasa hara namin. Napakalalim ng boses niya. Halatang matanda na pero masarap sa pandinig. May inilabas siyang Malaking Libro. Na may mga pangalan. Kakaiba ang mga pangalan dito ahh. Anong lahi ba meron ang mga tagadito? May dalawang bakanteng linya at nandoon ng pangalan namin ni Gibson. Nagkatinginan kami. Paanong may pangalan na kami dito? Napatingin kami doon sa lalagyan ng pirma. Kaming dalawa lang ang walang Pirma, "Pumirma na kayo nang makarating na tayo sa Academy. Magagabi na." sabi ni West. Sumunod nalang kami. Unang pumirma si Drew. Binigyan siya ng isang pulang Balahibo ng ibon nung matanda. Tinignan muna yun ni Drew at saka tinignan ako ng may pagtatanong. "Malay ko diyan. Gamitin mo na lang." sabi ko. Sumunod lang siya at saka Pumirma. Iniabot naman niya sa'kin yung balahibo at ako naman ang lumapit sa desk. Tinaktak ko muna yung balahibo. Malay ko ba kung may tinta. Saka ko isinulat. Pati ba naman ink Ginto!? Matapos kong pirmahan ay kinuha agad at isinara ang bintana nung maliit na nilalang. Pagkatapos ay sumara na ang pintong pinasukan namin kanina. Naging madilim ang paligid at saka biglang sumabog ang liwanag. Napatakip kami ni Drew ng Mata dahil nakakasilaw. Nang humupa ay inalis ko din ang braso kong itinakip ko sa mga mata ko. "The Academy!" -- North. "Ang ganda." komento ni drew. Maganda nga talaga. May malaking itim na Gate sa Harapan namin. Ang mga sulok at rehas ay ginagapangan ng ginto. Mataas ito at napakatulis ng dulo. Sa likod ng mga rehas na yun ay may isang napaka taas na Gusaling kulay krema. Mahaba ang lalakarinpara makarating doon. Ang gilid ay puno ng halamang sumasayaw sa indak ng musikang gawa ng hangin. Sa likod ng halaman ay matatayog ng pader. Narinig ko ang pito ni South gamit ang kamay at ang pagtawag ni East gamit ang isang piranong dahon. Maya maya pa ay nakarinig ulit ako ng isang malakas na huni ng agila at isang malakas na ungol ng Hayop. Napa-atras ako. ‎"What is that?" tanong ko habang nakaturo dun sa malaking hayop na nanggaling sa kung saan. Nakalabas ang malalaking ngipin at ang matalas na paningin. Dahan dahan na humahakbang papunta sa amin. "Earth Fox." sabi ni East. nalunok ako. Ang laki nito. Ano kayang size ng daga dito? "Nice to see you again little one." anong little!? Damulag na yan huy! Weirdo! Bwisit! Ano ba tong pinasok namin Ni Drew!? Makakalabas ba kami ng buhay dito? "Don't worry. Hindi kayo mamamatay dito." sabi ni Norin sabay Tapik sa balikat namin ni Drew. Kinunutan ko siya ng noo at inalis ang kamay niya sa balikat ko. FC? "Anong FC?" ayan sige! Basa pa ng isip ko! "Feeling Close." sabi ni drew. Ngumuso naman si Norin. Hindi bagay sayo mag-pout. Mukha kang pato. "Anong sabi mo!?" sabi niya at susugod sana sakin. Hinarang siya ni Alexis kaya napangisi ako. Pato! "Sumakay na lang kayo." napatingin ako kay South na itinuro ang 'earth fox' kuno. "I don't want to." matigas kong sabi. "Wala bang iba?" tanong ni Drew. "Meron naman." tapos sumenyas si south na tumingin sa taas. Naningkit ang mga mata ko ng wala namang kakaiba bukod sa mala rosas ng ulap. Ang pagkakasingkit ng mata ko ay unti unting bumilog sa panlalaki ng makita kong iluwa ng mga ulap ang isang malaking nag-aapoy na ibon. Napa-atras ako at pumunta sa likod ni South. "What the hell!?"