RUSSEL'S POV Kahit paika-ika ay sinikap kong sabayan ang bilis ng kawal sa paglalakad. Nasa dulo na kami ng pasilyo ng makaramdam ako ng kakaibang lakas. Kinapa ko ang sugat ko sa tiyan, sa binti at sa balikat. Wala na ang sugat ko. Hindi ko ipinahalata sa kawal at umarte akong nahihirapan. Narating namin ang pinakahuling pintuan, binuksan niya iyon at pinauna akong pumasok. Pagpasok ko ay nadatnan ko ang hari na nakaupo sa isang silya, sa harap non ay isa pang bakanteng silya. Walang laman ang silid na kahel ang kulay. Wala ni ano mang display o mesa man lang. Basta ang laman lang ay kaming tatlo at ang upuan. Sumenyas siya na lumapit ako. Lumabas na ang kawal ng makaharap ko na ang hari. Naglabas ng kopita ang hari na hindi ko alam kung saan nanggaling at inialok sa akin. Hindi ko i

