THIRD PERSON'S POV Nagising si Auna na nakahiga sa isang malambot at nakalutang na ulap. Mabilis siyang napaupo at tinignan ang paligid. Umikot pa siya para tignan ang lahat ng bagay sa paligid niya. Lumipad siya pataas, tumingala't yumuko. Sinipat niya ang suot na mahabang damit, tinignan niya ang kanyang braso at hinawakan ang kanyang malamig na pisngi. Kinurot niya ang sarili ngunit wala siyang maramdamang sakit. Umaasang panaginip ang lahat. Nais niyang makaramdam ng Kaba ngunit kahit katiting ay wala siyang mahagilap na kaba sa kanyang dibdib. Narinig niya ang lagaslas ng tubig mula sa kanyang likuran. Naroon ang Talon na madalas niyang puntahan upang bantayan ang Heiress noon. Agad siyang Lumapit doon at hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit nais niyang makita ang lumuluta