-- Drew. Bumulusok ito pababa at bumuga pa ng apoy sa ere na akala mo ay isang dragon. Hindi na lumapag ang mga paa nito sa lupa at nanatiling nakalutang ng kaunti. Lumapit si South sa Ibon at hinaplos ng ilang ulit. "Have you been well?" umungol ito sa naging tanong ni South. "Very good." wow! Nagkaintindihan!? Ah basta! Nakakatakot padin. "Choose." baling niya sa amin. "Dito ko kay Fire Princess." excited na sabi ni North. Nakita kong tumalong ng mataas si South. As in mataas. Napanganga ako at sinundan ng tingin ang naging pagkilos niya. Pati ang malumanay niyang pagbagsak sa likod ng ibon. Sumunod si North na tumalon din. "Me too!" excited na sabi ni Norin saka sumampa. "Let's go." sabi ni East at nauna ng tumalon. Sumampa sa earth fox. Sumunod si Alexis at si West. "Dito nalang tayo." sabi ni Drew at itinuro sila Alexis. Tumango lang ako. Walang choice! NAKASAKAY na kaming lahat. Bumukas ang malaking gate at pumasok kaming ng sabay sabay. Sumara din ito ng makadaan kami. Pagpasok namin ay may parang kung ano kaming nadaanan. Malambot na hindi nakikitang bagay pero naramdaman ko. Mabilis na lumipad ang Phoenix sa hinpapawid at diretsong lumipad papunt sa malaking gusaling nakikita ko ngayon. Ang Fox naman ay mabilis ang pagtakbo na animo'y isang hangin sa bilis. Habang papasok kami ay di ko naiwasang pansinin ang mga palakad lakad na hindi ordinaryong tao. Ang iba ay mga naka-sakay sa Magical Carpet. And ilan naman ay lumilipad kahit walang pakpak. May mga nakasakay din sa walis pero hindi tulad ng lagi kong nakikita sa TV na mahaba ang baba at may sumbrerong itim. May hawak lang silang itim na stick. Bukod sa kanila ay may mga napansin akong mga naka-upo sa bench. Mga magkakaibigan siguro. Nagtatawanan at nagkakatuwaan. magtatakip silim na kaya sa tingin ko ay nagre-relax lang sila. Pati ang Academy ay napak-magical ng dating. Marami ding mga maliliit na nilalang ang pagala-gala. Ang ilan sa nadaanan namin ay napapatingin sa amin. Baka dahil ngayon lang nila kami nakita. Nagkibit balikat lang ako. Huminto kami sa harap ng guasali. Isa-sa kaming bumaba. Maya-maya ay kinusap lang din ni East at South ang mga alaga nila bago nagsi-alisan ang mga ito. Napalinga ako sa paligid. Napakalaking paaralan. Tatlong beses ang laki Sa isang university? Ay ewan! Basta malaki. Wag na ikumpara. Walang binatbat ang pinanggalingan naming eskwelahan. Nanliliit lang ako. May anim na malalaking gusali. Lahat ay kulay Crema ang disenyo. Bawat isa at may flag sa itaas. Sa di kalayuan ay may Parang foot ball Field na anim na beses ang laki kaysa sa pangkaraniwan. Sa kabilang side nito ay napansin ko ang bilugang gusali. May nakalagay na malaking letra na nakalagay ay "ARENA". "Tara. Sumunod kayo." sabi ni North kaya nagsi Sunuran kami papasok sa loob. SHIORI'S POV Napahawak ako sa ulo ko at dahan dahan kong idinilat ang mga mata ko. nahihilo pa ako. Nanlalabo pa ang paningin ko.gusto ko sanang bumangon. Pero hindi ko magawa. "Ano ba kasing ginawa mo at buong araw ng walang malay? Paano na natin siya dadalhin sa academy?" dinig ko ng isang boses. Mediyo pamilyar.pero hindi ko malaman kung sino ang nagmamay-ari ng boses dahil bumubulong ito. At nahihilo pa talaga ako. "Malay ko. Tsk. Siguradong hinahanap na siya." "Tara na. Dalhin natin siya kay Head Mistress." "Anong gagawin mo gantimpala?" "Bahala