HERA'S POV Napatakbo kami pabalik sa loob ng palasyo. Nataranta ang Prinsesa kaya pati kami ay nataranta. Lakad takbo siyang umakyat ng hagdanan kaya lakad takbo rin kaming apat, si Damien, at lahat ng tagasilbing nakasunod sa amin. Nang marating namin ang ikalawang palapag ay natanaw ko si Smile na pasalubong sa amin. Nakakunot ang noo niya ng makitang nagmamadali kami. "May Problema po ba, kamahalan?" Tanong niya agad. Napahinto ako sandali at kinuha ang kamay niya. Nagulat siya pero nagpatianod din. "Hindi namin alam kung anong nangyari pero mukhang may problema nga." Sabi ni Arthur. Tinanaw ko ang mahabang pasilyo. Mukhang malapit na kami dahil napansin ko na ang Apat na Tagasilbi sa labas ng silid na nagmamartsa at hindi mapakali. "Anong nangyari?" Tanong agad ni Jewel nang mak

