HERA'S POV Hindi ko maiwasang maluha sa nasakasihan kong eksena nina Auna, Arthur at Vera. Parang nakikita ko si Generous sa kanilang anak. Iniisip ko palang na sasabihin sa akin ni Generous ang mga katagang iyon ay nagpupuyos na ang aking puso sa sakit. "Anong nangyari!?" Gulat na tanong ni Norm. Walang makasagot dahil wala namang nakaranas ng naranasan nila Auna ngayon ngayon lang. Tanging si Smile at ang tatlo lang ang nakakita sa kani-kanilang nakaraan. Sinubukan ni Hero na sundan si Vera ng umalis ito. Ngunit agad na napigilan siya ni Smile. Hinang hina si Smile ay napaluhod sa harap ni Hero. Nang matulungan siya Hero na tumayo ay nawala na ng tuluyan si Vera. "Smile." Usal ko at tinignan ko siya. Humihina ang t***k ng kanyang pulso. "Magpahinga ka na muna." "Hindi na lalakas p

