HERA'S POV Napatakbo kami papasok ng palasyo nang magkamalay ang dalawa . Wala parin talaga kaming makita ni isang tao. Ang alam ko ay dumating na si West at halos magkasabay lang kami. Kinabahan tuloy ako para sa kanila, baka kung ano na ang ginawa ni Hero dito. Ilang pasilyo na ang nadaanan namin, may mga tagasilbi na nakahandusay sa sahig. Ang iba ay wala ng malay at marami ang wala ng buhay. Hindi ako makapaniwalang magagawa ito ni Hero namin. Sigurado akong hindi niya magagawa ito. Walang sugat sa labas ang mga katawan pero tumigil na ang puso at pulso nila sa pagtibok. '' Kung anak niyo iyong binata kanina at nagawa niya kaming saktan ni Farah, posibleng siya ang may gawa nito hindi ba?'' Tanong ni Arthur. Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Hindi ako naniniwalang kayang pumatay