na. Hindi din naman ako umaasang ibibigay sa atin yun. Tandaan mo labas tayo sa Misyon." "Yeah! Yeah! Kaya nga si Head Mistress ang magbibigay nun." Nanatili akong nakikinig sa dalawang taong nagbubulungan. Pilit kong inaalala kung saan ko narinig ang mga boses nila pero hindi ko matandaan. Naramdaman ko na may lumapit sa akin. Pati ang amoy nila ay pamilyar. Sobrang labo ng mata ko at hindi ko makita ng klarado ang mukha nilang dalawa. Isang babae at isang lalaki. "Si-sino k-kayo." hinang hina kong tanong. Pero hindi sila sumagot. Naramdaman kong may bumuhat sa akin. Ang alam ko lang ay nakalaylay ang ulo ko sa ibaba at ang tiyan ko ay nakapatong sa balikat nung lalaki. May nakahawak sa binti ko. Para bang ang pagkakabuhat sa akin ay isang sako. Naglakad siya ng naglakad at lalo akong nahihilo at saka muling nawalan ng malay. NAGISING ako ng dahil sa liwanag na nagmula sa kung saan. Itinakip ko ang kamay ko sa mukha ko saka unti unting inilibot ang paningin ko. Napakalaking Kwarto naman nito at napaka-ganda. Hindi ito ang kwarto ko. "Nasan ako!?" napabalikwas ako ng bangon. At doon ko napagmasdan ang buong kwarto. Puti at gold ang nakikita ko. Puting kisami. Gintong chandelier. May tatlong Pintuan sa harap ko. Lahat ay two door. Napatingin ako sa kama. Puting bed sheet. Gold ang kulay ng Unan. Pula ang sapin ng sahig. May red Carpet papunta sa Tatlong Pinto. Sa magkabilang gilid ay may malaking bintana na may pulang makapal na kurtina. Sa likuran ko ay isang bintana na may kurtinang See through. Hinahangin pa ito at dumidikit sa buhok ko. Napatayo ako. May isang pares ng Tsinela na may brown Fur and nasa baba ng kama kaya sinuot ko agad. Pumunta ako sa pintong nasa kaliwa. Binuksan ko iyon. Akala ko ay yun ang labasan. Pero laking gulat ko ng makita ko ang sangkaterbang damit. Iba't ibang klase. Kakaiba ang mga disenyo pero karamihan ay kulay white at silver. Napakaraming sapatos. Iba't iba rin ang style pero puti at silver lang din. Ultimo gown ay meron. Pati jewelry. Napa tingin ako sa malaking salamin. Nakita ko ang kabuuan ko. Nakasuot ako ng puting damit na hanggang tuhod lang. May burdang kulay itim sa may bandang dibdib. Itim na bulaklak. Close neck at cut ang sleeves. May itim na belt. Sa belt ay may bilog na silver at may diamonds sa gilid, ang laylayan ay may fur na pink. Ang ganda. Nakabraid ang buhok ko at may ilang hibla ang nasa mukha ko. May nakalagay na sequence sa buhok ko. May naka lagay sa ulo kong isang silver na mukhang kwintas at sa gitna ng noo ko ay may pendant. Lumabas agad ako at isinara ang pinto. Baka mapagbintangan pa ko dito. Pumunta ako sa pintong nasa gitna. Bumungad sa akin ang isang silver na office table. May dalawang uuan sa harapan. Punong puno ng libro sa napakatataas na book shelf. May isang malaking bintana na nakasara pero nakahawi ang kurtina sa gilid. "Nasaan ba ko?" Binuksan ko ang ikatlong pintuan. Napa-atras ako ng may dalawang babae ang nsa labas ng pinto. Parehong naka-brown at sayad sa sahig ang suot nila. Nakatali ang mga buhok at parehong pareho ang itsura nila. Pero hindi magkamuha. Yumuko sila ng dumaan ako. Naguguluhang tinig nan ko sila. Lumabas ako ng silid at tinahak ang mahabang pasilyo. Nakarinig ako ng ingay at mga tawanan. Kaya hinanap ng pandinig ko iyon. Lumapit ako sa