SHIORI'S POV "Au revoir! Merci pour votre temps!" (goodbye, thanks for your time) nakangiti kong wika ng ihatid kami ng mag-asawa palabas. "J'espére Vous Revoir." (hope to see you again.) sagot ng asawa ni Art Dave at nakipagkamay ulit samin ang mga ito. Kumaway kami sa kanila habang papalayo. Nakatanaw parin ang mag-asawa habang nakangiti. Nang makalayo kami ay doon lang nagsibagsakan ang mga balikat namin. Para kaming mga nasa lamay o kaya ay nakikisama sa pagdiriwang ng biyernes santo. Bigla kaming nanghina at nawalan ng pag-asa. "Pakiramdam ko Mission Failed." seryosong sabi ni Russel habang nanlulumong naupo sa isang bench. "Kailangan na natin sigurong ipa-alam kila South ang impormasyon."suhestiyon ni Drew. Tumango naman ako at kinuha ang phone ko. Idinial ko agad ang number ni