railing ng hagdan. May mga taong dumaraan. Weird manamit. May mga dalang stick ang iba. Napamaang ako ng may mga dumaang nakasakay sa magic Carpet at ang iba ay parang hangin sa bilis kung dumaan. Parang ang liit nila sa paningin ko dahil mataas ang kinatatayuan ko. Naghanap ako ng hagdan pababa. Pero wala. Walang hagdan! Inilibot ko ang paningin ko. Isang mahabang rectangular ang hugis ng loob. Pati railings. Mahaba at malawak. Napakataaas ng kintatayuan ko ngayon. At walang hagdan para bumaba. Anong lugar ba to!? May mga nadaanan akong pintuan ng magikot ako. Labing walong pintuan lang ang napansin ko sa buong floor na to. naghalumbaba ako sa Railings habang pinapanood ko ang iba't ibang klase ng tao na may iba't ibang kakayanan ang lumalabas doon sa malaking pintuan. Pumunta ako sa silid na pinanggalingan ko kanina. Wala na ang dalawang babae doon. Pumasok ako at lumapit sa bintana. Hinawi ko ang pulang kurtina. Doon ko napagtantong ang taas ng pwesto ko. Ang ganda ng labas sobra! Sobrang ganda. Ang sarap titigan. Hindi kapanipaniwala at higit sa lahat ay Magical. May mga gumagawa ng kung ano ano. May lumilipad. May naglalaro sa himpapawid. May mga iba't ibang kulay ng bola na palipad lipad sa ere. May mga gusali sa tabi. Pero bukod doon ay natanaw ko mula dito ang napakalawak na field at ang bilugang Gusali na napag-alaman kong Arena dahil may nakalagay mismo pangalan nun. Pero bakit parang hapon na. Lumapit ako sa queen sized bed at saka sumampa doon. Napabuntong hininga nalang ako. Gusto kong lumabas at pagmasdan sa malapitan ang mga kakaibang nilalang na nasa labas. Gusto kong hawakan. Pero pano!? Paano ako lalabas!? "Bilisan mo naman!" napatayo ako ng may marinig akong sumigaw.‎Lumapit ako sa pintuan at idinikit ang tenga ko doon. "Eto na!" sabi ng isang lalaki. Binuksan ko ang pinto. Natigilan ako at ganun din ang dalawang pamilyar na tao sa harap ko. Nanlaki ang mata ko. Hindi naman na nakapagtataka na nakita ko sila dito pero nakakagulat na nasa harap ko sila ngayon. Sila yung mga nakasakay ko sa Jeep. "Miss Shiori?! Shiori Inoue Almeda?" tanong nung babae. Lumapit ako sa kanila. Umayos sila ng tayo at halatang nagulat din na makita ako dito. "Kelan ka pa dumating dito?" tanongg nung lalaki. "Hindi ko alam. Basta paggising ko kanina nandito na ko. Nasa Kwartong ito." sabi ko. "Woah. Sinong nagdala sayo dito?" tanong nung Babae. "Hindi ko alam. Nawalan ako ng malay nung may kumuha sa'kin." nagulat sila pero nakabawi din agad. "Kanina ko pa gustong lumabas. Pero walang hagdanan." turo ko sa baba. Napangiti sila pareho. "Bagay sayo ang suot mo Miss Shiori." puri nung lalaki. Napangiti ako. Napansin ko ang suot nila. Mediyo kakaiba din kumpara sa pananamit sa amin. "I'm Zieg Medson." sabi niya sabay lahad ng kamay niya. Inabot ko iyon. "I'm a time manipulator. At yes, kami ang nakasabay mo sa Jeep. Jeep ba tawag dun?" tumango ako. Feel kong mabait itong si Zieg. Palangiti. "Ako si Zila Medson. Magkapatid kami. Siya ang kuya ko. Dream Catcher naman ako." sabi niya ng nakangiti. Parehong pareho sila ng ngiti at magkahawig na magkahawig. Inabot ko rin ang nakalahad niyang kamay. "Nandiyan na ang iba." inginuso ni Zieg ang likuran ko kaya napalingon ako.‎ "Xina?" usal ko ng makilala ang parating na babae. Sa likuran niya ay may naka-sunod na lalaki. Kapareho niya ng kulay ng buhok. Nakangiti siyang lumapit sa amin. Tapos yung isang lalaki ay yung naghanap sa akin sa Restaurant noong nakaraang araw. Yung inaway nitong dalawa. Ni Zieg at Zila. May kasama din itong isang babae. "Miss Shiori!? Wow! Nice to see you here at the Academy." bati ni Xina. Hindi din makapaniwalang nandito ako. "Congrats sa nakapagdala sayo dito. Such a big honor." "Nice too see you too." sabi ko at ngumiti. "By the Way this is Avien Driman. Mission Partner ko." "Hi Miss Shiori." nakipagshake-hands ako kay Avien. Paghawak ko sa kamay niya ay biglang nagbago ang paligid. Napunta ako sa gilid ng bangin. Sa gulat ko na-out balance ako. Ang taas at nakakahilo. Anong nangyayari? Muntik na akong mahulog pero may yumakap sa akin. Paglingon ko ay si Avien. Napakunot noo ako at naitulak ko siya. Pero hindi niya binitawan ang kamay ko. "I'm an illusionist. " pagkasabi niya nun ay ngumiti siya at biglang bumalik sa dati ang lugar. Ang galing! "Ikaw. Nakita na kita." turo ko dun sa pinakamatangkad sa kanila. "Ikaw yung naghahanap sa akin sa restaurant." "I am glad that you recognized me Miss Shiori. I hadn't got the chance to talk to you but now I have the opportunity to introduce my self. I'm Edmund Froster. Reflecting ability." nakipagkamay din siya kaya tinanggap ko. "Hi." maikli kong bati. Napatingin ako sa likuran niya. "Your partner?" turo ko dun sa babae. "She's Alice Frailen." lumapit siya sa akin habang makahulugang naka-ngiti. Inilahad niya ang kamay sa akin. Inabot ko iyon. Pero laking gulat ko ng parang may humigop na kung ano sa katawan ko. Pakiramdam ko ay humihiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko. Maya maya pa ay nakita ko na ang sarili ko sa harap ko hawak ko ang kamay ko. Napatingin ako sa sarili ko. Nakangisi ito at dahan dahan lumapit kay Zieg Medson. Nanlaki ang mata ko ng hawakan ko ang psingi niya at akmang hahalikan. Sa gulat ko ay nahila ko ang sarili kaya napa-atras ang katawang ko. Tinignan ko ang sarili ko. Hindi to ang katawan ko! Nasa ibang katauhan ako. Ngumisi ulit ang sarili ko na kaharap ko ngayon at saka kinuha ang kamay ng katawang ginagamit ko ngayon. And again, I felt it. Yung pakiramdam ng humiwalay ang kaluluwa mo sa katawan mo. Naitukod ko ang kamay ko sa Railing ng makaramdam ako ng pag kahilo. May humawak din sa isa kong kamay. "She's a Soul Manipulator." pagpapatuloy ni Edmund. "s**t!" yun lang ang nasabi ko. "So sino ang maswerteng Makakatnggap ng gantimpala at nakapag-dala sayo dito?" tanong ni Xina. "Hindi ko rin alam.‎" "Oh! Baka si na Alexis at Norin." singit ni Alice. "Nope. I saw them last Night. Hindi daw nila alam kung nasaan itong si Miss Shiori. So hindi sila." sagot ni Zila. "Ha!? Eh ang Element Users?" -- zieg "Iba ang kasama nila kahapon. Sila Sir--" hindi na natapos ni Xina ang sinasabi ng biglang sumulpot sa harapan namin sina Sean at Analysse. "Wala ni Isa sa atin ang nakapagdala kay Miss Shiori dito. Hindi sila kasama sa Mission."-- sean. "At mukhang alam na namin kung sino."-- annaysse. "Sino?" tanong ko agad. "Sila." turo ni Sean sa ibaba. Nanlaki ang mata ko ng makilala ang dalawang tao sa ibaba na tahimik na naglalakad palabas. Paano? Teka! Nakakagulat! Anong ibig sabihin nito!?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD